Umpisa

3139 Words
Umpisa "Oo na, ikaw na ang pinakamaganda sa lahat, Angelli Hope." Sukat sa pangingibabaw ng kaniyang pang-aasar, napakagat-labi na lang ako. Tuluyan kong ibinaba ang hawak kong lipstick bago ako humarap sa kaniya, pilit na itinatago ang halos pumutok kong ngiti. "Tsk, kanina ka pa kaya nakatitig riyan sa salamin. Kaunti na lang magsasalita na iyan sa harapan mo," dagdag pa niya sabay iling, bagaman halatang natatawa rin sa sariling panunukso. "Nagsasalita naman talaga," pabalang kong biro habang dahan-dahang nag-iwas ng tingin pabalik sa aking repleksyon. "Sinasabi niya sa akin na 'wag akong makikinig sa'yo kasi inggit ka lang." Isang unan ang agad na lumipad papunta sa direksyon ko, na mabilis ko namang naiwasan habang tuluyang humahalakhak. "Hoy, never akong maiinggit sa'yo! Tse!" inis niyang depensa sabay irap sa akin. "At least ako, hindi ko kailangang magpanggap para lang magustuhan ng crush ko 'no!" Natigilan ako. Biglang nabulunan ang tawa sa aking lalamunan at unti-unting napawi ang ngiti sa aking mga labi. "At kung para lang kay Kuya 'yang pag-eeffort mo, tigilan mo na. Kahit anong pagpapaganda mo, hindi ka pa rin niya mapapansin." Napangiwi ako. "Hindi naman pagpapanggap 'to, 'no. Enhancements lang!" sagot ko habang umaaktong nasaktan at humahawak pa sa aking dibdib. Lalo lang siyang napairap. "Alam mo, Angel, maganda ka naman talaga... pero hindi bagay 'yang shade ng lipstick mo sa pangalan mo. Mukha kang bruha!" Napaanghang ang labi ko at mabilis na humarap muli sa salamin para suriin ang sarili. "Aray, Rina! Grabe ka naman sa bruha? Ano namang connect noon sa pangalan ko?" I sighed. "At isa pa, parehas lang naman tayong style! Basher ka?" Nilapitan niya ako at dahan-dahang inagaw ang lipstick mula sa vanity table. "Hindi kasi bagay sa'yo! Madyado kang trying hard! Duh!" Napasimangot ako habang kinukuha 'yon sa kamay niya. "Ang sakit mo naman magsalita!" Napabuga ako ng hangin. Alam ko namang totoo ang sinabi niya, ngunit masakit pa rin dahil kaibigan ko siya. Hindi ba dapat supportive siya sa akin? "Nagsasabi lang ako ng totoo. His girlfriend right now is a supermodel. Wala ka sa kalingkingan no'n." Now she sat casually on my couch, as if she hadn't just dismantled my heart. Umirap ako. Okay, fine. That girl is gorgeous. Her skin looked like it had been dipped in honey because it looks very smooth and glowing. Puwede na siyang tawaging Miss flawless. She had that natural sun-kissed look na halatang half-Pinay. Beauty queen kasi, kaya wala talagang maipipintas. Habang ako isang hopeless romantic na hindi kailanman mapapansin ng crush. I sighed heavily. Range's unit is just right across from mine here at Proscenium, and yes, I bought mine purposely because of that. My silly plan was to be in front of him, right where he could see me every time he stepped out. Pero ang problema? He's barely home. The few times I caught sight of him were rare, almost accidental. "Ayaw mo bang nakikita akong masaya?" I heaved a deep sigh. Though, she had a point. Masakit man, pero iyon ang totoo. Ang hirap lang tanggapin. Kasi kahit alam kong wala naman akong pag-asa sa lalaking iyon, umaasa pa rin ako. She raised a perfectly plucked brow, while her arms crossed. "Duh?! Obviously, I want you to be happy, Angelli Hope! Kaya nga ayokong nakikita kitang nasasaktan at nagpapakatanga nang ganyan dahil kay Kuya, e!" "Kung ganoon, let me do what makes me happy. Kahit ngayon lang. What if... someday, mapansin niya din ako?" She gave me that look, the one she uses when she thinks I've completely lost my mind. "Asa ka pa, girl! Kahit maghubad ka pa sa harap niya habang sumasayaw, hindi ka pa rin