Kabanata 19 Angelli Hope Hinatid niya ako hanggang Laguna. Sinabihan ko naman siyang sa sakayan na lang ako ng bus ibaba, pero naging mapilit siya kaya wala na rin akong nagawa. Naging tahimik ang buong biyahe. Tanging ang ugong ng makina at ang mahinang tugtog sa radyo lang ang pumupuno sa katahimikan sa pagitan naming dalawa. Paminsan-minsan, ninanakawan ko siya ng tingin. Nakatuon man ang mga mata niya sa kalsada, halata ang tensyon sa nakatagimtim niyang panga at sa mahigpit na pagkakahawak niya sa manibela. Mabuti na lang at hindi niya na muling binuksan ang topic tungkol sa pagpapakasal. Napahinga ako nang maluwag. Pagdating namin sa Laguna, huminto siya sa harap ng bahay. Hindi siya nagsalita. Pinatay niya muna ang makina bago bumaling sa akin. "Don't come to work anymore. Ju

