Chapter 35 Yelena's POV Inilapag nito ang dalang tray sa kama. Magtatanong na sana ako nang pigilan ako nitong mag-salita. "Hep, hep. You need to eat first before we talk, okay." Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon. Kumuha ito ng hotdog at isinubo sa akin na agad ko namang sinunggaban. Ewan ko ba at bakit nagugustuhan ko nang kumain ng hotdog eh hindi ko naman ito gusto dati. Siguro nga at napag-lihian ko ang pagkain na ito. Napapangiti ako sa bawat pag-subo sa akin ni Xander. Parang isang sanggol kasi ako kung tratuhin nito. Sinabihan ko na nga ito na ako na ang magpapakain sa sarili ko dahil hindi naman ako baldado, hindi parin tumitigil. Hayaan ko lang daw siyang pagsilbihan ako dahil isang buwan daw kaming hindi nagkita. Oh, ako na ang may mahabang buhok. Tinanong ko rin rit

