Kabanata 2
Angelli Hope
Nakahanap ako ng ancestral house sa Laguna. Kinontak ko na rin ang may-ari at nakapag-usap kami tungkol roon. Mabait siya at mukhang excited na may tumira ulit sa bahay nila.
Matagal na raw kasing walang nakatira roon mula nang pumanaw ang lola at lolo niya, hindi na din sila nagkaroon ng interes dahil may iba-iba na itong pinagkakaabalahan sa buhay.
"Sayang nga, e," ani niya habang nasa isang kainan kami. "Pero alam mo na, successful na rin sa buhay ang mga kapatid ko at may mga asawa na kaya kaniya-kaniya na rin ang gusto sa buhay. At isa pa, may sariling bahay na kami ng asawa ko at mas gusto niyang manirahan sa Maynila."
"Siya nga pala, tawagan mo ako kapag nakarating ka na roon, pinaayos ko nga pala ang ibang bahagi ng bahay"
"Salamat,"
It would be a new beginning for me. A place where I can finally begin again. Doon ko naisip na muling buuin ang sarili ko. Malayo sa ingay ng siyudad, sa usisero't mapanghusgang mga mata ng tao, at higit sa lahat... sa lalaking pilit kong kinakalimutan.
Ilang araw lang ang lumipas bago ako nag-empake. Kaunting damit lang ang dala ko. Iyong iba, naibenta ko na kasama ang ilan sa mga gamit ko.
Pagdating ko ng San Pablo, agad akong sinalubong ng malamig na simoy ng hangin na ibang-iba sa nakasanayan kong hangin sa siyudad.
Sa harap ng lumang bahay ay may isang matandang babaeng naghihintay, nakatayo siya sa may beranda ng bahay. Nakangiti siya nang makita akong bumaba ng sasakyan.
Si Aling Nida, ang siyang tagapangasiwa ng bahay.
"Hope ba ang pangalan mo, iha?"
"Opo," sagot ko.
Agad niyang inabot ang isa sa mga dala kong bag bago pa ako makatanggi. "Naku, ako na rito. Mukhang napagod ka pa sa biyahe."
"Okay lang po, kaya ko naman—"
"Susmaryosep! Hayaan mo na ako, iha! " natatawa niyang sabi.
Tinulungan niya akong bitbitin ang mga bagahe papasok ng bahay. Habang naglalakad kami sa lumang beranda, napansin ko kung gaano katahimik ng buong paligid. Tanging huni lang ng mga ibon at mahinang ugong ng hangin ang maririnig.
"Salamat naman at may bago nang maninirahan sa bahay na ito," sambit niya habang binubuksan ang pinto. "Matagal-tagal na rin kasi itong walang tao. Nalulungkot na ang bahay."
Ngumiti siya.
"Halika, pasok ka. Kinagagalak kong makilala ka."
"Salamat, ho..."
Pagkapasok ko pa lang, agad kong naramdaman ang kakaibang katahimikan ng bahay. May dalawang palapag na yari sa kahoy at bato. Amoy lumang libro, kahoy, at kandilang matagal nang nasindihan ang buong paligid.
Naroon pa rin ang mga antigong upuan mula pa yata noong dekada otsenta na maayos na nakapwesto sa sala. Ang hagdan naman ay may mahinang kaluskos sa bawat hakbang,
Malalapad ang mga bintana at mahahaba ang mga pasilyo.
Maging ang lumang chandelier sa gitna ng kisame ay kumikislap pa rin sa kabila ng lumang edad nito. Samantalang ang manipis na puting kurtina ay marahang sumasayaw sa hangin.
Tahimik ang lugar.
At higit sa lahat, malayo sa ibang kabahayan. Iyon ang pinakanagustuhan ko.
Maghapon kong inayos ang kwarto sa itaas na magiging silid ko. Maalikabok pa ang ilang muwebles at makapal ang mga agiw sa sulok ng kisame, pero hindi naman iyon naging problema. Tinulungan din ako ni Aling Nida sa paglilinis at pag-aayos ng mga gamit ko.
Habang magkasama kaming nagpupunas ng mga lumang mesa at kabinet, lalo kong nakita ang taglay niyang kabaitan at kabusilak ng kalooban.
May asawa at anak na si Aling Nida, ngunit nanatili pa rin siyang naglilingkod sa bahay na iyon kahit matagal nang pumanaw ang dating may-ari.
