Kabanata 55: Baligho Baligho - laban sa katwiran Matapos ang kwento ng buong kaarawan ni Lyca ay nabusog din kami sa mga pagkain. Naglatag kami para makahiga tapos tatanawin lang ang mga bituin sa kalangitan kasama ang buwan at mga ulap. Kaming dalawa ang magkatabi ni Ali. Hindi ko maipaliwanag ang sayang namamagitan sa aming dalawa. Tinitignan ko lang siyang nakatingin sa kalangitan. Napakatangos ng ilong tapos ang haba ng pilikmata. Tila yata bawat araw ay mas lalo akong nai-inlove sa kaniya. Muli akong tumingin sa maulap na kalangitan. Kakaunti lang ang bituin na abot-tanaw ng aking mga mata. Naramdaman ko sa aking gilid ang paghinga ni Ali. Nakatingin pala siya sa akin. Alam niyo yung Cornelia Street ni Taylor Swift? Parang relate na relate na ‘ko dun ngayon. Hindi ko talaga alam a