mapapansin no'n! Seryoso ka ba diyan?" Napatawa ako nang bahagya. "Grabe, ang brutal mo," napapailing kong sagot. "Saka nakakahiya kaya sumayaw nang ganoon sa harap niya. Baka mas lalo lang niya akong ayawan at ipabarangay pa ako no'n..." Mas lalo siyang napasimangot sa akin. College pa lang kami, crush ko na si Range Douglas ang nakatatandang kapatid ng matalik kong kaibigang si Rina. Noon pa man, marami na talagang humahanga sa kaniya kaya hindi na bago sa akin iyon. Ngunit simula't sapul, kailanman ay hindi talaga sumang-ayon si Rina sa kahibangan ko sa Kuya niya. "You know what, Angel," Rina's voice snapped me out of my reverie. Her gaze softened a little. "I just don't want you to keep hurting yourself just because of Kuya. Maganda ka naman talaga, e. Pero kung iwasan ka ni Kuya, daig mo pa ang taong may malubhang sakit!" I turned my eyes away from her. "Anong magagawa ko? Mahal ko nga kasi ang Kuya mo," malalim akong napabuntong-hininga. "Hindi naman basta-basta tumitigil ang puso sa taong gustong-gusto mo, di ba?" Rina sighed, shaking her head like I was some hopeless lamb. "Fine. If he ever notices you, I swear I'll throw you a party. But, girl..." she paused, giving me a serious look. "Marami pang lalaki maaari mong bigyan ng pansin hindi lang ang Kuya ko. Hindi mo kailangan magpakabaliw para sa isang taong ayaw naman tumingin sa'yo." I heaved a sigh, feeling the weight of her words settle deep inside my chest. "Anyway," she stood up, grabbing her bag. "I need to leave. We have family dinner tonight. I'll see you tomorrow, okay?" She leaned over to kiss me goodbye before leaving. Napatingin ako sa nakasara nang pinto pagkaalis ni Rina. Tahimik na uli ang buong unit ko. Bumaling ako pabalik sa malaking salamin ng aking vanity table. Tinitigan ko ang sarili kong repleksyon. Nangatog ang aking mga labi. Dahan-dahan kong kinuha ang isang piraso ng tissue at pinaligiran ito sa aking hintuturo. Sa unang pahid, bahagyang kumalat ang kulay sa gilid ng aking labi. Pinunasan ko ito nang mas madiin, pilit na tinatanggal ang bawat bakas ng kolorete. Nang tingnan ko muli ang salamin, namumula na ang paligid ng aking bibig dahil sa diin ng pagkakapunas. Napabuntong-hininga ako habang nakatitig sa sarili kong repleksyon. Kailan ba ako titigil sa kahibangan kong ito? Kailan ko matututuhang piliin ang sarili ko nang hindi kailangang humingi ng atensiyon sa lalaking ni minsan ay hindi man lang mailingon ang tingin sa akin? Sa lahat ng bagay na pwede kong baguhin, bakit sarili ko pa talaga ang binago ko? Nakakaawa na siguro akong tignan sa ibang tao. Lalo na sa kaniya. Sinuri ko ang buong itsura ko sa salamin at napagtantong sapat na rin siguro ang panahon para piliin ko naman ang sarili ko. Mukhang suntok sa buwan ang katuparang magustuhan nito. It dawned on me that I was simply never his type and I need to accept that. Yet, a part of me still clung to the foolish hope that he might love me back someday. I guess that's something that will only ever happen in my dreams. Kumuha ako ng panibagong cotton pad at binuhusan ito ng micellar water. I started to wipe off my heavy makeup. Kasabay ng pagbura ng eyeliner, blush-on, foundation at kung ano-ano pang nilagay ko sa mukha ko ay ang unti-unting paglutang ng tunay kong balat. Pumunta ako sa closet at nagpalit ng damit. Isinuot ko ang simpleng jeans at medyo bulaklakan na blouse dahil iyon lang ang meron ako sa ngayon. Lumapit ako muli sa salamin at hinati ang mahaba at straight kong buhok sa gitna, hinahayaan itong bumagsak sa aking balikat. I stared at my reflection in the mirror. It felt as though a complete stranger was looking back at me. It was amusing