Chapter 23 Yelena's POV Sinundan ko kung saan nang-gagaling ang tunog ng piano. Napakaganda kasi nang pagkakatugtog. Sa isang kwarto na nakaawang ang pinto ako napunta. Sigurado ako doon ito nanggagaling. Sumilip ako at nakita ko ang likod ng isang lalaking na naka-upo sa harap ng piano. Hindi ko mapigilang pumasok at mas marinig pa ang tugtog nito. Narinig siguro nito ang yabag ko dahil bigla itong tumigil. Nabigla pa ito nang malingunan ako. "T-therese!" "Hindi ko alam na bukod sa pagiging businessman ay isang magaling na musikero ka pala Grey," nakangiti kong saad. Alam kong sinabihan na ako ni Xander na huwag kausapin si Grey pero kasi ang gaan-gaan ng feeling ko sa kanya kahit na bago ko pa ito nakilala kaya hindi ko tuloy magawang hindi ito pansinin o kausapin. Ngumiti rin ito.

