Chapter 33 Yelena's POV Isang malakas na buntong-hininga muna ang ginawa ko sa loob ng banyo bago ko ginawa ang pregnancy test. "Yelena, tapos ka na ba diyan? Kalahating oras ka na diyan ha?" sigaw sa akin ni Audrey mula sa labas. Kanina pa kasi ako rito sa banyo at nakatunganga. Sa tuwing gagawin ko na kasi ay inaatake ako ng nerbyos. "Sandali lang Drey, nag-iipon pa ako ng lakas ng loob," saad ko. "Okay, kumatok ka lang pag may kailangan ka." Tumango lang ako kahit hindi naman ako nito nakikita. Kinuha ko na ang isa sa limang prenancy kit na binili namin at nagtest. Nasa bahay ako ngayon ni Audrey, mahirap na kasi pag sa bahay ko gagawin ito. Lord, kung ano man ang resulta ay tatanggapin ko. Dasal ko sa Panginoon. Makapugtong-hininga kong hinihintay kung ilang guhit ang lalabas. A