how a few layers of makeup could completely alter who I was, it was as if I had transformed into someone else entirely. The smokey eyeshadow and red lipstick were wiped clean. Without all the cosmetics, I felt like I had traveled back to my younger self. I looked plain and simple, nothing like the supermodels he usually dated. But I loved what I saw. Because it was finally me. Pinili ko ang simpleng beige na doll shoes dahil mas magaan at mas komportable itong isuot sa paa. Tinitigan ko ang hilera ng aking mga stiletto. Mukhang oras na rin para ipagbili ko na ang lahat na nandito. At least pakinabangan pa ng iba kaysa nakatambak na lang. Maaga pa lang ay tumulak na ako papunta sa paborito kong parlor sa Poblacion. Nang makapagbayad sa taxi ayon at nakita ko agad si Paul o si Mamang Paula na abala sa pakikipaglandian sa bagerong nagde-deliver ng tubig. Nakangiti at palihim na hinaharot niya iyon. Napailing na lang ako. Wala talagang pinapalampas ang isang ito. "Hi Mamang," bati ko rito habang papalapit. Sa unang beses, hindi niya ako pinansin. Napangiwi ako, akala ko hindi niya ako nakilala. Pero ilang segundo lang, nanlaki ang mga mata niya at napa-'O' ang bibig. Tuluyan niyang initsupera ang lalaki na kanina lang ay pinapaligiran niya ng kilig. Napasign of the cross pa siya sa harap ko. "Madre de Dios! Angelli, ikaw na ba 'yan?!" Natawa ako. "Mamang, parang nakakita naman ho kayo ng multo." "Naku! Angel! Pasok ka, dali! Anong nangyari sa 'yo?! Nakakaloka ka, inday!" Pagkapasok namin, agad na tumunog ang chime sa pinto hudyat ng panibagong kliyenteng dumating. "Angelli?" Bigla akong napabaling sa may maiksing buhok na si Ligaya. Nakapamaywang na siya at halos suriin niya ang buong pagkatao ko mula ulo hanggang paa. Habang si Ariela naman ay bilog na bilog ang mata. "Ay, anak ng tokwa!" halos pasigaw niyang sabi. "Anong nangyari sa'yo, Angel? Naalog ba ang utak mo? O bigla kang sinapian ng espiritu? Nagka-amnesia ka ba?!" sabay hawak niya sa dibdib. Napalunok ako. "Hindi—" Napaigtad ako at napapikit sa lakas ng sigaw niya. "Sinasabi ko na nga ba... hindi ikaw si Angelli! Impostor ka! Doble Kara?! Nagkapalit ang mukha!" "Huminahon ho kayo," I chuckled. "Hoy! Napaka-OA niyo mga baklush! Paupuin n'yo muna si Angelli!" Mabilis akong hinila ni Mamang papunta sa lumang sofa, habang sinisipat pa rin ang buo kong itsura. Maliit lang ang espasyo ng parlor, pero kasyang kasya ang lahat. May tatlong salon chair na magkakatabi sa harap ng salamin at may mga ilaw sa gilid pero halatang palyado na ang iba. Sa likod noon, may mahabang mesa na puno ng bote ng hair treatments, alcohol, mga suklay, at gunting. Sa sulok, may isang water dispenser at katabi nito ang lumang cart na puno ng nail polish, lahat may label na halos nabura na sa katagalan. Sa dingding, may mga poster ng hairstyle noong 2005 pa, kasama ang isang luma pero naka-frame na photo ni Mamang kasama raw ang isang artista. Maayos ang paligid, tahimik at walang kahit sinong dumaraan. Wala rin namang ibang customer na pumasok, pero ibinaliktad pa rin nila ang nakasabit na karatula para ipahiwatig na sarado ang salon sa mga oras na ito. Si Mamang, nakatayo na sa likod ko habang hawak ang suklay. Nakatingin siya sa salamin, pero hindi sa sarili kundi sa akin. Matagal niya akong pinagmasdan. Hanggang sa nakita ko ang malapag niyang ngiti. "Ang ganda mo Angel kahit wala kang ayos o make-up! Nakakaloka ka, 'day! Nagulat kami sa'yo!" Mapakla akong napangiti. "May nanakit ba sa'yo? Broken hearted ka siguro?" Nagkatinginan sila sa isa't-isa. Hindi ko sinabi sa kanila ang totoong rason pero mukhang nahimigan na nila iyon. Inayos niya ang isang hibla ng buhok