Hanggang makauwi ako sa bahay at sumapit lang ang gabi, siya pa rin ang iniisip ko. Lalo na't matapos niyang mag-walkout kanina sa school, hindi na siya bumalik. Absent siya sa mga sumunod na klase at maging sa panghapong klase, hindi na siya pumasok. Bumuntong-hininga ako at ni-open ko na lang ang messenger ko. Tiningnan ko ang active list ko. Napalunok ako nang makita kong online siya. Muli akong humugot ng hininga at pinindot ang profile niya. I typed a message. 'Hey...' Kaso na-realize kong weird kaya, ni-erase ko na lang at nag-isip nang panibago. 'Bakit hindi ka pumasok kanina? Umuwi ka ba? Nagkaruon ka ba ng problema?' Muli kong ni-erase iyon nang na-realize kong mas lalo yatang weird. Nag-isip ako ng panibago. Hanggang sa namalayan ko na lang ang sarili kong nagtitipa, tapos

