Hello, readers!
_______________________________________
This is my first time publishing a story. I wrote different stories back then but I haven't finished them yet due to a lack of confidence and inspiration plus I have school works and stuffs to do.
I wrote this story based on my imagination so if you like reading what I wrote here, let me know if you want another story and what will the genre be.
I hope you'll like it because I pushed myself to publish one story this year and to publish more soon.
If I misspell an English or Tagalog word, I'm sorry. Also, if you saw my grammar wrong, please let me know.
The first to fourth Chapters are written in Tagalog but after that it's all written in English so I hope you like it. So much thanks!
_______________________________________
Thank you! Please enjoy reading!
-Kal
_______________________________________
Start
Humahagulgol ako ng iyak habang nakayakap sa kabaong ng magulang ko. My parents went out of town to celebrate their 24th anniversary pero hindi nasunod ang plano.
_______________________________________
3 years ago. 8 hours before the accident.
"Mommy, have fun! I'm gonna miss the both of you." Sabi ko kay mommy habang yakap yakap s'ya. "And daddy!" Pabulong kong tawag habang naglalagay ng bag si daddy sa compartment ng sasakyan. Humarap si daddy "Gusto ko po ng kapatid, kambal or lalake sana hehe" bulong ko kahit alam kong naririnig ni mommy. "Sige, masusunod hahaha" sabi ni Daddy nang pabiro. "Naririnig ko kayo! Ano nanamang kalokohan yan? Kayo talagang mag-ama ko" Sabi ni mommy at saka pumeywang. Nagtawanan kami. Niyakap ako ni mommy at daddy ng mahigpit bago sila umalis. "Nanay, 3 days lang po kaming mawawala. Paki-alagan po si Keiryp" Sabi ni mommy at saka niyakap si lola. Sumakay na sila sa kotse at saka umalis. Nagpapaalam ang kanang kamay namin ni lola hanggang sa hindi na namin nakita ang pulang kotseng sinasakyan nila. Pumasok na kami sa loob ng bahay.
Kinagabihan.
Patapos na magluto si lola kaya't naghanda na ako ng plato, baso, kubyertos, at saka ng pitsel. Binuksan ko na ang TV para manood ng balita. Habang nagsasandok ako ng kanin ay nakarinig ako ng balitang nakapagpabitaw sa kamay kong may hawak na sandok.
"Nagkaroon ng banggaan mga ilang minuto lang ang nakakalipas sa xx road. Namataan ang dalawang mag-asawang patay sakay ng isang pulang sasakyan. Inaaalam pa ng mga otoridad kung sino ang nakabangga at inaalam na rin nila kung sino ang mga nasawi. xx, nagbabalita"
Tumingin agad ako kay lola at saka nagbigay ng nag-aalalang ekspresyon sa mukha. Kinakabahan ako. "Apo, ligtas ang magulang mo. Tara at kumain na tayo." Sabi ni lola habang hinihimas ang aking braso. Nagpatuloy ako sa pagsasandok ng kanin at saka pumunta sa lamesa para kumain. Kumain na kami ni lola ng Picadillo. "Sayang 'la, paborito 'to nila mommy at daddy." Sabi ko habang nanginginig at saka pumeke ng ngiti. Hindi ko pa rin makalimutan yung narinig ko sa balita. Ngumiti lang sa akin si lola. Habang nasa kagitnaan ng pag-kain ay tumunog ang telepono malapit sa kusina. "Lola, ako na po" sabi ko kay lola at saka sinagot ang tawag.
"Hello?"
"Magandang gabi po, xx Hospital po ito. Kaano-ano n'yo sila Lydia at Dylan Resché?"
"P-parents ko po. Anak po nila ako. Keiryp Resché" kinakabahan na ako. Sana ligtas sila.
"1 hour ago po, may nangyaring salpukan sa xx road. Sa pagoobserba namin, nahagip po yung sasakyan ng magulang ninyo at natagpuang nag-aagaw buhay. Para po sa mas malinaw na impormasyon at inaanyayahan po namin kayo na pumunta sa xx hospital ngayon din para malaman at mabantayan ninyo ang kalagayan nila."
Nanginig ang aking mga paa at saka napaupo sa sahig. Nabitawan ko ang telepono. Saglit akong tumulala at saka tumingin kay lola.
"Lola, nasa ospital sila mommy at daddy. Nag-aagaw buhay na raw po sila." Lumuluha na ako "Lola, sila mommy at daddy" humagulgol na ako ng sobra.
