Kabanata 3
Angelli Hope
Maaga akong iminulat ng panahon sa tunay na kulay ng mundo. Hindi ako katulad ng ibang mga bata na naglalaro ng manika, nahuhumaling sa mga napapanood na fairy tale, o malayang nagtatakbo sa kalsada tuwing hapon hanggang pawis at putik ang abot.
I was only eight years old when I fully understood that life isn't a children's story meant to teach a sweet lesson at the end. There was no prince coming to save me from the wickedness, and no magic spell to undo curses. Not every story gets a happy ending. Some stories simply end in grief. At such a young age, I learned how easily dreams can break and how quickly promises are forgotten.
My mother used to tell me that my name, Angelli Hope, was given to me so that I would always bring light to our lives. I was supposed to be their little angel. But as the years went by, that name began to feel less like a gift and more like a heavy burden. How could I carry hope when the world around me kept tearing it away?
Tiningnan ko ang sarili sa lumang antique na salamin sa aking silid. Nakasuot ako ng puting halter dress na presko sa pakiramdam. Mukha akong anghel sa panlabas na anyo, kung hindi lang talaga alam ng lahat ang kalokohan at kagagahan ginawa ko noon.
Natawa ako.
I promised I wouldn't be that person anymore. But maybe it was already too late. Driven by my own bitterness, I had left scars on people who probably didn't deserve them. In my desperate attempt to survive my own ruined childhood, I became the very thing I hated. I knew I was already the villain in someone's story.
Nililipad ng hangin ang manipis na kurtina ng bintana. Tumayo ako at lumapit para isara iyon, hinawakan ko ang gilid ng bintana habang pinapasok ang hangin sa huling pagkakataon bago ko ito tuluyang sinarado.
Wala akong masyadong ginagawa sa buong araw. Minsan ay nagbabasa ako, minsan naman ay nanood ng mga pelikula sa laptop hanggang mapagod ang mata ko. Pero madalas ay tulog ako buong araw.
Pagsapit ng sabado, doon lamang ulit tumawag sa akin si Doktora. She said she already found a reliable and healthy donor.
I was thrilled.
Pero kasabay noon, may maliit na bahagi rin sa puso ko na hindi pa sigurado kung dapat ba akong matuwa... o matakot sa lahat ng maaaring mangyari.
"Angelli, nakahanap na ako ng suitable donor para sa'yo." sabi niya sa telepono, natuwa ako sa balita at hindi ko maiwasang mapangiti.
"Talaga po? That's nice, Doktora," sagot ko, "Pero sigurado po ba kayo na compatible siya sa'kin?" tanong ko, sinusubukang itago ang aking pag-aalala.
Narinig ko ang banayad niyang paghinga sa kabilang linya.
"Yes, Angelli," aniya. "The tests came back compatible. Low risk for genetic conditions. I believe he's a good match. We can schedule the procedure as soon as your body is fully prepared. This is the chance we've been waiting for." tugon ni Doktora Liza, may kaunting sigla sa kanyang boses na bihira kong marinig
"Thank you, Doktora,"
"Sa lunes o linggo ay maaari ko siyang papuntahin riyan sa'yo upang makapag-usap kayo sa kung ano man ang iyong karagdagang termino." dagdag niya.
Ibinigay ko sa kanya ang aking address, at sinigurado kong tama ang mga detalye.
"Doktora..." natigil ako sandali at napalabi. "Maaari ko po bang malaman ang ilang impormasyon tungkol sa kanya? Kahit ang pangalan lang ho?"
"Gugustuhin ko man sabihin sa'yo, Angelli, pero importante ang confidentiality sa ganitong proseso para sa kaligtasan ng lahat," tugon niya. "Huwag kang mag-alala, you're safe. Malalaman mo rin naman ang lahat kapag pumunta na siya riyan sa 'yo."
"Sige po, Doktora. Maraming salamat uli," sagot ko bago tuluyang pinatay ang tawag.
Napakunot ang noo ko pagkababa ng telepono. Naiintindihan ko naman ang patakaran iyon kaso lang hindi ko maiwasang matakot at maging usyosa. Isang estranghero ang papasok sa buhay ko. Gusto ko lamang malaman kung mabuti siyang tao.
