Kabanata 53: Piging Piging - handaan Habang vacant period pa namin ay hindi ako tumatabi kay Ali. Naupo kami ni Lyca sa may likuran ng room. Para yatang hindi ko na kakayanin yung pagpa-prank. Humahaba na at parang nagiging totoo na talaga sa kaniya. Well, hindi naman siya maniniwala if hindi kapani-paniwala. Pero bago kami muling tumambay sa room ay nag-usap muna kami ni Ali sa kabilang dulo ng hallway. "Oy bakit hindi ka sumasagot kanina? Tagal ko sa baba, ah. Muntik na rin akong makita ni Lyca buti kausap niya si Jaydee. Kasabay ko ata siyang bumaba." tanong ni Ali sa akin. "Na-confiscate yung cellphone ko ‘di ba?” “Bakit nga ba kasi nagseselpon ka?” tanong niya. “Kasi naman hindi ko na nabasa yung message ni Lyca. Eh sa sobrang gusto ko nang mabasa edi ayun nilabas ko yung phone

