Kabanata 8 Angelli Hope Naalimpungatan akong nagising. Nang imulat ko ang aking mga mata, bumungad sa akin ang liwanag na pilit na dumudungaw sa nakasara kong kurtina. Kinusot-kusot ko pa ang aking mga mata bago pilit na itinayo ang sarili mula sa kama. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko. Linggo ngayon. Araw-araw pa rin naman siyang umuuwi pero hindi ko na siya naaabutan pagsapit ng umaga. Madalas, sa tuwing nagigising ako, nakaalis na ito ng bahay. Halos buong linggo na ring ganoon ang setup namin ni Range. Simula nang i-lock ko ang pintuan ng kwarto ko, sa guest room na siya natutulog. Mahirap na, baka maisipan niya na naman pumuslit sa silid ko. Narinig ko ang pagtunong ng cellphone ko. Napatigil ako sa pag-aayos ng aking sarili. For a brief second, my heart skipped a bea