Agad agad akong itinayo ni lola at sinabing "May awa ang Diyos. Mabubuhay sila. Mag-bihis kana. Pupunta tayo sa kanila ngayon din. 'Wag ka ng umiyak apo." Pinunasan ni lola ang aking luha at saka iyakap ako ng mahigpit. Umakyat na ako sa kwarto ko at saka nagbihis ng mabilisan.
Aligaga akong pumunta sa front desk ng ospital at tinanong kung saang kwarto sila mommy at daddy.
"Lydia and Dylan Resché. Nasa Operating Room po sila ngayon. Bawal po muna kayong pumasok doon pero may upuan ho sa labas. Pwede po kayong umupo doon at maghintay."
"Salamat po" sabay takbo sa labas ng operating room.
Hindi ko mapigilan yung iyak ko. Niyakap ako ni lola na kapwa kong nagdadasal na sana umangat ang porsyento na mabubuhay sila.
"Mommy, Daddy, lumaban kayo. Hindi ba't pupunta pa tayo ng Thailand? Hindi ba't pinangako ninyo sa akin na magsasako tayo ng BL actors? Daddy, gusto ko pang pumunta sa Phuket kasama ka. Mommy, diba susuportahan mo pa akong mag-audition sa GMMTV?" Bulong ko habang humahagulgol sa gilid ng upuan. Nakatingin sa pintuan. Nagaabang ng doktor na lalabas doon.
Matapos ang ilang minutong paghihintay, bumukas na ang pinto ng Operating Room at saka ako lumapit sa Doktor.
"Doc, kamusta na po magulang ko." Aligagang sabi ko at saka hinawakan ang braso ng doktor. Huminga ng malalim si Doc. Masama kutob ko. "I'm sorry to say but they already passed away." Namutla ako at napabitaw kay doc. Pinipigilan ni lola ang luhang nagwawala at gusto ng umagos mula sa kaniyang mga mata. Hinawakan ni lola ang braso at balikat kong nanghihina. "Nurse, time of death 9:16 PM" Sabi ni doc na lalo kong ikinatulala. Nanghina ang aking tuhod at saka nanginginig na inalalayan ni lola para umupo.
Hindi ko na alam ang gagawin. Wala ng luha. Nabigla ako. Ang bigat. Lord, bakit? Ano ba ang nagawa kong kasalanan para mangyari 'to sa akin? Ano po ba ang nagawa ng magulang ko para kunin ninyo ang kanilang buhay? Lord, bakit?
2 weeks after.
Humahagulgol ako ng iyak habang nakayakap sa kabaong ng magulang ko. My parents went out of town to celebrate their 24th anniversary pero hindi nasunod ang plano. Maybe the heaven is too beautiful that's why God took you both. Niyakap ko ng mahigpit ang kanilang kabaong bago sila ilibing.
Mommy, Daddy, magsisikap ako at tutuparin ko ang mga pangako natin sa isa't isa. Pangako.
_______________________________________
3 years went fast.
"My, Dy, Sabi n'yo 3 days lang kayong mawawala, bakit naman naging 3 years? Miss na miss ko na kayo. Nagluto kami ni lola ng Picadillo, ingit ba kayo hahaha" Pinilit kong ngumiti habang pinupunasan ang sipon at luha ko. "Hintayin niyo po ako d'yan ha. Gumawa po kayo ng maraming memories para marami rin po kayong maikekwento sa akin pagdating ko diyan."
Andito ako ngayon sa puntod nila mommy at daddy. "Wish me luck My, Dy, first day ko ngayon sa College" Hinimas ko ang puntod nila at saka iniwan ang bouquet ng bulaklak na espesyal na ginawa ni lola. "Hindi na po nakapunta si lola kasi po matanda na rin s'ya at hirap na sa pagtayo. Sa susunod po, dadalawin namin kayo pareho." Sabi ko sa puntod nila at saka tumayo.
"Mommy, Daddy, aalis na po ako. Babantayan n'yo po kami palagi ha. I love you both."
Lumakad na ako palayo sa puntod nila. Pagdating sa xx College ay agad akong naghanap ng C.R. para ayusin ang namamagang mata at ikalma ang sarili.
Pinunasan ko ang aking mga mata at saka uminom ng tubig galing sa tumbler na nakalagay sa bag ko. Naglagay ako ng pulbo at kaunting liptint para magkaroon ako ng kulay. Ilang minuto ay kumalma na ako. Lumabas at dumeretso na ako sa pintuan kung saan magaganap ang simula ng pangarap ko.
"Happy 3rd Death Anniversary My, Dy. Papatunayan kong kaya ko na." Bulong ko bago tumapak sa isang silid na may apat na kanto.
__________________________________________
End of Chapter 1
"3 years ago"