"Malaki ang utang na loob ko sa pamilya nila," kuwento niya habang inaayos ang kurtina. "Kaya hindi ko rin maiwan-iwan ang bahay na 'to."
Bahagya akong napangiti.
"Naku," bigla niyang sabi habang pinagmamasdan ako. "Noong una kitang makita, para kong nakita si Ma'am Teresa noong kabataan niya."
Napahinto ako sa pagpupunas ng mesa.
"Talaga po?"
Tumango siya at ngumiti. "Parehong-pareho ang mga mata ninyo, gano'n din ang pagngiti. Napakahinhin na babae katulad mo, hindi makabasag pinggan. Kamukhang-kamukha mo talaga siya noong dalaga pa."
Napabaling ang tingin niya sa lumang retrato na nakapatong sa ibabaw ng kabinet.
"Napakabuti niyang tao," mahina niyang dugtong. "Kaya hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap ang nangyari sa kaniya."
Napatigil ako.
"Anong po ang nangyari?"
Napabuntong-hininga si Aling Nida bago marahang umiling.
"Matagal siyang nagkasakit. Noong una, akala namin simpleng karamdaman lang. Pero habang tumatagal, lalong lumalala." Saglit siyang tumigil, tila pinipigilan ang pagbalik ng masasakit na alaala. "Ginawa ng pamilya ang lahat para gumaling siya. Dinala siya sa iba't ibang doktor, sinubukan ang kung anu-anong gamutan... pero dumating din ang araw na napagod na ang katawan niya."
Tahimik akong nakinig.
"Napakabata pa niya noon," pagpapatuloy ni Aling Nida. "Marami pa sana siyang gustong gawin. Marami pa siyang pangarap, iha."
Tahimik akong nakinig habang nagpupunas ng ibabaw ng mesa. Hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong kirot na dahan-dahang sumisiksik sa dibdib ko habang pinapakinggan siya.
"Pasensya na at makwento ako. Siguro ay naninibago lang ako na may ibang tao na narito sa bahay." dagdag niya pa.
"Ayos lang po," marahan kong sagot.
At totoo iyon.
Hindi ko alam kung bakit, pero nakagaan sa pakiramdam ang presensya niya. At kahit papaano, pakiramdam ko ay hindi na ako mag-isa at gaanong kalungkot sa lumang bahay na ito.
Pagkatapos naming mag-ayos, inalok ako ni Aling Nida ng merienda sa maliit na lanai sa likod ng bahay. Tahimik at presko roon, natatakpan ng lilim ng malalaking puno.
Pagkadating ko, nakita ko ang nakahandang malamig na juice at ensaymada sa maliit na lamesita. Naupo ako. Habang pinagmamasdan ang ilang puno ng mangga at niyog na marahang umiindayog sa hangin.
"Bukas po siguro, pupunta ako sa palengke," sabi ko habang hawak ang baso ng juice. "Bibili ako ng konting gamit at mga gulay."
Nasabi ko sa kaniya habang kumakain ako ng hapunan. Ngumiti si Aling Nida habang nagtitimpla ng kape para sa sarili niya.
"Maganda 'yan, iha. Doon ka bumili sa may lumang kanto sa bayan. Mas mura roon at sariwa pa ang mga paninda. Mababait din ang mga tindera," aniya. "Kung gusto mo, samahan na kita sa pamimili."
Tumango ako at bahagyang ngumiti. "Sige po. Salamat."
Pagkatapos kong kumain, nagpaalam muna ako at bumalik sa kwarto para magpahinga. Pagod pa rin ang katawan ko mula sa biyahe at pag-aayos ng mga gamit.
Mahina kong isinara ang pinto saka humiga sa kama. Bahagyang umaalog ang lumang electric fan, kasabay ng mahinang paglangitngit ng kahoy sa kisame.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
Naalimpungatan lang ako nang marinig ko ang sunod-sunod na pag-vibrate ng telepono sa ibabaw ng lamesa sa tabi ng kama ko.
Napakurap ako at bahagyang napaungol sa antok. Kinusot-kusot ko pa ang mata ko bago napahikab. Inabot ko ang cellphone nang hindi pa tuluyang nakadilat ang isa sa mga mata ko.
"Hello?" paos ang boses ko nang sagutin ko iyon.
"Sa wakas, you answered my calls!" bungad ni Rina. "Nakatulog ka ba? I was so worried! Hindi kita macontact kanina."