Matapos ang usapan namin ni Doktora Liza, dumaan ang isang buong araw na punong-puno ng pagkabalisa. Hindi ako mapakali, pero pinilit kong manatiling kalmado. Agad kong inihanda at ipinadala sa kanya ang aking terms and conditions para sa donor. Isa-isa kong inilista ang mga limitasyon at malinaw na hangganan ng aming kasunduan, mula sa pinansyal hanggang sa kawalan ng anumang ugnayan pagkatapos ng proseso. Gusto kong maging malinaw at malinis ang lahat.
Sa huli, ipinagkatiwala ko kay Doktora ang lahat ng magiging desisyon ko.
Ang kailangan ko na lang gawin ay maghintay.
Sa sumunod na araw, mag-isa akong naghihintay ng balita mula sa kanya. May kaunting kaba na hindi mawala-wala sa aking dibdib. Pero pilit kong pinapakalma ang sarili sa pag-iisip na alam nito ang ginagawa niya.
Araw ng Linggo.
Nagising ako nang mas maaga kaysa sa karaniwan. Naligo ako bago bumaba para kumain ng simpleng almusal na inihanda ni Aling Nida.
Ito na ang nakatakdang araw ng aming pagkikita. Hindi ko maiwasang balutin ng matinding kaba.
Bago umalis si Aling Nida, pinasabihan ko na rin siya na papasukin na lang agad ang kahit sinong maghanap sa akin o kumatok sa pintuan. Wala man lang kasi akong maibigay na pangalan o kahit litrato sa kanya.
Lumipas ang mga oras. Wala rin naman akong nagawang matino sa buong araw kundi ang sumulyap-sulyap sa libro at subukang matulog upang takasan ang kaba sa dibdib ko.
Medyo nag-aalala ako...
Pagsapit ng hapon, lumabas ako sa terasa ng bahay. Hinayaan kong yakapin ng malamig na simoy ng hangin ang aking balat habang humihinga ako nang malalim at pinagmamasdan ang tahimik na paligid. Dahan-dahan kong ibinaba ang aking kamay at bahagyang hinawakan ang aking tiyan, sinusubukang damhin ang isang bagay na wala pa roon.
"I hope it will be successful on the first try," I whispered softly. "Sana nga talaga ay magkaroon na ako ng baby sa lalong madaling panahon."
It felt surreal to even think it—to allow myself to crave something so pure when my whole life had been shaped by wreckage. But this wasn't just a whim, it's desperate plea. I needed a miracle to take root inside me before my own body surrendered, before the remaining pieces of my world completely crumbled.
Please, I prayed silently to a universe I wasn't even sure was listening, just let this be enough. Let this work on the first try.
Napahawak ako sa railings ng beranda habang pinagmamasdan ang malawak na hardin sa akong harapan. Hindi na nakakapaso ang init ng araw marahil ay alas kuwatro y medya na rin ng hapon.
Inilapit ko pa ang aking katawan sa railings at mas yumuko nang bahagya upang itinuon ang paningin sa ibaba. Nakita ko si Aling Nida na mabilis ang mga hakbang patungo sa gate.
Napakunot ang noo ko.
Mula sa kinaroroonan ko sa ikalawang palapag, hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila, pero kitang-kita ko ang malawak na ngiti at tuwang-tuwa na ekspresyon sa mukha ni Aling Nida habang binubuksan ang pinto.
Biglang lumakas ang t***k ng dibdib ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
Walang pag-aalinlangang agad siyang pinapasok ni Aling Nida.
At nang tuluyang humhakbang ang lalaki papasok sa bakuran, napatigil ako. Halos lumuha ang mata ko sa gulat nang makilala ko kung sino iyon.
What the hell is Range motherfucking Douglas Mercer doing here? In my house?!
Hindi ko maigalaw ang paa ko. Hindi ko rin alam kung dapat ba akong sumigaw, tumakbo pabalik sa silid, o matawa na lang sa sobrang kabaliwan at pagkalito ng buong sitwasyon.
Huwag mong sasabihing...
Umiling ako nang mabilis habang mariing pumipikit. Hindi. Hindi maaari.
Agad kong pinigil ang sariling pag-iisip bago pa ito tuluyang makabuo ng kahit anong konklusyon. Ayokong magmarunong o magbigay ng kahulugan sa nakikita ko. Kailangan ko siyang makausap at tanungin ano ang ginagawa niya sa pamamahay ko.
