D-14 before my flight.
Pagkatapos kong mabasa ang balitang makakaalis na ako papuntang Thailand ay agad kong inayos ang mga papeles na ipapasa ko bukas sa MCCOA.
D-13 before my flight.
Kinabukasan, maaga akong naghanda at saka pumunta sa MCCOA. Tinulungan nila akong asikasuhin ang passport at kung ano-anong papeles na gagamitin ko para tuluyang makapunta sa Thailand. "Keiryp, Your passport will be processed in 12 days. Congratulations!" Sabi ng manager ko. "Huwag kang mag-alala dahil kasama mo ako roon. May isa ka ring ka-room mate roon. Bali tatlo tayo. If you need help, just call me." Sabi ni Ma'am Malia. "Thank you po ma'am! I'll work hard. Thank you so much po." Masaya kong tugon.
D-12 before my flight
Pinagusapan na rin namin ni lola ang mga dapat niyang gawin habang wala ako. Gumawa na rin ako ng listahan ng mga dapat bilhing gamot ni lola at ng mga pagkaing igogrocery ko para may pagkain si lola kapag umalis ako.
D-11 before my flight
Maaga akong gumising para mag-grocery ng mga pagkain ni lola habang wala ako. Bumili na rin ako ng mga necessities na gagamitin ko sa pag-alis. Dumaan na ako sa isang Pharmacy para bumili ng mga gamot ni lola at ilang gamot para sa akin para kung magkakasakit ako roon ay handa ako at hindi ko na kailangang bumili pa.
D-10 before my flight
"Lola, hinanda ko na po yung mga kailangan n'yong inuming gamot." sabi ko habang sineseparate ang mga gamot ni lola ayon sa oras at pangangailangan. "'Etong mga nebule, rito nakalagay, 'la para hindi ka malito." naiiyak na ako habang sinasabi 'to kaya't ginawa kong busy yung sarili ko sa mga oras na iyon. "Apo" hinawakan ni lola ang kamay ko habang nakaupo sa gilid ko. "Ayos lang si lola, ang intindihin mo ay ang sarili mo dahil malalayo ka sa aming pamilya mo." Napatigil ako nang sabihin iyon ni lola. Lumuhod ako at saka siya niyakap ng mahigpit. Humagulgol na ako ng sobra at naluha na rin si lola. "'Wag mong nang intindihin si lola kasi andito naman ang tita mo para alagaan ako at kaya ko ang sarili ko." hinimas-himas ni lola ang aking ulo at saka ito hinalikan. "L-lola, ikaw 'yung andito simula noong nawala sila mommy at daddy t-tapos iiwan na kita ngayon" umiiyak kong sabi "Naiintindihan kita, apo. Ginagawa mo lahat para hindi ako mahirapan at saka pangarap n'yo 'to ng mommy at daddy mo 'di ba?" Sabi ni lola. Tumango ako at hinawakan niya ang aking mukha. Pinunasan niya ang luha mula sa aking mata at saka ko siya niyakap ng mas mahigpit.
D-9 before my flight
Ipinagluto ko si lola ng Picadillo. Masaya kaming kumain habang inaalala ang masasayang alaala kasama sila Mommy at Daddy. Kung dati ay apat kaming nasasabik sa lutong Picadillo ni lola, ngayon ay si lola nalang ang sabik sa luto ko. Kung matitikman lang 'to nila My at Dy, matutuwa sila.
D-8 before my flight
Tinulungan kong magdilig si lola dahil hindi ako nagkakaroon ng oras para sa kaniya noon dahil sa trabaho ko. Kinuwento niya sa akin na ang puno raw sa gilid na iyon ay itinanim nila ni lolo noong bagong lipat sila rito. Ang nasa kabilang gilid naman daw ay ang punong itinanim nila Mommy at Daddy noong ipinagbubuntis ako.
D-7 before my flight
Alas-tres ng hapon. Binuksan ko ang TV at saka pumili ng palabas na makaluma. Masaya kaming nanod ni lola. Pakiramdam daw niya ay bata siya ulit. Humiga ako sa hita ni lola at saka niya hinimas-himas ang aking buhok. Masaya ako.