"Sorry, I fell asleep at nabusy rin ako sa pagliligpit ng gamit."
"Oh, alright! It's fine! Anong oras ka nakarating ng Laguna?"
"Hapon na siguro iyon, di ko na rin kasi nasilip ang cellphone ko para tignan ang oras," sagot ko habang bumangon sa pagkahiga.
Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy ako.
"Nakakapagod ang biyahe pero ayos lang naman, ngayon lang ako nakaramdaman ng ganitong pagod." Siguro dahil na rin sa ilang linggo kong walang tulog.
"Mukhang desidido ka na talaga sa desisyon mong 'yan."
Napangiti ako. "Oo naman."
"Well, I hope you're happy."
Narinig ko ang isang staff na tinatawag siya.
"Uhm, teka!"
"Hey, Angel. I'm actually super busy! I have photoshoot pa, e. Sorry, beshy! Kakamustahin na lang kita kapag nagkaroon ako ng free time."
"Yeah, sure! Ingat ka..."
I bit my lip. She was always busy because she was an actress. Her schedule was packed with tapings, events, photoshoots, and other commitments. Kaya maswerte na kung magkaroon siya ng oras para makapagbisita dahil madalang lang ang mga day-offs nito.
"By the way," hirit ni Rina sa kabilang linya. "Kung kailangan mo ng tulong, you know where to go. Huwag mo akong kakalimutan kapag may baby ka na, ha?"
"Of course not. Ikaw pa ba." Napangiti ako.
"Uy, seryoso ako ha. Hindi mo na ako binabalitaan masyado, tapos bigla kang magte-text na aalis ka na pala. Nagulat ako."
"Yes po, Ninang. Babalitaan ka po namin ni baby." Napatawa ako, may konting lambing sa boses ko. Hinimas-himas ko pa ang tiyan ko na para bang may laman na iyon. Napailing na lang ako.
"Yes! I will be her pretty godmother!" she giggled.
"Sige na, baka hinahanap ka na riyan."
"Okay, mag-iingat ka riyan! Mag-Skype ka minsan, alright? Love you, besh!"
"Love you too."
Pagkababa ng tawag, marahan kong inilapag ang cellphone sa tabi ko. Nananatili pa rin ang munting ngiti sa aking mga labi habang nakatitig ako sa kisame.
Nakakatuwang isipin na kahit hindi ko pa siya nakikita, pakiramdam ko'y narito na siya sa tabi ko.
Alam kong hindi magiging madali ang landas na pinili ko. Hindi rin ito ang buhay na dati kong inisip para sa sarili ko.
Pero umaasa akong balang araw, kapag hawak-hawak ko na ang sarili kong anak, mararamdaman kong may dahilan ang lahat ng pinagdaanan ko. Na sa kabila ng mga sakit at pangyayaring sumubok sa akin, may isang taong pipiliing mahalin ako nang buong-buo.
At marahil... sa araw na iyon, hindi na magiging kasing bigat ang pakiramdam ng mag-isa. Hindi ko na mararamdaman na ako lang ang mag-isa sa mundong ito.
Maaga akong nagising. Mula pa lamang sa pagmulat ng aking mga mata, sinalubong na ako ng maalinsangang hangin. Ramdam ko agad ang init ng panahon kahit hindi pa gaanong tumataas ang araw.
Sinama ako ni Aling Nida papunta ng palengke para makapamili ng mga kailangan sa bahay. Hawak niya ang maliit na eco bag habang ako naman ay dala ang listahan na ginawa ko pa kagabi.
"Maaga pa kaya konti pa lang ang tao," sabi niya habang naglalakad kami sa kalsada papunta sa bayan. "Mas maganda 'yan, hindi ka mahihirapan mamili."
Napansin ko ang katahimikan ng lugar. Payak at simple lamang ang pamumuhay. Walang masyadong sasakyan, halos padyak at kariton lang ang dumaraan sa kalsada.
"Ibaba mo na lang kami rito sa palengke Carlos. Oh, heto ang bayad," wika ni Aling Nida habang inaabot ang baryang pamasahe sa drayber.
"Salamat po, Aling Nida. Ingat ho kayo at ikaw na rin Miss beautiful," wika ng lalaki sabay kindat sa akin.
Napairap si Aling Nida at hinila niya agad ako.
