Chapter 3

1598 Words
WARNING: This chapter contains sensitive scene and only for mature readers. Expect grammatical errors, Spelling and typos. MATURE CONTENT! READ AT YOUR OWN RISK! "Goodmorning"""" .....ani ko. tumayo siya at binati ako sabay halik sa aking mga labi.. "Anung gusto mong almusal mag luluto ako."..ani ko. "love lunch na, tsaka nagpadeliver na ako ng food para sa atin" anas niya.. " May gusto ka bang puntahan o gawin? swimming, island hoping o kaya mamasyal."...tanung niya... "I want to stay the whole day with you love, maybe we can do some activities tomorrow or the other day" anas ko..... "okay if that' s what you want, let's eat paniguradong gutom ka at pagod... " anas niya sabay ngising mapang akit... Hindi ko talaga lubos maisip na mag taksil siya sa akin, wala kasing kaduda duda ang mga kilos niya, pinaparamdam niya sa akin kung gaanu ako kahalaga sa kanya, at sa loob ng sampung taon ngaun lang may nangyari sa amin, madami kaming ginawa at maraming magagandang lugar kaming pinuntahan, kaya napakasulit ng aming honeymoon, nag enjoy ako ng todo todo dahil usapan namin sa aming honeymoon, walang cellpon at kung ano anung gadget ang hawak, basta all about me and him lang. Pauwi na kami ng Maynila ngayong araw na ito. May takot at lungkot akong nararamdaman, kasi alam ko na magkikita nanaman kaming tatlo ng bestfriend at asawa ko, siguro nga martyr ang tawag sa akin, pinag taksilan nila ako, pareho silang mahalaga sa akin, kaya binalewala ko ang lahat at tinuloy ang mag pakasal kay Bryle.. Back to work na ako ngaung araw, isa akong manager sa isang sikat na banko dito sa Pilipinas,, Yes! nakapag tapos ako ng pag aaral, Accountancy, bago kasi namatay ang ang mga magulang ko meroon silang pinamana sa akin mga ari-arian,mayroon kaming malawak na sakahan, at may farm din kami, dahil hindi ko naman alam kung paanu palaguin ang farm, binenta ko iyon pati ang sakahan, mga hayop at bahay,. nilagay ko lahat sa banko, at bumili ako ng maliit na apartment dito sa Maynila,. Habang nag aaral nag working student ako, doon ko naman nakilala si Bryle at Andie si Andie anak siya ng amo ko, mabait naman ang mga amo ko, wala silang hadlang sa relasyon namin ni Bryle. nakilala ko si Andie first year college pa lang kami, naging smooth ang pagiging mag bestfriend namin. a katunayan siya pa ang daan para mag kakilala kami ni Bryle at siya rin ang daan para maipakilala ko si Bryle sa mga amo ko, na magulang niya,. Hindi ko lubos maisip na pag taksilan ako ng dalawang pinakamahalaga sa buhay ko,. Ang mga magulang ni Bryle isa sa mga shareholder sa bankong pinagtatrabahuan ko... Si Bryle naman may sariling companya, pinamana daw ito ng lolo niya sa father side.. "Dating gawi, susunduin kita sa lunch sabay tayo, I'll call you later, sabay halik sa labi"... "Hi maam good morning" bati ni Anie. ganun din ang mga guard. "How's your vacation nakabuo na ba? ani ni Kendra, sabay ngisi..ngumisi lang din ako.. "I know right"" yang ngisi na iyan, bi-ak na." sabay halakhak. Si Kendra ay isa sa mga naging kaclose ko dito sa banko mas ahead ako sa kanya ng dalawang taon dito.. Medjo may pag ka boyish ang pormahan niya, pero napakaganda niya, maraming manliligaw si Kendra, ngunit barako pa ata ito sa mga nanliligaw sa kanya... "Magtrabaho na nga tayo" ani ko.... Maya maya nag vibrate ang aking telepono, kilala ko na kung sino ang tumawag.. "Hello love, nasaan ka na?"ani ko " Dito na sa company love. kararating lang medjo natrafic..."naririnig ko parang may umungol sa gilid niya.. " What is that sound love? I heard someone na parang namilipit"..ani ko "Ahhh nothing love wala namang tao na iba dito sa loob ng opisina, ako lang.." ani niya.. Kadadating lang namin sa bahay, balewala sa akin ang pag tataksil ng aking asawa at bestfriend. Pareho silang mahalaga sa akin kaya kahit masakit, sinantabi ko iyong nararamdaman ko. " love my business trip ako sa Cebu, 3-5days ako mag stay doon, depende pa sa sitwasyon, nagkaproblema kasi ang planta doon kaya kailangan maresolba agad." paalam ng asawa ko.... "Ang tagal naman ng 5 days love..Sinu kasama mo papunta doon? tanung ko... "Ahh yung secretarya ko love, hayaan mo 5 days lang naman yun. babalik naman kami agad pag naayus na namin ang problema doon" ani niya.. "Sobrang mamimiss kita love. Mag iingat ka lage doon malayo yun." animo'y nagtatampo.... "Opo lage ako mag iingat, tsaka tatawagan naman kita oras oras eh.. Tsaka mahal na mahal kita..wala pa bang laman ito?" hinihimas niya ang aking tiyan, na para bang sabik na mag ka baby. "Hhmmmmm anu ka ba,? Isang buwan pa lang tayong kasal, hindi naman agad magkalaman