ko sa gilid ng mukha, "Alam mo, Angel, maraming ibang lalaki diyan mas mamahalin ka ng lubos sa kung sino ka talaga! Aba'y bakit mo kailangan ipagpilitan ang sarili mo sa taong hindi ka naman mahal? Ang ganda ganda mo para magpakagaga sa isang lalaki!" mariing sabi ni Mamang. Tama sila. Mas magandang maghintay sa taong totoong mamahalin ako, tititigan ako sa mata at hahawakan ang kamay ko nang walang alinlangan. I've finally come to realize that loving someone shouldn't feel like chasing or constantly proving my worth. Ayoko ng tumaya sa pag-ibig kung saan ako lang palagi ang talo at nasusugatan. Panahon na rin siguro para piliin ko naman ang sarili ko, I want protect my peace and to stop settling for anything that drains my soul. "Kuhh! Basta ako daig ng malalandi ang magaganda!" Ariela rolled her eyes as she flopped beside me on the couch, popping a chip into her mouth. "Tumigil ka nga riyan, Ariela! Hindi sukatan ng pagmamahal ang galing sa landi, o dami ng nanligaw." sipat naman ni Mamang Paula. Tumawa lang si Ariela. "Eh, totoo naman, diba? Pwedeng na sa'yo na ang lahat. Beauty and brains ka nga, pero kung hindi ka marunong magpakita ng gilas, edi laglag!" "Ariela, mahalaga ang saya, oo. Pero kung puro kilig lang ang hanap mo, madali kang magsawa," she turned to me with a kind smile, "Huwag mong maliitin kung may ibang paraan magmahal. Hindi porket hindi mo paraan, mali na agad. Lahat tayo may sariling paraan ng pag-ibig." Dahan-dahan akong tumango, habang dama ang bawat salitang binitiwan niya. Masarap sa pakiramdam na marinig mula sa iba na hindi iisa ang hugis ng pag-ibig, lalo na't nanggaling ito kay Mamang Paula, na halatang napakarami nang nasaksihang love stories, heartbreaks, at second chances. "Pero sa ating mga bakla wala forever, dahil wala tayong mga matres!" sabay-sabay nilang tawa pagkatapos ng biro ni Ligaya. "Ah, basta. Love will come when it's meant to. Basta ako ngayon, mahal ko ang sarili ko, at ang junakis ko. May tiwala ako sa Diyos." Sabay-sabay kaming tumingin kay Mamang Paula, medyo nagulat sa biglaang pag-amin nito. Marahil wala man lang sa kanilang nakakaalam na may anak pala siya. Isang parte ng buhay niya na kailanman ay hindi niya pa nababanggit o naichismis sa kanila nang hayagan. "May anak ka?!" gulat nilang tanong dito. "Oo naman, mga inday," sagot niya. "Hindi ko lang masabi sainyo, pero super proud ako sa anak ko, ha! Mag-grade 1 na siya sa darating na pasukan!" kwento ni Mamang. "Teka, alam ba niyang merlat na beki ang mudra?" singit ni Ariela. "Gaga! Malamang, alam niya! Magpapajuntis ba 'yon kung hindi niya keri ang kabog ng lola mo?" "Pasabog!" tili ni Ligaya, natatawa rin. "Iba ka rin, Mamang. Sa panahon ngayon, bihira na ang ganyan, tunay na pag-ibig, waley judgement, waley choz. Kaya respeto ako sa'yo." Napaisip ako, ano kaya kung magpaanak na lang din ako? Pwede naman, hindi ba? At least, kahit papaano, hindi ko na mararamdamang mag-isa ako. I'll raise my child with all the love I never got. I promise that I'll be enough for both of us. Pero paano ko gagawin iyon? I heaved a sigh. Kung sana buhay pa ang Lola ko, sigurado akong alam niya ang tamang sagot. The truth is, I've been on my own for most of my life. Most of the time, I've had to figure things out by myself and carry everything on my own. I learned to make decisions without anyone guiding me, even when I wasn't sure if I was doing the right thing. My parents already have families of their own. Mahal ako ni Mama, alam kong totoo 'yon. Pero mas mahal niya ang bagong pamilya niya ngayon. At oo, mas madali sa kanya ang piliin ang kagustuhan ng asawa niya kaysa ipaglaban ako. Hindi ako tanggap