Hindi na ako magugulat na bakit tila normal na sa ibang knights ang makita akong muli na suot-suot din ang mga unipormeng kagaya sa kanila. Sa pananatili ko rito sa East Camp, binahagi ko rin ang mga nangyari sa akin sa secret village sa loob ng pitong taong pagkawala ko. Si Kylo na kasama mo sa pag te training na personal din namang nakilala nina Noegi at Hazel. Si Master Grey na hindi ko naman sinabi sa kanila ang tunay na pagkatao nito. At ngayon-ngayon lang din. Nalaman din nila na nakakaya kong hugutin ang kapangyarihan ng mga mata ng kalaban ko na maipapasok ko sa power dimension ko. Nagulat sila nang malaman yun. Siyempre. Hindi nila ito naririnig araw-araw. Talagang rare ang abilidad na ito at ni minsan, hindi rin nila nasaksihan o nalaman na kaya palang kunin ang mga kapangyari

