(Year, 2005) Hindi na niya hinintay ang sasabihin ko, tinalikuran na niya ako at sumakay sa kotse. Ibinaba pa niya ang bintana ng kotse niya at sumigaw. "Pumasok ka na! Huwag ka munang matulog, ha? Tawagan kita mamaya!" sabi niya at tuluyan na siyang umalis. Napanguso ako. Ni hindi man lang niya hinintay ang sasabihin o thank you ko. Pero mayamaya, nang tuluyan na siyang makalayo, napatingin ako sa bulaklak at teddy bear na sa laki, halos nahihirapan akong hawakan. Hanggang sa namalayan ko na lang na nangingiti na pala ako. Wala akong pakialam kahit sa babaeng gusto niya sana niya ito ibibigay at no choice lang siya dahil napurnda ang lakad niya kaya ibinigay na lang niya saakin. Ang mahalaga, kahit may hindi magandang nangyari sa araw na ito, napawi iyon nang dahil kay Khalid. "Ayun s

