First Day od School

292 Words
Bilisan na ninyo! Dapat Maaga tayo ngayon First Day of class at May Flag Ceremony pa! Pag tayo naabutan ng principal na late tayo! pagmamadali sinabi ni Third Oo na ito na! Pag ako lang may nakalimutan! Papabalikin kita dito para kunin nakalimutan ko. Paasar na tugon ni Dos Hahaha pangalawang taon na natin to na magkakasama pero sa araw araw na ginawa ng Diyos parang bago lagi sa inyong dalawa ? . Nakangiting sagot ni Uno. Walking distance lang ang school. 5 minutong lakarin lang mula sa bahay at matatanaw muna ang pribadong paaralan na eksklusibo para lamang sa mga lalaki. Maliit sa labas kung titingnan ngunit ito ay pahaba sa loob. Mga magagarang sasakyan ang paroon at parito, mga estudyanteng nagmamadali at baka maoagsarhan ng gate ni manong guard, mga nagkukulitan sa daan, may babati ng good morning at meron din namang mga bulag at mayayabang na babanggain ka lang at di pa hihingi ng tawad. Palibhasa anak ng mga mayayaman. Pero marami namang mabait. At nagpapasalamat ako kasi pangalawang taon ko na nagtuturo dito pero wala naman akong nagiging gulo. Hoy! Ngangarap ka na naman ng gising. Sambit ni Dos sabay batok sa likuran ko. Baka nangangarap maging principal. Seryosong sabi ni Third. Hala! principal? ako? hahaha Gusto ko muna magkalisensya. Bahagyang malungkot na sagot ko. Umabot naman kami sa Flag Ceremony at nagtungo na kami sa kanya kanya naming assigned room. Ako na naman ang adviser ng Gr. 10 Patience. Sana mas mababait ang mga bata ngayong taon. Lord kahit po di marurunong basta mababait po. Kayo na pong bahalang humipo sa puso ng advisory ko at ako na po ang bahala sa kaalaman. Taimtim kong sambit habang ako ay naglalakad sa hallway papunta sa aking classroom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD