Chapter 16 Yelena's POV Sa isang sosyal na restaurant ako dinala ni Xander na nasa gilid ng dagat. Ewan ko nga kung saang lupalop ng mundo ito. Pero infairness, ang ganda rito ah lalung-lalo na pag-gabi. Ang rami kasing bituin sa langit at presko pa ang hangin. Maririnig mo rin ang malamyos na ingay ng mga alon. Mabuti na lang at hindi natuloy ang ulan. Agad kaming sinalubong ng waiter na mukhang kilalang-kilala na si Xander. "Good evening sir, same place parin po?" "Yeah," tipid na sagot ni Xander. Iginiya kami ng waiter sa isang mesang na nasa sulok na malapit sa salamin na kita ang dagat. Modern ang interior design ng restaurant. Maraming mga painting na nakakabit sa dingding. "Lagi ka ba rito?" tanong ko. "Oo. Pag gusto kong mag-unwind ay dito ako pumupunta." May ibinigay na men