Baka nagkataon lang. O kaya'y naligaw siya, o may iba pang mababaw na dahilan. Pinapasundo kaya ako ng kapatid niya? Baka pinapapunta siya rito ni Rina, pwede ring ganoon.
Pero kahit ang sarili kong isip, hindi iyon tumutugma. Kilalang-kilala ko si Rina, at hinding-hindi niya papayagang magkalapit kami ng kapatid niya. Ayaw na ayaw niyang nakikialam ang Kuya niya sa buhay ko, kaya imposibleng galing sa kanya ang utos na ito.
Dali-dali akong bumaba sa hagdan habang halos lumabas ang puso ko sa sobrang kaba. Bawat apak ng paa ko sa bawat baitang ay parang pakikipagkarera sa sarili kong t***k ng dibdib.
Mabuti na lang at hindi pa niya ako tuluyang nakikita.
Nang tuluyang siyang mapasok, agad kong napansin ang madilim niyang presensya. I knew that man has always had this dark, playful aura around him. Imposibleng hindi mo siya mapansin. At ngayong nakatayo na siya mismo sa harapan ko, parang biglang nanlamig ang buong katawan ko.
Matangkad at matikas ang kaniyang pangangatawan. His broad shoulders stretched the fabric of his plain shirt, subtly flexing the raw strength underneath. His sleeves were carelessly rolled, veins running down his forearms. He towered over everything, as if the room itself wasn't big enough to contain him.
Kumalabog nang husto ang puso ko nang magtama ang mga mata namin. Bahagya pang tumaas ang kaniyang kilay at nagkunwaring gulat nang makita ako, tila hindi niya inaasahang narito ako. What a lousy actor!
Anong ginagawa niya rito? Sa dami ng lugar na maaari niyang puntahan, bakit sa mismong bahay ko pa?
"Range..."
"Paano ka napadpad sa pamamahay ko?"
Nag-angat siya ng kilay, dahan-dahan itong tumingin sa paligid, inaaral niya ang bawat sulok ng buhay ko.
"Nice place," aniya, may bahid ng pang-uuyam sa boses. Isang mapanlokong ngisi ang sumilay sa labi niya, kasabay ng maikling sipol na lalo lang nagpalala ng inis ko.
"I'm asking you a question. Huwag mo 'kong daanin sa ganiyan. Alam mo bang hindi ka pwede rito? Trespassing ka," mariin kong sabi. Hindi ko alam kung bakit nandito siya at ano ang pakay niya sa akin. "Hindi mo 'to bahay. Wala kang karapatang basta na lang pumasok."
Sa halip na makinig, bahagya siyang humakbang palapit sa akin, dahilan para kusang umatras ang mga paa ko. Ipinasok niya ang dalawang kamay sa bulsa ng kaniyang pantalon habang hindi inalis ang nakakatunaw niyang tingin.
Umangat ang gilid ng labi niya.
"Galit ka agad?" malamig ang kaniyang boses. "I was actually invited here, sweetheart. Hindi ako pumasok nang walang permiso."
Napakurap-kurap ako.
Napaiwas na lang ako ng tingin at halos humaba ang nguso ko.
Dahil kahit anong sisi ko kay Aling Nida, malinaw na ako rin naman ang may kasalanan. Ako ang nagbilin na papasukin ang sino mang kumatok.
At ngayon, he's standing right here.
"Ano ba ang kailangan mo?" tanong ko sa kaniya.
He let out a short chuckle, a low and rumbling sound that sent goosebumps straight down my spine.
"Hindi ba't ikaw ang may kailangan ng tulong ko?" aniya, nakatitig pa rin sa'kin na parang sinisilip ang bawat reaksyon ko.
Our gazes locked once again. Napasinghap ako, agad na napatras ng bahagya. Natatakot at kinakabahan man ay hindi ko magawang umiwas ng tingin.
"Anong pinagsasasabi mo?" mariin kong sagot. "Wala akong kailangan mula sa'yo."
That damned smirk tugged at his lips again, one that made my stomach do a weird flip. "Oh, I see. Ibang Angelli yata ang tinutukoy ni Tita Liza sa akin."
Nanlamig ang kamay ko.
Biglang bumigat ang bawat paghinga ko.