"Mukhang may tagahanga ka na agad rito, iha. Naku, Hope, mag-ingat ka. Ang mga tricycle driver dito, akala mo'y kay gwapo hindi naman! Matitinik sa babae! Kung sa Maynila ay ayos lang. Kung dito ka sa San Pablo maghahanap ng mapapangasawa, naku, 'di bale na lang."
Napangiti ako ng kaunti, bahagyang natawa.
"Wala na ho akong balak pang mag-asawa, Aling Nida." sagot ko.
Napamangha siyang tumingin sa akin, halos hindi makapaniwala. "Bakit naman, iha? Kay ganda-ganda mo pa! Baka kahit ang Mayor ng San Pablo, mabighani sa'yo kapag nakita ka! Huwag kang magsalita nang ganiyan!"
Napangiti ako, bahagyang natawa sa kanyang sinabi. "Naku, hindi po ako pumapatol sa matanda."
Napahalakhak siya. "Hindi matanda ang Mayor ng San Pablo, iha. Kung tutuusin, magkasing-edad lang kayo o mas matanda lang ng ilang taon!"
Napailing na lamang ako habang patuloy na natatawa. Ito talaga si Aling Nida, o. Mahilig magbiro.
Pagdating namin sa palengke, sinalubong agad kami ng mga nag-aayang mga tindera ng gulay, prutas, isda, at kung anu-ano pa. May babaeng naglalako ng puto na tag-limang piso, at isang matandang babae naman ang may hawak na basket ng tinapa. Amoy tuyo at bagoong ang buong palengke.
"Hope, halika rito. Itong si Merly, masarap gumawa ng pansit. Pwede rin tayong umorder sa kanya minsan," sabi ni Aling Nida habang hinahatak ako papunta sa isang palangiting ale.
"Hello po," bati ko.
"Naku, ang kinis at ang puti puti mo naman, para kang artista. Anak mo ba iyan, Nida?"
Tumawa si Aling Nida bago siya sumagot, "Naku, hindi. Bagong may-ari ng lumang bahay."
"Ah, aba'y ang tagal nang walang naninirahan doon, ha!" sabi ni Aling Merly habang pinagmamasdan ang aking mukha.
Ngumiti lang ako.
Wala pa akong isang linggo rito pero parang dumarami agad ang nakakakilala sa akin. Masasaya at mababait ang mga tao.
"Iyong nanay ko, taga-roon din sa Quezon," wika niya. "Kaya alam ko, magugustuhan mo rito. Hindi nga lang kasing saya ng Maynila, pero dito... mas sariwa naman ang hangin at ang pagkain dito! Siyempre!"
"Opo. Tama ho kayo,"
"Kaya nga Merly, sabi ko nga, hindi imposibleng matipuhan siya ng Mayor ng San Pablo! Tingnan mo, napakagandang bata, parang anghel na nahulog mula sa langit."
"Siyang tunay ka, Nida! Hindi makabasag pinggan. May boyfriend ka na ba, iha?"
"Wala po..."
"Tamang-tama! Irereto ko kita sa pamangkin ko!"
"Naku! Kung roon lang sa mukhang adik mong pamangkin di bale na lang! Halika na, Hope." Nakita ko ang pagsimangot ng mukha ni Aling Merly.
"Hoy, Nida! Hindi adik ang pamangkin ko! Marami lang tattoo pero masipag 'yon, no!"
"Pasensya na po. Aalis na po kami..." sabad ko agad, sabay hila kay Aling Nida upang malayo kay Aling Merly na halatang mainit na ang ulo.
Pagkalayo-layo namin ng kaunti, humumpay sa pagsimangot ni Aling Nida at agad akong binulungan. "Hay naku, Hope, 'yang si Merly, kung makapuri sa pamangkin niya akala mo'y si Piolo Pascual. Eh, kung nakita mo lang! Susmaryusep, para namang si Robin Padilla! Napakasiga at ang aasim pa!"
Napatawa ako. "Eh baka naman may itsura talaga, Aling Nida?" tanong ko.
"Ha! Diyos ko po! Kung may itsura 'yon, edi sana may trabaho na, kung hindi tambay sa kanto! Aba'y ang lakas manigarilyo, tapos ang ingay pa!" Umirap siya.
