YANA (YEAR 2016) "Kaya, heto ang plano. Ang magpuputol ng puno ay sina Ford, Lucas, Jouno at Mint. Ang magbabantay sa North ay si Mint at Zia. Sa East naman si Missy, at Tex Sa kanan ay nandoon si Jona, Mairal at Tex. Isasama na rin si Mairal para masanay syang makipaglaban sa mga zombies same rin ang reason kay Tex." "Maiiwan dito sa camp ay ako, si Mio, Ailen at ang mga bata." deklara nya at nilapag ang papel sa lamesa kung saan nakaguhit ang plano. "Dadalhin rin natin ang sasakyan at ibababa muna ang tent. At sa taas ilalagay ang puno na naputol natin. This may take for about 1 day kaya kailangan na nating gumalaw bukas ng maaga? Okay? Kaya maaga na tayong matulog ngayon para bukas ay makakapagputol na tayo ng puno at makagawa ng tayo ng tower." huling bilin ni Tara sabay labas at ti

