Huminto ako at napalingon ako rito. "Pero sa bilang ng mga knights natin ngayon. Wala na tayong panama sa kalaban kahit idagdag pa ang maliit na pwersang galing ngayon sa silangang kampo." "Kahit si Jiuben lang ang makipaglaban sa atin, talo pa rin tayo." dagdag naman ni Ruk. "Kung ganun, hayaan nyo akong makalaban si Jiuben." Saad ko naman. "Kayo ang bahala sa iba para sa akin. At ako narin ang bahala kay Jiuben para sa inyo." "Yan ang gusto kong marinig sayo. Payag ako." Nabigla naman ako sa biglaang pagsang-ayon ni Sir Hanami. "Ako rin." Dugtong naman ni Sir Jeshin na nakangiti kaya't sa kaniya nalipat din ang tingin ko. "Sama ako." sabat din naman ni Ruk at sa ibang direksyon ito nakatingin. "Lalo na ako." at huli ay si Headmaster din ang nagsalita. Kinabahan tuloy ako. Gumawa

