Nawalan ng malay si Liune sa nangyaring pinsala lalo na sa likod ng ulo niya na mas ikinagulat ng lahat na natitira ngayon sa battlefield. Napalingon nang naka sideview si Kakojen sa kasamang tumalsik nayun bago rin nito binalik kay Ace ang titig niya. Nakatingin lang din naman sa kaniya ang binata na may mahihinang mga paghingal. Kunting distansya lamang ang pagitan ng kanilang mga pwesto. Kaya't harap-harapan silang nagkatitigan dalawa at walang ni isa ang nagbigkas ng salita sa bibig. Seryoso ang titig ni Kakojen sa binata at gano'n din naman si Ace sa kaniya. Umihip ang malakas na hangin sa paligid kaya't mas lalo lamang itong nagpapadagdag ng tensiyon sa pagitan nila. Kahit si Revin hindi alam ang gagawin sa ganitong sitwasyon. Tutulungan ba niya si Ace? O hahayaan na lamang itong