His words hit me like a thunder. Si Doktora Liza ba ang tinutukoy niya? Teka, sandali... kung ganoon, siya na iyon?!
Ano?
Hindi! Hindi ito maaari!
Parang biglang umikot ang buong paligid ko. My eyes widened in utter disbelief, desperately searching his face for any sign that this was just one of his joke. But there was none.
"Range..." huminga ako ng malalim. "Wala akong alam sa sinasabi mo. Makakaalis ka na."
Range chuckled softly, the sound sending an unexpected shiver down my spine. "Damn it. I didn't know you'd go to such lengths just to get my attention. Is this your new pathetic tactic, Angelli? Because if it is, it's downright desperate."
Desperada? Ganyan ba ang tingin niya sa akin?
"Huwag kang masyadong magmataas, Range. Hindi umiikot ang mundo ko sa'yo, at lalong hindi ako mag-aaksaya ng panahon para lang makuha ang atensyon mo!"
Isang hakbang pa ang ginawa niya palapit. Sobrang lapit na naaamoy ko na ang pamilyar niyang pabango.
"Is that so?" pabulong niyang tanong, habang dahan-dahang yumuyuko para pumantay ang mukha niya sa akin.
I sighed heavily.
Umiwas ako ng tingin at unti-unting umatras. Hindi ko kayang manatiling nakatitig sa mga mata niyang mapang-akit.
"Nangangako ako sa'yong lalayo na ako sa buhay mo. Pinapangako ko iyan. Kaya kung pwede hayaan mo na lang din ako, Range." nagpakumbaba ako, dahil kung makikipag-talo pa ako sa kaniya lalo lang hahaba ang pagtatalo namin.
He raised an eyebrow. "Oh wow, look at you. You've changed, but you're still the b***h I've known, desperate as ever. Pagkapos mong guluhin ang buhay ko? You think I'll believe whatever you say now, Mm? You're still the manipulative b***h I've ever met." he looked at me with disgust.
Naramdaman ko ang mabilis na pag-init ng mga mata ko sa mga salitang binitawan niya.
I swallowed the lump in my throat, forcing myself to stand tall despite the heavy ache in my chest. Nasaktan ako sa sinabi niya, ngunit mas nangingibabaw sa akin ang kagustuhang ayusin ito at unawain ang anumang nararamdaman niya sa akin.
"Kung 'yan ang tingin mo sa akin, wala na akong magagawa," sagot ko, pilit na pinapanatiling pantay ang boses kahit humihigpit na ang pagkakahawak ko sa gilid ng damit ko. "Hindi ko binabago ang pananaw mo sa akin, Range. Galit ka, at naiintindihan ko. Pero kung narito ka lang para ipaalala sa akin kung gaano mo ako kinamumuhian, narinig na kita. Nakuha mo na ang gusto mo."
Range stayed silent for a second, his dark eyes narrowing as he observed the subtle tremor in my shoulders. But the coldness in his gaze didn't soften, if anything, it grew even more intense, suffocating the little air left between us.
"No, Angelli. You don't get off that easily," he said, taking a slow, deliberate step forward until his shadow completely engulfed me.
Napalunok ako.
"Alam kong hindi mo agad ako mapapatawad at naiintindihan ko naman iyon. Pero sana, hayaan mo akong magsimula muli. Hindi mo na ako makikita kahit kailan. Pinapangako ko iyan."
Lalong dumilim ang mukha niya. The sharpness in his jaw tightened. Mapanlokong ngumisi siya, may halong pangungutya na nagdulot ng pangingilabot sa akin.
"You can't fool me," he said coldly. "If I had known this was just another one of your twisted games to lure me back into your trap... I would've f****d with your head so hard you'd regret ever knowing my name."
Napasinghap ako. Halos uminit ang buong pisngi ko sa sinabi niyang iyon. Hindi ko alam na ganito kagaspang ang ugali niya.
"Hahayaan kita sa kung anong gusto mong isipin sa akin. Ngunit wala akong masamang binabalak sa'yo. Maniwala ka sa akin, Range. Magpapakalayo-layo na ako. Hindi mo na ako makikita kailanman kung iyon ang gusto mo."
His eyes burned like dark night. He looked at me intently, as though I were a puzzle he couldn't solve, that both infuriated and unsettled him.