D-6 before my flight
Gabi-gabi ay tumatabi ako kay lola para makipagkwentuhan tungkol sa kapanahunan niya. Nakakatuwang marinig ang mga kwento niyang hindi niya naikwento sa akin dati. Nagk-kwentuhan kami hanggang sa makatulog ako. Mararamdaman ko nalang ang yakap niya sa akin at saka ako tuluyang makakatulog ng mahimbing.
D-5 before my flight
Nag-paalam na ako sa pinagtatrabahuhan kong Milktea Shop.
D-4 hanggang D-3 bago ang aking flight
Inubos ko lang ang natitira kong oras kasama si lola. Ang bilis ng araw.
D-2 before my flight
Nagpaalam ako kay lola na pupunta ako sa sementeryo upang bisitahin sila Mommy at Daddy. Dumaan ako sa isang flower shop para bumili ng bulaklak na iaalay ko kila mom at dad. Pagkadating ko roon ay lumuhod ako at saka hinimas ang kanilang puntod. "My, Dy, aalis po ako sa makalawa. Hindi ko po muna kayo mabibisita ha, pasensya na po." Tumingin ako sa langit at saka pumikit para pigilan ang luhang gustong kumawala sa aking mga mata. Muli kong tinignan ang kanilang puntod pagkatapos ng ilang segundo. "Babantayan n'yo po palagi ako at si lola ha. Bibisitahin ko po kayo agad pagbalik ko. My, Dy, matutupad ko na yung wish nating makapunta sa Thailand! Nako dad, magsasako talaga ako ng Thai actor doon tapos dadalhin ko rito sa Pinas hahahaha" pilit kong tawa habang lumuluha. "Miss ko na po kayo" hindi ko na napigilang umiyak. Umupo ako at saka yumuko para umiyak nang umiyak. Pagkatapos kong ilabas lahat ng luha at sakit na nararamdaman ko ay nagpaalam na ako kila mom at dad. "Aalis na po ako. I love you both." Paalis na ako nang makakita ako ng isang fish pond. Kumuha ako ng barya sa aking bulsa at hinawakan ito ng mahigpit gamit ang dalawang kamay at saka pumikit. "I wish, I wish, sana maging successful ako. Sana walang aberyang mangyari bukas." At saka ako dumilat at itinapon ang barya sa fish pond. Umuwi na rin ako pagkatapos at nagpahinga.
D-1 before my flight
Nag-impake na ako ng mga damit na gagamitin ko. Inayos ko na rin ang mga pagkain at gamot na ipinabaon sa akin ni lola. Hinanda ko na rin ang susuotin ko bukas gayon din ang ang mga papeles na kakailanganin ko.
Today.
Maaga akong gumising para magluto ng almusal at maghanda. Bago ako umalis ay niyakap ako ng mahigpit ni lola at hinalikan ko siya sa ulo. Nagpaalam na ako sa kaniya at ibinilin kay tita.
Tinext na ako ni Ma'am Malia kung saan kami magkikita. Hawak na raw niya ang passport ko. Handa na raw ang lahat. Sumakay ako ng taxi at saka dumeretso sa airport. Mabilis ang proseso dahil alam na ni Malia ang gagawin at kung paano n'ya ako aasikasuhin.
First time kong sumakay sa eroplano. Nanginginig-nginig pa ako at hindi ako mapakali sa kaba. Hindi na rin ako nakatulog sa sobrang excited. First time kong pupunta sa malayong lugar at wala akong ibang kakilala rito kundi si ma'am Malia.
Pagtapak ko sa lupa ay nakaramdam ako ng halo-halong emosyon. Natutuwa ako dahil matutupad na ang matagal ko nang hinihiling. Natatakot akong magkamali. Natatakot akong makagawa ng mali dahil maaaring bumagsak sa isang iglap ang mga pangarap ko. Kinakabahan ako dahil walang ng subtitle HAHAHAHHAHA. Pero seryoso, kinakabahan ako dahil basic Thai words lang ang alam kong sabihin. Pero bahala na, Alam ko namang I can learn more things while working here.
Experience is the best teacher.
Inasikaso ng manager ko ang tutuluyan kong apartment. May tatlong kwarto ang apartment na iyon. "Wala pa si Allison" sabi ni Malia. "Baka nasa trabaho pa" Ipinakita sa akin ni Malia kung saan ang aking kwarto. Hindi kalakihan at hindi rin kaliitan. Sakto lang. "Magpahinga ka na dahil bukas, it's your first day." Sabi ni Malia nang nakangiti. Tumango na lamang ako at saka niya sinara ang pinto. Humiga ako sa kama at saka tumingin-tingin sa paligid. "Nasa Thailand na ako!" Tinakpan ko ng unan ang aking mukha at saka tumili.
Kinabukasan.
Pumunta na kami ng manager ko sa set ng TonhonChonlatee Season 2. Ipinakilala ako ng manager ko sa manager ni Khaotung. Kinikilig ako na kinakabahan. Napaka-cute ni Khaotung sa personal. Gusto kong kurutin ang mga pisngi niya ngayon din. Kahit wala pang make-up ay kitang-kita ko ang kinis ng kaniyang mukha. Nakatitig lamang ako sa kanya. Nabasag ang aking pagkatulala ng sabihin nila ang salitang "Sawadeekha/krap". Bigla kong pinagdikit ang aking mga palad na para bang magdadasal at saka yumuko ng kaunti "Sawadeekha, K-Keiryp na kha" nauutal kong sabi.
_________________________________________
note: just assume that they're speaking in thai except keiryp ofc huhu
_________________________________________
"Phi, I need to make-up now. The shoot will start soon." Sabi ni Khaotung "N'Keiryp, are you ready? " Sabi ng manager ni Khaotung. "Y-yes kha Phi" Sabi ko na may kaunting pagtango at saka ako tumingin kay Ma'am Malia. Lumakad na kami ni Khaotung papunta sa make-up room. Dinidiin-diininan ko ang aking kamay upang hindi manginig mamaya dahil kinakabahan talaga ako. Hindi na normal na tao ang memake-up-an ko kundi isang artist na! Umupo na si Khaotung sa upuan at saka tumingin sa akin sa salamin at itinuro ang mga make-ups sa lamesa. Ibinaba ko ang aking bag sa gilid at kumuha ng alcohol para isanitize ang mga kamay ko. "Woah, what are you doing?" sabi ni Khaotung na nagtataka " I'm just sanitizing my hands, sir. Why kha?" sabi ko "Nothing, You're the first one who did that. My past make-up artists didn't do that. Anyways, go on. I need to hurry, the shoot will start soon." sabi ni Khaotung habang naka-dekwatro.
Kumuha ako ng hair clip para sa bangs niya at pagkatapos ay kumuha na ako ng primer at saka nilagay sa dulo ng daliri ko. Dahan-dahan kong inilagay iyon sa mukha niya. "GRABE ANG LAMBOT AT ANG KINIS, OMG!!!!!" sabi ng isip ko. Sinundan ko ang paglagay ng primer ng foundation na naaayon sa kutis nya. Naglagay ako ng kaunting concealer sa eyebags niya para hindi halata. Kumuha ako ng fan brush para lagyan siya ng kaunting highlights sa cheeckbones kaso noong ibabrush ko na iyon ay natitigan ko ang kaniyang mukha at natutulala ako. "Khaaaaooooooo!" Isang sigaw ang nagpagulat sa akin at nalaglag ang brush sa damit ni Khaotung. Patay. Lagot. "Ai Shia Podd! Why are you so loud? Look! She was startled and dropped the brush in my shirt." Sigaw ni Khaotung habang umaalis sa pagkakasandal sa upuan at nakatitig sa damit. "Ow, Kor toht. I didn't mean to. I just finding you 'cause I miss you" sabi ni Podd habang naglalakad papunta kay Khaotung para suyuin. Kinikilig ako pero kinakabahan rin ako dahil baka agad akong masisante huhu. "No, sir. It's my fault. I-I sincerely apologize for being so clumsy. Do you have another shirt? I-I'll wash that shirt for you but please, don't fire me" Nagmamakaawa kong sabi. Tumayo si Khao at lumapit sa akin sabay hawak sa kamay ko "It's your first time, right? Nong Keiryp?" nakangiting sabi ni Khaotung. "Ch-chai kha" mahinang sabi ko. "No, no, no, It's ok. It's not your fault. We're both startled BECAUSE OF THIS PODD" sabay tingin ng masama kay Plapodd. Gusto kong ngumiti dahil sa kilig kaso hindi ko magawa. Ngumiti na lamang si Plapodd at nagpakyut. Binalik sa akin ni Khao ang kaniyang tingin at sinabing "It's okay, just hold the brush tight next time. And btw, your hands are really soft. I have a sensitive face so I like it when you're putting cosmetics to my face, It's light and smooth. I might recommend you to my other friends." Sabi ni khao habang tinitignan ang kaniyang sarili sa salamin. "Finish my make-up. I have another shirt in my bag. PODD! GO GET IT!" sabi ni Khaotung at saka umupo muli. Tumingin sa akin si Plapodd habang nagsosory ng walang tunog. Tumango na lamang ako at saka naghand signal na hindi/wala 'yon. Ipinagpatuloy ko na ang pagmemake-up sa kaniya. Lumabas na ako para makapagbihis na siya.
Mga ilang minuto pa ay nagsimula na ang shoot ng TonhonChonlatee Season 2. Nakangiti ang direktor at saka bumulong sa manager ni Khaotung "His face we're good, huh. It's different from from his past make-ups". "We got a new make-up artist Phi! She's very good in handling customers and her background we're amazing too" sabi ng manager ni Khaotung.
"Okay, Cut!"
Agad na lumapit sa akin si Khaotung at inofferan ko siya ng upuan. Kumuha ako ng tissue at saka dinampi into sa pawis na bahagi ng mukha ni Khaotung. Ni-retouch ko ng kaunti ang kaniyang make-up. Binigyan ko rin siya ng mini fan.
Pagkatapos ng shoot ay lumapit sa akin si Khaotung, Plapodd, Manager nila at si Director Ekkasit. "You did well today, Nong Keiryp! Khop khun na krap!" sabi ni Khaotung. "Do my make-up next time hehehe. Sorry for being so loud while ago, It's my fault" sabi ni Plapodd habang nakangiti "No, no, no, I'm sorry for being clumsy. I'll be careful from now on." tugon ko. "Anyways, Nong, you're a newbie, right?" sabi ni Director Ekkasit. "Y-yes, Kha" kabadong sagot ko. "Keep it up, your make-up technique and art is different from his past make-up artists. See you tomorrow." Sabi ni Director Ekkasit. Nag-thumbs up si Khaotung at Plapodd sa akin. "Thank you so much. I'll work hard!" Masayang tugon ko. Nag-paalam na kami sa isa't isa. "Sawadeekrap/kha!"
Lumapit sa akin si Ma'am Malia nang nakangiti. "Narinig kong pinuri ka daw nila ha, Pagbutihin mo pa ha. May igagaling ka pa." sabi niya. "Salamat po sa pagtitiwala ^^" masayang tugon ko. "Dahil very good ka ngayon, ililibre kita ng Shabu-shabu! Tara naaa! nagugutom na ako hehehe". Nagulat ako pero masamang umayaw at isa pa, nagugutom na rin ako.
Kumain kami at saka umuwi. May tao sa kusina, mukhang si Allison. "Oh, andito ka na pala, Alli!" sabi ni Ma'am Malia habang nagtatanggal ng sapatos. "Kakarating ko lang po Ma'am. S'ya po ba yung bago? Saan po s'ya nagtatrabaho?" Nag-hi hand signal siya sa akin at saka ngumiti. Tumango na lamang ako. "Oo, s'ya yung bago. Kay Mr. Khaotung. yung nasa TonhonChonlatee" sabi ni Malia at saka umupo at nagbuntong hininga Dahil siguro sa pagod. "ahh, swerte mo naman! Mauuna na ako ha. Magpahinga na kayo." sabi ni Allison. Iba pakiramdam ko sa kaniya pero bakit ipinapalabas niyang mali ang pakiramdam ko. Binalewala ko nalang ang iniisip ko tungkol sa kaniya.
Pagkarating ko sa kwarto ko ay nilabas ko ang box mula sa bag ko. Nakalagay doon yung tissue na ginamit kanina ni Khaotung. Kinikilig ako at tinignan ko ang aking kamay at saka inalala kung paano iyon hinawakan ni Khaotung. Nakita ko rin kanina si Plapodd. OMG Talaga!
SHIT! TOTOO BA 'TO? HINDI BA AKO NANANAGINIP? PARA AKONG NAKALUTANG SA ULAP!
Nagpahinga pa ako ng kaunti at saka naghilamos. Nagdasal ako ng pasasalamat sa Diyos at saka natulog.
_________________________________________
End of Chapter 3
"Brush"