"El terrible" Morales. Good thing is I could watch it. Most of the recent fight of Landon, I haven't watched. "Hala!" singhap ni Yolan, "Baka naman nagsawa na siya sa'yo?" "O baka naman, may ibang babae na?" si Louise. "Hala! Baka nga!" pag-sang-ayon ni Mildred. Hindi ko talaga alam kung anong magiging reaksyon ko sa sinasabi ng tatlo. Gusto ko ngang mag-isip ng tama, pero gumagawa lang sila ng paraan para ma-paranoid ako. Kalaunan, muli akong napabuntong-hininga nang walang buhay at napatitig sa kawalan. "Hindi, 'e. Pakiramdam ko, may problema siya." Problemang hindi ko alam at kung bakit hindi niya sinasabi. Kung ano man iyon, aalamin ko mamaya. Hindi ko hahayaang matapos ang araw na itong hindi ko nalalaman ang problema niya. Pinilit kong mag-concentrate sa pag-aaral, kahit wala