ng asawa niya. Ayaw niya ng paalala ng buhay na nauna kay Mama, kaya iniwan niya ako sa Lola ko at doon ako lumaki. Ang Lola ko ang siyang tanging naging kakampi, at tahanan ko. Naiintindihan ko naman si Mama, pero masakit para sa akin. Nagdalantao sa murang edad ang Mama ko sa piling ng lalaking hindi na pwede sa kaniya. May asawa na si Papa noon. At kahit alam ni Mama, pinili pa rin niyang ipagpatuloy ang pagmamahalan nila. It was a forbidden love. Alam ni Papa na anak niya ako. Pero kailanman, hindi niya 'ko tinanggap. Hindi niya ako ipinakilala isa rin sa mga anak niya. At hindi niya ako itinuring na bahagi ng kanilang pamilya. Isa siyang matagumpay na negosyante. Respetado. Pero isa lang siyang estranghero para sa akin. Pinaaral niya ako at binibigyan ng mamahaling bagay upang itikom ang bibig. I let out a long sigh. Maybe Mama had done the same with Papa, forcing herself to love a man who never truly loves her back. And here I was, doing the very same thing... sa ginagawa ko para lang din akong nanlilimos ng pagmamahal kay Range. "Hindi ko masyadong ginupitan ang buhok mo," marahang wika ni Mamang Paula habang hinahaplos ang dulo ng buhok ko. "Bagay sa'yo ang pantay lang at hanggang baywang ang haba. Mabuti na lang at hindi mo pinakulot ang buhok mong bruha ka! Sana hindi na ulit maalog iyang utak mo! Tsk! Kapag nakakuha ako ng agency, ipapasok kita sa pag-aartista." Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. The girl looking back at me was filled with so much love for herself. Malayong-malayo sa babaeng binago ng pagmamahal kay Range. Malayong-malayo rin sa tipo niyang babae. Hindi nagtagal ang paghihintay ko at bumukas rin ang lift. Walang tao sa loob kaya agad akong nakapasok. Pinindot ko ang button sa sariling palapag ngunit muling bumukas ang pinto ng elevator. Isang matangkad na lalaki ang mabilis na pumasok. Nang tumingala ako para makita kung sino iyon, my heart nearly stopped. Napakunot ang noo niya nang magtama ang mga mata namin. Parang may kumurot sa dibdib ko. The air felt heavier the moment he entered. Dumampi sa ilong ko ang pamilyar niyang amoy. Bahagya akong umusod, pilit na gumagawa ng distansya. Kahit na marami naman talagang espasyo. Pinirme ko ang paningin sa nagpapalit na numero sa taas ng elevator. Dumadasal na sana... pabilisin ang bawat segundo. Naramdaman ko ang pagbaling niya sa gawi ko. Halos uminit ang pisngi ko. Ramdam na ramdam ko ang bawat pagtitig niya. I panicked and picked up my phone and pretended to scroll, but no matter how hard I tried to focus and divert my attention, nasa kaniya pa rin ang isipan ko. I held my breath. Hindi ko siya sinulyapan. Pero nararamdaman ko ang paninitig niya sa akin. From my peripheral vision, I saw him glance away, only to look back again. My throat tightened. Humugot ako ng mababaw na hininga at marahang nagbago ng puwesto, pero hindi iyon nakatulong. The silence pressed in, habang umaangat ang elevator, ganoon din ang kaba sa dibdib ko, hindi humuhupa kundi lalo pang tumitindi. The elevator dinged. The doors slid open, and he shifted just enough to let me go first. Diretso akong naglakad, hindi na lumingon. Hindi ko kinayang tumingin pabalik. Baka mahimatay ako. Hindi pa rin humuhupa ang t***k ng puso ko na para akong nasa isang karera ilang kilometro ang tinakbo. Narinig ko ang pag-ring ng kaniyang telepono. He muttered a small curse, bago sinagot ang tawag. "Inistorbo mo pa ako," he said bluntly. Pagpasok ko sa unit, bitbit ko pa ang kaba at hindi pa rin kumakalma ang dibdib ko, naghuhumiyaw ang puso at halos hindi ko maramdaman ang sarili kong mga tuhod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD