Chapter 1: Part 3 – Ang Tahimik na Sigaw

600 Words
Kaizen’s POV Nung una ko siyang nakita ulit, akala ko multo. Pero mas masakit pala ang makita ang multo ng nakaraan mo… na buhay na buhay at hawak ang kamay ng kapatid mo. Savrielle. That name still echoes in my mind—soft, familiar, and sharp like a paper cut. Three years. Three damn years. Tapos ngayon, bumalik siya. Sa bahay namin. Sa buhay namin. At ang masakit? Hindi na ako ang kasama niya. Hindi ako ang hinihintay niya sa pintuan. Hindi ako ang tinatawag niyang “Love.” Hindi ako ang dahilan ng pagbalik niya rito. At kahit anong pilit kong kontrolin ang sarili ko, hindi ko mapigilang mapaatras sa damdaming bumalot sa dibdib ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig, pero sabay sinunog ng apoy ng mga alaala. --- “Welcome,” 'yun lang ang nasabi ko. Kahit andami kong gustong itanong. Gustong isigaw. “Bakit ka nawala?” “Bakit siya?” “Mahal mo pa ba ako?” Pero wala. Napatitig lang ako sa kanya, at tumingin siya pabalik—pero hindi tulad ng dati. Yung tingin niya ngayon… may takot. May guilt. May lihim. At sa pagitan naming dalawa, may katahimikang mas maingay pa sa kahit anong sigawan. Gusto kong sumigaw. Pero wala akong karapatang magtanong, 'di ba? Wala na ako sa buhay niya. Hindi na ako ang pinili niya. --- Zayden looked so damn happy. He held her hand like she was his entire world. And all I could do was sit back and swallow everything. T*ngina. She was mine first. She knew that. I knew that. But now, everything had changed. Ang pinakamasakit? Hindi ko kayang magalit kay Zayden. Wala siyang alam. Wala siyang kasalanan. Ang alam lang niya—mahal niya ang babaeng kasama niya ngayon. Ang hindi niya alam—minahal ko rin ‘yon. Hanggang ngayon, minamahal ko pa. --- Habang kumakain kami, hindi ko magawang tumingin sa kanya ng diretso. Yung tawa niya, pamilyar. Yung paraan ng pagsubo niya ng kanin, ganun pa rin. Even the way she wipes her lips after drinking—pa-cute pa rin. Pero ngayon, hindi na ako ang dahilan ng mga ngiti niya. Hindi na ako ang kaharap niya habang kinikilig siya. Hindi na ako ang iniisip niya bago matulog. I wanted to leave. Pero hindi pwede. Ayokong magtanong si Zayden. Ayokong madamay siya sa gulo ng nakaraan naming dalawa. So I kept it in. Like always. Tinulungan ko si Papa sa kusina, nagligpit ako ng pinggan, kahit gusto ko na lang magkulong sa kwarto ko. Pero kailangan kong manatiling buo. Kahit pakiramdam ko, durog na durog na ako. --- Nang magpaalam silang magpahinga na, naiwan akong mag-isa sa living room. I stared at the guest room door. I knew that room. Doon kami unang naghalikan. Doon ko unang narinig mula sa kanya ang salitang “mahal kita.” Doon nagsimula ang lahat. At doon din unti-unting nawala ang lahat. And now, siya na ang natutulog doon… with my brother. “Ptangina naman…” I whispered to myself, pressing a fist against my chest. Walang ibang may alam. At dapat, ganun pa rin. Forever. --- Kaizen’s Inner Monologue I won’t ruin this for Zayden. Hindi niya kasalanan na ako ang iniwan. Hindi niya alam na ako ang unang minahal ni Savrielle. Pero paano kung hindi pa rin ako nakalimot? Paano kung bawat tingin ko sa kanya ay sigaw ng damdaming hindi natapos? Paano kung hanggang ngayon… siya pa rin ang tahanan ko? At paano kung sa bawat ngiti niya kay Zayden, unti-unti akong nauupos? --- End of Chapter 1: Part 3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD