Hindi alam ng mga Suarez na scholar ako, hindi ko lang alam kung hanggang ngayon wala pa rin silang ideya. Wala namang balita na hindi nakaka lusot sa kanila. "lam ko naman na qualified ka academically. Paanong hindi eh subsob ka sa pag-aaral noong high school ka. Muntik ko na talaga isipin na baliw ka no'ng mga araw na 'yon. Wala kang ibang ginawa kundi mag-aral nalang. Kung hindi kapa namin dalhin ni Nana sa labas, hindi ka lalabas." I just smiled at her. Thinking about those days is really heavy for me. Sobrang laki ng pinagbago ng buhay ko after my 9th birthday. Everything turned 180 degrees. At first it was hard. Lalo pa sobrang bata ko pa noon. Pero tuwing iniisip ko kung bakit kailangang iyon ang gawin ko, parang naging madali ang lahat. I had no choice, but to be like this.

