Chapter 19 Yelena's POV Isang mahinang haplos sa pisngi ang nagpagising mula sa sandaling pagkakaidlip. "We're here," saad ni Xander sa mahinang boses. Medyo nakaramdam ako ng hiya dahil nasa kandungan parin ako nito. Dahan-dahan akong umalis sa kandungan nito at lumipat sa katabi nitong upuan. "Wala na bang hilo mo," tanong nito. "Wala na. Salamat ha," saad ko rito. "No problem. Halika na, bumaba na tayo. Kanina pa naghihintay yung maghahatid sa atin sa port." Hawak-hawak nito ang kamay ko habang bumababa kami ng eroplano. May isang kotse ang nag-aabang sa amin. Pumasok naman agad kami sa passenger seat. Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pag-uunat ni Xander. Kanina pa siguro ito nangangalay. Nakonsensya naman ako dahil alam kong ako ang may kagagawan nun. Kahit playboy, mayabang a