Mabuti na lang at naiwaksi agad ni Aling Nida ang usapan. "Gusto mo bang bumili tayo ng maya-maya? Sariwa at may bagong bingwit na mga isda sila Juan ngayon,"
Pagdaan namin sa hanay ng mga tindang isda, agad kong naamoy ang alat ng dagat na nakahalong amoy ng bagong huling tilapia, bangus, at tamban.
Pagkatapos naming mamili, minungkahi ni Aling Nida na dumaan kami sa kalapit na simbahan. Isang maikling lakad lamang daw iyon mula sa palengke, kaya agad din akong sumunod sa kaniya.
Tahimik ang simbahan habang marami ang taimtim na nagdarasal. Sa pagitan ng mga bukas na bintana, dahan-dahang sumasayaw ang mga kurtina sa saliw ng simoy ng hangin.
Umupo kami sa pinakahuling hilera. Pinagmasdan ko lamang ang altar at ang krus sa gitna. Sa dami ng kasalanan ko, mapapatawad Niya pa kaya ako?
I've changed everything about me. Pinalitan ko ang aking pangalan at nagtago sa panibagong pagkakakilanlan para lang walang makakilala sa akin. Gustong-gusto kong magbago ngunit paano iyon kung gagawa at gagawa pa rin ako ng isang bagay na alam kong hindi Niya kailanman magugustuhan?
Pagkauwi namin ni Aling Nida, agad ko siyang tinulungang mag-ayos ng mga pinamili namin. Habang maingat niyang inihihiwalay ang mga ito, ako naman ang nagbubukas ng mga supot para ilagay ang bawat isa sa tamang lalagyan.
Kailangan ko na rin palang bumili ng bagong refrigerator. Medyo luma na kasi itong ginagamit namin, at halata na ang paninilaw sa pintuan at sa loob. Gumagana pa naman, pero nakakatakot na at baka ay masira pa ito lalo.
Pagkatapos naming mailagay ang huling supot ng gulay sa lalagyan, pinagpagan ko ang aking mga kamay.
"Palitan na rin ho natin ang refrigerator. May alam po ba kayong bilihan ng mga kasangkapan dito sa San Pablo? Yong mga appliances... baka sakaling may appliances center sa bayan?"
Lumingon si Aling Nida habang nagpupunas ng mga kamay sa kaniyang apron. "Naku, oo, iha! Sa may poblacion, malapit sa municipal hall. Maraming tindahan doon ng mga bagong gamit sa bahay. Bakit, bibili ka na ba agad ng bagong refrigerator?"
"Opo sana," mahinang sagot ko. "Medyo nag-aalala rin kasi ako na baka biglang mapanalpakan 'yang narito. Sayang naman ang mga binili nating isda at karne kung mabubulok lang."
"Sabagay," tumangong sang-ayon ang matanda. "Sige, kung gusto mo, bukas ng umaga ay pwedeng-pwede kitang samahan uli doon."
"Maraming salamat po, Aling Nida."
Pumaitaas ako sa aking silid pagkatapos naming mag-tanghalian. Ang malamig na simoy ng hangin ay agad na pumasok sa aking silid.
Napapikit ako nang mariin nang biglang pumapasok ang mukha niya sa aking isip.
Range...
Isang mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago mabilis na napaupo sa gilid ng kama. Napahawak ako sa aking ulo.
Natural Imsemination...
Gusto kong kumbinsihin ang sarili ko na hindi iyon ganoon masama pakinggan. It's a mutual agreement between two consenting adults, isang kasunduang para lamang makabuo ng anak, nang may kapalit na bayad.
Wala naman sigurong masama kung susubukan ko, 'di ba?
Alam kong hindi ito pangkaraniwan. Hindi ito tulad ng nakikita sa mga pelikula, hindi rin romansa na nag-uumpisa sa matatamis na salita at nagtatapos sa masayang pag-iibigan. This is a deliberate, walang seremonyas. Isang business deal na ginagamitan ng sariling katawan.
Agad akong napabalikwas ng upo, halos marinig ko ang mabilis na t***k ng puso ko sa katahimikan ng silid. Hindi iyon tama.
I heaved out another sigh.
I heaved another deep sigh. Pero bakit sa kabila ng lahat ng pagtanggi ko, patuloy pa rin itong bumabalik sa isip ko? Bakit tila nakatali ang kamalayan ko sa ideyang iyon?
Angelli, you're unbelievable. Ganyan ka ba kadesperada?
I shook my head, trying to clear the fog in my mind. Just like they said... this is my life, and I have the right to decide for it.
Choice.
Pero ano nga ba talaga ang ibig sabihin niyon? Can I really make a choice without thinking about the consequences? Why is making a decision so unbearably hard?
Maybe because every decision feels like stepping onto a path I can never turn back from. The moment I choose one path, I bury all the other versions of me that will never exist, lives I will never get to live.
Freedom is never truly free, it comes hand in hand with the weight of responsibility. And once a choice is made, there's no one else to blame. Hindi ako pwedeng manuro ng iba. kailangan kong panindigan at pasanin ang lahat ng kahihinatnan nito dahil ako naman ang pumili.
In the end, choice is never simple. It always demand something in exchange. So what if you choose the wrong side? Does that really matter?
"Good evening, Doktora..."
"Oh, good evening, hija! Napatawag ka?"
"Ah, opo..." Napakagat ako ng labi bago nagsalita muli. . "Actually... pwede po ba tayong mag-usap nang pribado? May kasama po ba kayo riyan, o nasa clinic po kayo ngayon?"
Napahinto siya at saglit na natahimik.
She cleared her throat. "Ah, wala naman. I'm at my house. Why? Is everything okay, hija?"
Tahimik akong napahinga nang maluwag. Naghahanap ng lakas ng loob sa pagitan ng t***k ng dibdib ko.
"Doktora... I've been thinking. About... a-another option."
"Oh? What options are you referring to, Angel?" tila nagtataka nitong tanong.
"Hindi ko na po itutuloy ang IVF..."
Sandaling natahimik si Doktora Liza sa kabilang linya. Narinig ko ang tunog ng ballpen niyang ibinaba sa lamesa.
"Y-Yung... sinabi niyo po dati tungkol sa Natural Insemination."
Ramdam ko ang pagkabigla niya, at hindi siya agad nagsalita. Kaya ako na ang nagpatuloy.
"I'm not doing this out of recklessness, Doc. I've thought about it. I want to do this with someone who's willing, healthy, and understands my terms. No buts, no complications. I'm not looking for love or anything."
"Angel... Are you sure about this?" untag ni Doktora sa mahinag boses, may halong pag-aalala at pag-iingat. "Alam mong hindi ito simpleng proseso. Yes, biologically and medically speaking, it is a way to conceive. Pero iba ang emosyonal at sikolohikal na epekto nito kumpara sa ibang medisina. It involves a legal contract, a donor, and a setup that will bound you for life."
"Do you understand the risks, hija?"
"Naiintindihan ko po, Doktora. That's why I'm telling you first. I want to do it safely and responsibly. I'm not doing this in secret. Gusto ko pong tulungan niyo ako kung paano ko po gagawin ito ng tama."
Muling natahimik si Dra. Liza. Pero ngayon, parang mas malambot na ang tono niya.
"I have a colleague who handles confidential family planning and reproductive arrangements. Very discreet sila at legal ang lahat ng dokumento," sagot niya. "Pero Angel... gusto kong pag-isipan mong mabuti 'to ngayong gabi."
"Naipag-isipan ko na po ito nang ilang araw, Doktora... Eto na lang po ang nakikita kong paraan para magkaroon ng pamilya."
Natahimik muli siya, bago marahang sumagot. "Sige. I'll send you the details tomorrow morning via email. Pero ipangako mo sa akin na babasahin mo nang buo ang kontrata bago ka pumirma ng kahit ano."
"Opo. Maraming salamat po, Doktora..."
"Mag-iingat ka riyan, Angel. Huwag mong kakalimutang alagaan ang sarili mo, ha?" huling habilin pa ni Doktora Liza.
"Opo. Goodnight po, Doktora."
"Goodnight, Angelli."
Ibinaba ko ang telepono at dahan-dahang inilapag iyon sa ibabaw ng maliit na mesa sa gilid ng aking kama. Nang maramdaman ko ang bahagyang panginginig ng aking mga tuhod, dahan-dahan akong tumayo.
Tumingin ako sa malayo habang dumadampi sa aking mukha ang malamig na simoy ng gabi. Mali man o tama ang desisyong ito sa mata ng iba, wala na akong balak lumingon pa sa nakaraan o magdalawang-isip.
Huminga ako nang malalim, isinarado ang bintana at marahang nahiga sa ibabaw ng aking kama, hinahayaang yakapin ng lambot nito ang aking pagod na katawan.