Chapter 14 Yelena's POV "Ma, bakit ba bigla-bigla na lang kayo pumapasok sa kwarto ko. Paano na lang kung may ginagawa kami ng asawa ko," panenermon ni Xander sa mama nito. Anong ginagawa ang pinagsasabi nito. Teka lang, anong kwarto nito. Ginala ko ang paningin ko sa buong kwarto at base sa design ay hindi maipagkakamaling kwarto nga ito ni Xander. Anong ginagawa ko rito sa kwarto niya. Huwag niyong sabihin na ako ang gumapang kay Xander. Oh my, kalamay! Baka nga nagiging manyak na ako. Hindi to pwede! "Sorry son, naistorbo ko ba kayo?" tanong ng mama nito sa anak nitong nakasimangot na nakayakap parin sa akin. Loko tong lalake to ha, nananamantala na naman. "Excited lang kasi akong ipakita ito sa inyo," sabay lahad sa amin ng diaryo. Inabot naman ito ni Xander at binasa ang front

