nakatingin. Simula pa kanina na nakita niya ako. Tapos ay nalipat ang aking mata kay Headmaster Yuin. Base sa mukha niya. Parang nahihirapan siya. 'Wag nyang sabihing nalanghap niya ang lason na nandito? Ano pa man ang nangyari, masyado naman siyang naging pabaya. Diba poison-user din siya? Nang halos dalawang metro nalang ang distansya ng poison smoke sa aming palibot ni Dengki ngayon, binalik ko sa lalaking naka salamin ang titig ko. At gamit naman ang kanang kamay, gumawa agad ako ng gray lightning energy rito't mabilis yung kinuyom sa aking kamao kaya't saglit tumahimik ang enerhiya, pero nang muli ko yung malakas na maibuka, kumawala ang napakalakas na lightning shockwave mula din sa kamay ko't mabilis yung nag-expand at kumalat sa buong paligid ko. Nagkabitak ang mga lupang nadada