"Do you really think I'll just let you out of my sight, Angelli?" he asked coldly. "After everything you've done, you think you can just f*****g walk away?"
"Range, please..." nagmamakaawa kong wika. "Anong gusto mong gawin ko? I'm offering you the easiest way out! Hindi na ako manggugulo sa buhay mo. Is that not what you've always wanted?"
I could hear the faint sound of his soft chuckle.
"What I want," he whispered, his lips almost grazed my ear, his heavy breathing warm against my cold skin, "Is for you to face the consequences of your mess. You started this game, sweetheart. You don't get to forfeit just because you're tired of playing."
Bumalik ang tingin niya sa akin.
"I don't care about your regrets, Angelli. Regrets don't erase the past,"
"If you want a child so badly... then you'll take it from me."
"Hindi ikaw ang gusto ko!" gigil kong sagot habang pilit siyang itinutulak sa dibdib, ngunit para lamang akong nagtulak ng napakatigas na bato.
"Too bad, sweetheart," ngumisi siya, isang ngisi na puno ng panunukso. "Because every time you look at that child's eyes, you're going to see me. Every heartbeat inside you will be a reminder of who you're tied to. Isn't that nice?"
Napalunok ako. I felt a shiver run down my spine as he spoke, his words piercing through me like a knife.
"Hindi ko tatanggapin 'to," mabilis kong sabi, sabay hablot sa papel mula sa kamay niya pero mabilis niya itong nailayo. "Maghahanap ako ng iba. Kakausapin ko si Doktora Liza. I-kakansela ko ang buong proseso."
Range's expression didn't change, but his eyes glinted with mock. "Go ahead," hamon niya. "Cancel it. But we both know I can turn them to my side. I'll triple the amount you're willing to pay. And you will left with no choice but to accept me."
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko, hindi dahil sa hiya, kundi sa matinding galit na parang sasabog sa dibdib ko. My hands curled into fists at my side, namumula na ang buong mukha ko sa inis.
"Napakasama ng ugali mo," bulong ko, nanginginig ang boses pero matalim ang tingin ko sa kaniya.
Range only smirked. Tilting his head slightly, he watched me with eyes gleaming with smug amusement.
"You'll find out soon enough just how bad and good I am in bed, Angel..."
Lumapit siya ng bahagya, sapat para maramdaman ko ang init ng hininga niya sa pisngi ko.
Napakuyom muli ang kamay ko at halos manginig sa sobrang tensyon. My pulse hammered violently at my throat.
"You're... crazy..." I said.
Ito ang plano niya.
Range Douglas isn't here to negotiate. He's here to ruin me.
"Gagawin mo 'to para lang makaganti sa akin? You're willing to tie yourself to me forever, to an innocent child just to mess with my head?" My voice shook but I forced myself to hold his dark gaze.
"Forever?" He let out a low, breathless laugh that was completely devoid of humor. His dark eyes piercing right through my soul. "Don't flatter yourself, Angelli. I'm not tying myself to you. I'm putting a leash on you. There's a difference."
"Napakasama mo!" Iniwas ko ang kamay niya palayo nang subukan niyang hawakan ang baba ko. "Lumabas ka sa bahay ko bago ako tumawag ng pulis! I don't care who you are or how much money you have. Get the hell out of my sight!"
Range didn't even flinch. Isang napakalamig na ngisi lang ang tumugon sa banta ko. He looked at me with those dark captivating eyes, as if my desperate outburst was nothing more than an amusing show to him.
"You can call anyone you want, Angel," he murmured. "Call the cops. But it won't change a damn thing."
Hinalbot ko ang laylayan ng aking damit at mabilis na tumalikod.
"Angel!" his deep, rumbling voice called out behind.
Nanginig ang mga binti ko habang mabilis kong inaakyat ang bawat baitang ng hagdan. My heart was pounding so violently against my ribs that it felt like it was going to burst. I didn't dare look back, terrified that if I turned around, I would see him right behind me.
Pagkaakyat na pagkaakyat ko sa ikalawang palapag, mabilis akong dumeretso sa aking silid. Pumasok ako sa loob at agad na ni-lock ang pinto.
Napapikit ako nang mariin, hinahawakan ko ang dibdib habang sinusubukang pakalmahin ang nagwawalang t***k ng aking puso. My entire body was trembling.
He was really here. Range Douglas was right outside my place.