yan.".. sabay ngisi ko.. "Bukas ng madaling araw ang alis ko love, mag pahinga tayo ng maaga, pero bago yan kakainin muna kita." sabay mapang akit na tingin..... Kinabukasan maaga akong nagising dahil gusto ko siya ihatid sa airport, ngunit hindi ko na siya naabutan, nag iwan lang ng maliit na note sa bedside table.. " Good morning sleepy head.! Hindi na kita ginising, mahimbing kasi ang tulog mo, take care always. I love you love...nakasulat sa maliit na papel. Simula noong ikinasal kami hindi ko na masiyadong nakakausap ang bestfriend ko, nag tetext at tumatawag siya, pero hanggang doon lang hindi na nag papakita at nangungulit sa akin na samahan siya sa bar. Wala naman problema sa akin yun, alam niya kasing may asawa na ako. Pero hindi lingid sa kanilang kaalaman na alam ko kung anung nangyari. Pang apat na araw ngayon sa business trip si Bryle, hindi naman siya nawalan ng oras para kamustahin ako, tumatawag naman siya sa tuwing may libreng oras siya. Minsan binisita ko si Andie sa bahay nila, ngunit wala siya doon apat na araw na daw, madaling araw daw umalis sabi ng bunso nila.Naisip ko napaka coinsidence naman ng mga pangyayari, kahit anung gagawin kung pag dududa kung hindi ko magawang magalit sa ginawa nilang pag tataksil sa akin, balewala din yon, pareho silang mahalaga sa akin. Ciguro nga ito ang tinatawag na pag mamahal, na kahit nasasaktan ka na, mas pipiliin mong mag patawad para sa mahal mo, mas piliin mong manahimik wag lang masira ang kung anung meron kayo, pag mamahal na kahit may mali perfect parin sa paningin mo kasi nag mahal ka, wala kang hihingiing kapalit. Sa nangyari sa akin, nagmahal ako, pareho silang mahalaga sa akin at kahit balibaliktarin ko ang mundo hindi ko sila kyang kamunghian, nag mahal ako na kahit katiting hindi ako nag hahangad ng kapalit. Hindi mawawala ang sakit, kasi pinagtaksilan ka ng mga taong parehong mahalaga sayo, pero kaya kung mag tiis, sila nalng ang meron ako,. Si Kendra ang kasama ko ngayon, dito kami sa paborito naming bar ng bestfriend ko, wala pa si Bryle hindi pa nakauwi, pang pitong araw ngayon na nasa business trip siya, nag paalam naman siya na maextend ng limang araw ang trip niya. Miss ko na ang asawa ko, pero nasasaktan ako, alam kung kasama niya ngayon ang bestfriend ko, at alam kong wala siyang business trip, ang sabi ng daddy niya, matagal nang binitawan ng lolo niya ang planta sa Visayas,. Gusto kung umiyak, sumigaw at manakit para mawala ang sakit na nararamdaman ko, ngayon ko lang nalaman na marami siyang tinatago at hindi sinasabi sa akin, ngayon lang ako nag lakas loob na magtanung sa daddy niya, noong mag kasintahan pa lang kami, hindi ko masiyadong nakakausap ang magulang ni Bryle, nakakahiya naman kasi makikiusyoso, magkasintahan pa lang kami,. Ngayon na mag asawa na kami madalas nila akong kinakausap at tinatanong ang tungkol sa pag sasama namin.. "Ang lalim ng iniisip mo?" ani ni Kendra, na nakalimutan ko na may kasama pala ako. "Alam mo mag enjoy nalng tayo, kaya ng tayo nandito para mag enjoy at makalimutan ang problema"....ani ni Kendra. Ngumisi lang ako sa kanya, tama siya kaya ko siya niyaya dito sa bar para mabawasan ang sakit na nararamdaman ko. Medjo marami-rami na rin ang nainom ko, ngayon ko lang nagawa ito sa tanang buhay ko, pero kaya ko pa naman tumayo. hinatid na ako ni Kendra sa bahay dahil baka maaccidente pa ako. Madaling araw na akong nakauwi kagabi, nakatulog pala ako sa sofa namin, naalimpungatan ako nang mag vibrate ang telepono ko.. " love"....si Bryle. " Good morning love, kailan ka uuwi miss na kita." ani ko na humihikab pa at papungas pungas. " Kagigising mo lang?" wala ka pa daw sa opisina niyo, tumawag kasi si mommy, bakit hindi ka pumasok, nag aalala sayo" ani niya... " H...hhh. e...ehh kasi masakit ang ulo ko love, " nauutal kong sagot,.. masama pakiramdam ko." ani ko. nagulat ako ala- una na pala ng hapon.. " Kanina pa ako tumatawag sayo, nag alala na rin ako sayo, cge uuwi ako right away love gusto mo ba magpatawag ako ng doctor? ani ni Bryle, na kita ang pag alala niya sa akin,.... " Hindi na love, tapusin mo nalang ang pang 10 days mo jan, o...okay lang ako dito mag enjoy ka sa bakasyon mo jan".... ani ko na humihikbi pero hindi ko pinapahalata.. " No! uuwi ako magpabook lang ako ng ticket sa secretarya ko.""" Ani niya.. Sa tuwing kausap ko siya, hindi ko namamalayang lumalandas ang luha sa aking mga mata, sobrang nasaktan ako pero hindi ko magawang magalit sa kanya.. Humagulhol ako ngayon mag isa sa aming kuwarto, habang kinakapa ang aking dibdib sa sobrang sakit na nararamdaman ko...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD