Kabanata 6
Angelli Hope
Tahimik ang loob ng sasakyan pero ang hangin sa pagitan naming dalawa ay parang isang bagyong nag-aabang na sumabog.
Hindi ako makahinga nang maayos. Nakatitig lang ako sa bahagyang nanginginig kong mga kamay sa aking kandungan habang ang bilis ng patakbo ni Range sa kaniyang sasakyan ay halos magpalukso sa puso ko sa tuwing nag-iiba siya ng kambyo.
His large hand clutched the steering wheel so tightly that his knuckles turned white. His jaw was set in a rigid, unforgiving line while his muscle pulsing rhythmically under his tanned skin.
"Saan mo ba ako dadalhin, Range?" basag ko sa nakakabinging katahimikan. My voice sounded smaller than I intended, but I tried my best to lace it with defiance.
Hindi man lang siya sumulyap sa akin. His dark, piercing eyes remained glued to the open road ahead of us.
"Ano bang problema mo? May lakad pa akong kailangan ko pang asikasuhin! Sinabi ko namang huwag mo akong pakialaman, 'di ba?"
Lumingon siya sa akin, mabilis lang iyon pero sapat para bumaon sa akin ang matalim niyang titig na tila nag-aalab sa galit.
"You were flirting with that f*****g politician! Sa tingin mo ba hahayaan lang kitang sumama sa lalaking 'yon?"
"Hindi ako nakikipagflirt!" depensa ko, kumukulo na rin ang dugo ko sa mga pinagsasasabi niya.
"Mayor Vincent was just being polite! Saka ano naman sa'yo kung sumama man ako sa kaniya o hindi? Buhay ko 'to, Range! Wala kang karapatang kontrolin ako!"
"Polite?" He spat.
"Nakita mo ba kung paano ka niya tingnan? He was undressing you with his eyes, for f**k's sake! And you're just smiling at him?" He looked at me with disgust.
"What the?"
"Ganiyan ba tingin mo sa lahat, ha? Naging magalang lang ako dahil alkalde siya!" sigaw ko, halos mapaos ang boses ko sa matinding emosyon. "Sino ka ba para pangaralan ako sa kung paano ako makitungo sa ibang tao? Ano ba kita? Ha, Range? Pinapaala ko lang sa 'yo, kasunduan lang ang mayroon tayo!
Napahigpit ang hawak niya sa manibela. The tires screeched loudly against the asphalt as he suddenly pulled the car over. Kumambyo siya at nag-iba ng rota.
Bago pa man ako makakilos para buksan ang pinto ng sasakyan, narinig ko ang mabilis na pag-click ng automatic door locks.
"Range, i-unlock mo 'to!" utos ko, sinusubukang hilahin ang handle ng pinto ngunit ayaw nitong gumalaw. "I-unlock mo sabi, e!"
"No," he growled.
Pinalipad niya ang sasakyan patungo sa isang pribado at abandonadong daan. Bigla niyang itinapak ang preno at inihinto ang sasakyan sa ilalim ng rilim ng mga puno.
Bago pa man ako makapagsalita muli, mabilis siyang kumilos. Inalis niya ang kaniyang seatbelt at lumipat sa gilid ko. His broad chest blocked my view and his large hands immediately capturing my face.
"Range—"
He didn't let me finish. His lips came down on mine with a brutal, punishing force.
Napasinghap ako ngunit agad niyang sinamantala iyon para mas lalong palalimin ang halik. It was hungry, desperate and filled with raw dark passion.
Inagaw ko ang kamay ko para itulak ang kaniyang dibdib, ngunit mas lalo niyang pinalibutan ang pulso ko gamit ang isa niyang kamay at itinaas iyon sa ibabaw ng aking ulo.
"Range... please stop..." mahina kong daing sa pagitan ng kaniyang mga halik.
"No one else gets to touch you like this," he growled low against my lips, his hot breath fanning across my skin.
Isang matinding tulak ng emosyon ang lumukob sa aming dalawa. Inilipat niya ako patungo sa kaniyang kandungan. The cramped space of the car suddenly felt scorchingly hot.
"Range... no..."
His hands were heavy and burning with an undeniable hunger that seemed to have been starved for years. Naramdaman ko ang panginginig ng kaniyang mga daliri sa likod ng aking leeg habang pilit niyang pinagdapo ang aming mga labi nang mas malalim.
My hands, which were supposed to push him away, instead tightened their hold around his broad shoulders.
I hated how my body betrayed me. I hated how one touch from him could completely erase every single boundary I swore to protect. He was like a wildfire, leaving nothing behind but ashes. And yet, I was willingly letting myself burn.
"You're a terrible liar," bulong niya bago muling iginawad ang kaniyang mainit na halik sa aking mga labi.
He drove me back to my house. Nang huminto ang kotse sa tapat ng aming gate, mabilis kong inabot ang bag ko.
Hindi ko na hinintay na makapagsalita pa siya. Pumasok ako sa gate at mabilis na pumasok sa loob ng bahay.
"Oh, iha? Nandiyan ka na pala," boses iyon ni Aling Nida na mabilis na lumabas mula sa kusina at nakasuot ng kaniyang apron.
"Kumusta ang pag-asikaso mo sa munisipyo? Bakit ngayon ka lang?" tanong niya habang may hinahanap siya sa likod ko.
"M-Medyo matagal po ang pila, Aling Nida. Pasensya na po kung nag-alala kayo," pagsisinungaling ko.
Tinitigan ako nang maigi ng matanda.
"Sige na, iha. Magbihis ka na muna sa kuwarto mo at maghahain na ako ng hapunan," marahang sabi niya, dahan-dahang tinatapik ang aking balikat.
Narinig ko ang pagtikim ng lalaki sa likod ko.
My breath hitched. Inayos ko agad ang kwelyo ng blouse ko, pilit na itinatago ang anumang bakas o marka na iniwan niya sa balat ko kanina lamang sa loob ng kaniyang sasakyan.
"Iho..." wika ni Aling Nida, tumitingin sa akin at pagkatapos ay kay Range. "Kagagaling niyo lang sa labas? Akala ko ba..."
"Naiwan po ni Angel ang mga papeles niya sa kotse ko," malamig na sagot ni Range.
Habang naglalakad siya patungo sa kinaroroonan namin, ramdam ko ang pag-init ng buong katawan ko.
Inilagay niya ang brown folder sa ibabaw ng mesa malapit sa akin.
"S-Salamat," bulong ko, hindi makatingin nang diretso sa kaniyang mukha.
Hindi umalis si Range sa harap ko. Instead, he leaned in slightly, his dark gaze burning into mine. "You ran off too fast, Angel. You forgot your things... and you forgot to listen to what I had to say."
Pilit kong pinanatili ang malamig kong ekspresyon. "Narinig ko na ang lahat ng kailangan kong marinig, Range."
Bahagyang napataas ang kaniyang kilay. A dangerous, subtle smirk played on his lips.
"Naku, iho! Dito ka na magtanghalian!" biglang singit ni Aling Nida. "Nagluto ako ng tinola. Sakto at mainit-init pa! Maupo ka na."
"Aling Nida, baka po may lakad pa si Range—"
"I'd love to stay for lunch. Thank you," mabilis na putol ni Range sa akin.
Gusto kong sumigaw sa inis. Napapikit ako nang mariin habang dumidiretso si Range sa hapag-kainan.
Pumunta agad ako sa aking kwarto at nagpalit ng simpleng pink cotton shirt at leggings.
Nang bumalik ako sa kabisera, pilit kong iniiwasan ang kaniyang mga titig. Nakatapat siya sa akin sa maliit na mesa. Sa tuwing nag-aangat ako ng tingin para kumuha ng pagkain, huling-huli ko ang kaniyang mga matang nakatutok sa aking mga labi.
"Kumusta naman ang pakikipag-usap mo kay Attorney, iha?" tanong ni Aling Nida habang naghahain ng kanin.
"A-Ayos naman po," maikli kong sagot.
"I don't want you going back to the Municipal Hall alone, Angelli." malamig na sumingit si Range. He set his spoon down, his jaw tightening slightly.
Napaangat ang ulo ko. "Ano? Bakit naman?"
I rolled my eyes. Ano na naman ang problema niya?
"You know why," he said, his tone leaving no room for argument. "That mayor has eyes on you. And I don't like the way he talks to you."
"Trinatrato lang ako ni Mayor Vincent bilang mamamayan ng bayan na 'to!" depensa ko. "Trabaho niyang maging mabait sa mga tao rito. Hindi lahat ng lalaki ay may masamang intensyon katulad ng iniisip mo!"
"I am a man, Angelli. I know how men like him look at something they want to take," bulong niya. "At hindi ako magdadalawang-isip na ilayo ka sa kaniya bago pa man niya maisipang humakbang palapit sa'yo."
Namula ang pisngi ko dahil sa inis. Gusto kong ihagis sa kaniya ang hawak kong kubyertos. Sino ba siya sa akala niya para magsalita nang ganoon sa harap ko? Mabilis akong na nag-iwas ng tingin.
"Naku, iho... huwag ka nang masyadong mag-alala," isang makahulugang ngiti ang marahang gumuhit sa mga labi ng matanda. "Mabait naman si Mayor. At saka hindi ko na ipagtataka kung biglang mahumaling iyon kay Hope. Napakaganda kasing bata, para talagang anghel."
I held my breath.
Mas dumilim ang mata ni Range. My chest tightened so hard it felt like every rib was crushing against me. Gusto kong patigilin si Aling Nida sa pagsasalita.
Dahan-dahan akong nagbaba ng tingin sa aking plato, ngunit ang init ng mga mata ni Range na nakatitig sa akin ay parang apoy na sumusunog sa balat ko. Every nerve in my body was screaming at his proximity.
"Is that so?" Range said softly, he didn't take his eyes off me for a single second. "I don't care how good that mayor is. No one touches what's mine..."
Ipinatong ni Aling Nida ang huling mangkok ng sabaw sa mesa bago biglang napatawa nang mahina.
"Naku, kayong mga kabataan talaga!" umiling-iling ang matanda habang may malambot at makahulugang ngiti sa kaniyang mga labi. "O siya, maiwan ko muna kayo riyan at titingnan ko lang 'yong mga labahin sa likod."
Bago pa man ako makapagsalita para pigilan siya, mabilis nang tumalikod si Aling Nida at naglakad patungong bakuran.
Naiwan kaming dalawa.
"Anong sinabi mo?" nanginginig kong tanong.
"You heard me, Angelli," bulong niya. "At huwag mong subukang subukin kung hanggang saan ang kaya kong gawin para lang ipaalala sa 'yo kung kanino ka lang dapat."
Mabilis kong ibinaba ang aking kutsara at tumayo. "Nawalan na ako ng gana. Sa kuwarto muna ako."
Bago pa man ako makahakbang palayo sa hapag, naramdaman ko na agad ang mabilis at mahigpit na paghawak ni Range sa aking pulso.
"Sit. Eat your food, Angel," he commanded softly.
"Bitawan mo ako, Range," galit kong bulong, sinusubukang bawiin ang kamay ko.
"Kumain ka na," ulit niya, his dark gaze locking onto mine with an unyielding intensity. "Do not make me feed you myself in front of anyone."
Dahan-dahan akong umupo pabalik. Napatingin ako sa plato ko, ngunit wala akong ganang tikman ulit ang pagkain.
He has a vulgar mouth.
Napakabastos niya. Wala siyang preno kung magsalita. Hindi ko talaga aakalain na ganito siya kabastos at walang respeto sa kapwa. Hindi man lang marunong lumugar o pumili ng tamang salita.
Sobra na siya.
Bakit kailangan niya akong pahirapan nang ganito? Ako ang nagbabayad sa kaniya, 'di ba? Dapat ako ang nasusunod dito!
Pagkatapos kumain ay hindi na rin nagtagal si Range. Magalang itong nagpaalam kay Aling Nida. Nakatayo ako sa may gilid ng bintana sa aking kwarto, nakakulong sa likod ng kurtina habang pinagmamasdan ang kaniyang pag-alis.
Bago siya pumasok sa driver's seat, lumingon siya muli sa mansyon. Alam kong hindi niya ako nakikita mula sa likod ng kurtina, ngunit ang kaniyang madilim na titig ay direktang tumama sa kinaroroonan ko na tila nararamdaman niya ang presensya ko roon.
Pinaandar niya ang sasakyan at mabilis na humarurot paalis patungong Maynila. Nakahinga ako nang maluwag nang tuluyan nang mawala ang tunog ng kaniyang makina.
Upang ilayo ang isip sa kaniya, I walked back to my room and gathered my wooden embroidery tools. It was a new hobby I had taken up over the past few weeks.
Umupo ako sa gilid ng aking kama, malapit sa bintana kung saan nagtatagpo ang liwanag ng hapon at ang malamig na simoy ng hangin. Inayos ko ang tela sa hoop.
Iiniksyon ko ang karayom sa tela, dahan-dahang hinihila ang rosas na sinulid. Ngunit gaano man kalalim ang konsentrasyong ibuhos ko sa ginagawa ko, ang mukha pa rin niya ang bumabalik sa akin.
"Nababaliw ka na, Angel..." bulong ko sa hangin.
Napasinghap ako nang biglang matusok ng matulis na karayom ang dulo ng aking hintuturo. Mabilis na lumabas ang isang patak ng pulang dugo mula sa aking balat. Napapikit ako nang mariin habang mabilis na isinubo ang daliri para patigilin ang pagdugo.
Kainis!
Tinitigan ko ang pulang marka sa puting tela. Nadamay ang embroidered canvas ko. Nabahiran na ito ng dugo. Napabuntong-hininga ako at inilapag ang embroidery hoop sa nightstand. Nagpasya akong bumaba sa sala upang uminom ng tubig at buksan ang telebisyon.
Nadatnan ko si Aling Nida na nagtutupi ng mga bagong tuyong labahin sa sofa.
"Oh, iha? Hindi ka ba nakatulog?" tanong niya habang nakatitig sa akin nang may pag-aalala.
"Hindi po, Aling Nida. Manonood lang po sana ako ng TV," sagot ko habang umaabot ng baso sa kusina.
"Naku! Tila lalakas ang ulan sa Maynila batay sa ulat kanina."
Kinuha ko ang remote control at binuksan ang malaking screen sa sala.
"O'sya, iha. Matutulog muna ako kung ganoon."
"Opo, Aling Nida. Magpahinga na po kayo," sagot ko.
Nang marinig ko ang pag-click ng pinto ng kaniyang silid, muli akong humarap sa telebisyon. Nilipat-lipat ko ang mga channel hanggang sa napahinto ako sa isang kilalang showbiz and lifestyle news program.
"—inilabas ngayong hapon ang mga eksklusibong litrato ng kilalang negosyanteng si Range Douglas Mercer kasama ang sikat na international model na si Isabela Santillan sa isang sikat na luxury hotel restaurant sa Bonifacio Global City..."
Nakatitig ako sa screen. Malinaw at high-definition na larawan ang pinakita nila. It was Range. Nakatayo sa labas ng isang mamahaling restaurant at nakasuot ito ng isang dark tailored suit. At sa tabi niya ay isang napakagandang babae si Isabela Santillan.
Nakaakbay ang kamay ni Isabela sa braso ni Range habang nakangiti nang matamis sa mga camera ng mga paparazzi. With her long cascading hair and slender frame draped in a designer dress, iisipin kong bagay na bagay silang dalawa.
"Ayon sa mga balita, matagal nang nababalitang may espesyal na ugnayan ang dalawa bago pa man umalis patungong Europa si Isabela para sa Fashion Week. Ngayong nagbalik na ang modelo sa bansa, agad silang nakitang magkasama ni Range para sa isang intimate dinner..."
Patuloy ang boses ng news anchor.
Nakatitig lang ako sa mukha ni Range sa TV screen. Ang kaniyang panga ay mahigpit ang pagkakakuyom, ngunit hindi niya itinutulak palayo si Isabela. Hinayaan niyang humawak ang babae sa kaniya.
Meron pa siyang nalalaman na huwag akong hawakan ng ibang lalaki gayong siya itong may hinahawakan na iba! Ang kapal din naman ng mukha niyang sabihin iyon, habang sa Maynila pala ay may naghihintay sa kaniyang napakagandang babae mula sa Europa!
Napahigpit ang hawak ko sa baso ng tubig. Pakiramdam ko ay pinaglalaruan niya ako. Galit ako sa kaniya, ngunit mas galit ako sa sarili ko dahil sa tuwing maaala ko ang ginawa niya sa loob ng kotse ay mabilis pa ring tumitibok ang aking puso.
Inaasahan kong magpaparamdam siya upang magpaliwanag. Ngunit lumipas ang unang gabi. Wala man lang akong natanggap na text o tawag mula sa kaniya.
Natawa ako nang mahina at mapait sa aking sarili. Bakit nga ba ako naghihintay? Bakit ako umaasa ng paliwanag mula sa kaniya?
He doesn't owe me anything. Kasunduan lang ang mayroon kami. Ako pa mismo ang nagpaalala niyon sa kaniya noon, at hindi ko babawin ang aking sinabi.
Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa malakas na buhos ng ulan sa labas. Malamig ang simoy ng hangin na pumapasok mula sa bahagyang nakatagilid na bintana. Habang nagtitimpla ako ng kape sa kusina, pumasok si Aling Nida na may bitbit na mga bagong pitas na halaman mula sa hardin.
"Gising ka na pala, Hope," nakatitingalang boses ng matanda habang inilalagay ang mga bulaklak sa plorera. "Napanood mo ba ang balita kagabi? Mukhang babagyo sa Maynila. Sabi sa radyo ay nagkasunod-sunod daw ang aksidente sa expressway dahil sa dulas ng kalsada."
Bahagyang natigilan ang kamay kong humahawak sa kutsara. Worry flared inside my chest, but I quickly extinguished it with irritation.
"Naisip ko lang si Range... di ba't doon ang patungo niya? Nag-alala rin ako at baka inabot siya ng malakas na ulan sa daan."
I swallowed hard, feeling the hot liquid burn my throat. "May sarili po siyang buhay, Aling Nida. Maingat po iyon sa sarili niya."
At siguradong may nag-aalaga na sa kaniya roon, gustuhin ko mang idagdag ngunit itinikom ko na lamang ang aking bibig.
Buong umaga ay ginugol ko ang oras ko sa pag-eembroidery at pag-aayos ng aking mga papeles para sa susunod kong pagpunta sa munisipyo.
Pinilit kong huwag isipin ang nakita sa balita. He acts so possessive over me, pero naman pala totoo ang mga iyon. Mayroon siyang girlfriend roon at ngayon naiintindihan ko nang pinaglalaruan niya lang talaga ako.
Dumaan ang hapon at patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan. Katatapos ko lang mag-ayos ng mga gamit sa sala nang biglang kumulog nang napakalakas. Kasabay niyon ang mabilis na pagpatay ng mga ilaw sa buong bahay.
"Naku, nag-brownout pa!" sigaw ni Aling Nida mula sa kaniyang kuwarto. "Kukuha lang ako ng kandila sa kusina."
"Ako na po, Aling Nida," sagot ko habang ginagamit ang ilaw ng aking telepono para gabayan ang aking paglalakad.
Habang naglalakad ako patungong kusina, naramdaman ko ang pag-vibrate ng telepono sa aking kamay. Lumitaw ang kaniyang pangalan sa screen.
Range:
I'm driving back to Laguna.
Napatitig ako sa mensahe niya. Nanginig ang mga daliri ko sa galit habang nagbabalik sa isip ko ang kaniyang litrato kasama si Isabela. Kapal naman ng mukha niyang mag-text na parang wala siyang ginagawang kalokohan!
Mabilis kong tinipa ang aking reply.
Ako:
Huwag ka nang pumunta rito. Huwag mo na akong puntahan kahit kailan. Malakas ang ulan at ayokong makita ang mukha mo.
Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Mabilis kong pinatay ang aking telepono at inilagay iyon sa ibabaw ng counter, habang ang dibdib ko ay mabilis na nagtaas-baba sa matinding emosyon at galit.
Pilit kong pinapakalma ang sarili ko habang inaayos ang mga kandila sa mesa, ngunit nag-alala agad ako sa aking nabasa kong mensahe ni Range.
Napatawa ako nang mapait sa sarili ko. Niloloko niya lang ako. Gusto niya akong umasa at magpakatanga habang may iba siyang pinupuntahan sa Maynila. Kung iniisip niyang dadaanin niya ako sa mga ganito niya, nagkakamali siya. Hindi gagana sa akin ang panloloko niya.
"Iha? Nahanap mo ba ang mga kandila?" sigaw ni Aling Nida mula sa sala.
"Papunta na po," sagot ko.
Dinala ko ang nakaliting kandila sa sala at inilapag ito sa gitna ng mesa. Ang maliit na apoy nito ang nag-iisang nagbibigay ng bahagyang liwanag sa madilim at tahimik na bahay, habang sa labas ay tuloy-tuloy ang paghampas ng malakas na ulan at muling pagkulog ng langit.
Pumasok ako sa aking silid at dahan-dahang isinarado ang pinto. Ang tanging naririnig ko na lamang ay ang mahabang patak ng ulan sa buong bubong at ang malakas na hangin sa labas dahil sa bumabagyang bagyo.