Kabanata 47: Lihis Lihis - salungat Nag-log in kami sa online account namin sa portal at doon lumabas ang sampung problems na may kinalaman sa iba’t ibang subjects namin ngayong sem. Makaririnig ka na agad ng mga tunog ng mga tumitipa sa kanilang mga calculator. Parang isang musika na sabaysabay ang saliw. Napapatitig lang ako kay Ali habang seryosong-seryoso siyang nagso-solve. Na para bang may gusto siyang patunayan. “Baka naman matunaw ako niyan? Mag-solce ka rin kaya,” wika niya. Napabalik agad ako sa ulirat. “Anong tinititigan kita? Nag-iisip ako. Nalimutan ko na agad yung iba, eh.” Palusot ko. Meron lamang kaming isang oras para magsagot pero nakakaisa pa lang kami sa loob ng 15 minutes. Hindi ko alam. Hindi talaga ako maka-focus. Kakatapos nga lang ng exams tapos ito na nam

