THE HALF-SISTER

1107 Words
KENSHIN, "Amaring, may game kami ngayon. Manood ka," sabi ko kay Amari. Nagliligpit na siya ng kaniyang gamit. "Ngayon na?" tanong niya. "Yup. Manood naman kayo, para naman maganahan kami sa game. Taga ibang school ang kalaban namin," saad ko. "Sige, need mo ba ng cheering squad? No problem 'yan. Basta galingan ninyo," aniya. Palabas na kami ng classroom at papunta na sa court. "Oo naman, wala ka bang tiwala sa akin?" tanong ko. "Mayroon, Kentoy," aniya na dumilat pa. Sarap dukotin ng mga mata nito. Mayamaya nasa court na kami. Nandito na rin ang mga kalaban namin sa laro. "Maupo na kayo dito, magpapalit lang kami," paalam ko sa kanila. AMARI, "Sis, ano nga pala ang pinag-usapan niyo kanina ni Althea?" tanong ni Sandy. "Nothing important. Nagpaturo lang siya sa akin kung paano gumanda like me," sagot ko. Hindi ko naman puwedeng sabihin na about sa personal life namin dahil ayokong maapektuhan ang work ni Papa. Enough nang kami lang ang nakakaalam. "Seryoso? Hindi ka niya inaway?" tanong nila. "Nope. If aawayin man niya ako, sorry pero hindi ako magpapatalo. Kung maldita siya, mas maldita ako," sagot ko. Mayamaya lang ay nasa gitna na ng court sila Ken. May pinag-usapan ang bawat grupo at nakalinya na sila. Tinapon ng coach nila Ken ang bola sa ere at naagaw iyon ng kalaban. Matatangkad ang kalaban nila, samantalang sa grupo nila Ken, lima lang sila na matangkad pero magagaling silang lahat at may tiwala ako na mananalo sila. Pag-shoot ng kalaban ay hindi iyon pumasok, kaagad na-rebound iyon ni Ken. Galing naman. Ngayon nasa kamay na ni Ken ang bola. Todo bantay ang kalaban. "Sis, cheer mo si Ken, bilis," sabi Shaira. "E? Bakit ako lang?" tanong ko. "O, sige tayong tatlo," sabi ni Shaira. "Sige, one, two, three. Go Kenshin!" sabay naming sigaw. At sunod-sunod na cheering ang aming ginawa. Gumaya na ang iba naming mga kaklase at schoolmates. Bigla ay sumigla ang grupo at sunod-sunod ang kanilang nakuhang score. Kita ko naman sa kabilang side ang nagpupuyos sa galit na si Althea. Mainggit ka, sis. Matapos ang laban ay ang grupo nila Ken ang nanalo. "Yeheyyy! Ang galing naman, libre niyo kami," saad ni Shaira. "Thanks. Saan niyo gustong magpalibre?" tanong ni Hubert, isa sa kasama nila Ken. "Sa cafeteria," sagot nila. "Congrats, Kentoy," bati ko kay Ken nang makalapit na siya. Nagpupunas siya ng pawis. Pagtingin niya sa akin ay parang bumagal ang ikot ng mundo. Bakit ang hot niya? Ang guwapo, mukha siyang anghel. Hay! Ano ba self? H'wag gano'n, nai-inlove ka na. "Thanks, Amaring. Thank you sa cheering niyo," aniya. "Mauna na kayo sa cafeteria, susunod kami. Magpapalit lang kami," paalam nila. "Sige," sabay naming sagot. Naglakad na kami papuntang cafeteria. Mayamaya ay humarang si Althea at ang mga kaibigan niya. Ito na naman ang babaeng 'to! "Amari!" pabagsak niyang tawag sa pangalan ko. Mabigat? "What?" tamad kong tanong. "Puwede niyo ba kaming iwan? May pag-uusapan kami," aniya sa mga kaibigan ko. "Kayo rin, mauna na kayo sa labas," saad niya sa mga kaibigan niya. Halos sabay na umalis ang mga kaibigan namin. "What is your problem, ba?" tanong ko. "Stay away from, Ken," aniya. Sumeryoso ang mukha ko. "And why would I do that?" mataray kong tanong. "Just do what I say, Amari," aniya. Sarcastic akong tumawa. "Althea, Althea, Althea. I am not your puppet. First, ayaw mo 'kong lumapit kay Papa Andrei. Now, kay Ken naman. What is wrong with you? Anong gusto mo? Ikaw lang ang lalapit sa kanila? Ang selfish mo naman," saad ko sa kaniya. "Gusto mo ba ng gulo?" gigil niyang tanong. Humakbang ako ng isang beses at tinitigan siya sa mga mata. "Just tell me, if you want it. I'll whole-heartedly give it to you. Don't you dare asked me to stay away from Ken or to my father. Because, first and foremost, I am his daughter and Ken is special to me. And one more thing, don't you dare me. Dahil hinding-hindi kita aatrasan." Napalunok siya at hindi nakapagsalita. "O? Natameme ka na yata? Speechless, don't you? A simple advise and reminder, Althea. Don't interfere to my life. Hindi mo ako kilala. Instead of ruining my days na hindi mo naman magawa. Mag-aral ka, nang sa gano'n, ipagmamalaki ka naman ng Daddy mo, na Daddy ko! Sabi mo nga 'di ba? Never siyang naging proud sa'yo. Paano na lang kung malaman niya itong mga pinaggagawa mo? Baka itakwil ka na. Study hard, Althea. 'Wag ako ang binabantayan mo. Lugi ka sa akin, ako, kahit hindi ako mag-aral, kaya kong makapasa. How about you? Nakakahiya 'di ba? Professor ang Daddy mo, tapos ikaw? Mahina!" "How dare you!" Napasinghap ako at nasapo ang aking magandang pisngi. Sh*t! "Don't you dare, talk to me like that!" Sinampal ko rin siya na ikinatabingi niya. "Masakit? Gusto mo pantayin natin? Ito ang tandaan mo. H'wag kang pumasok sa laban kung kulang ka sa bala. Matatalo ka lang." Tinulak ko siya at tinalikuran. Ang hapdi ng face ko. Mahahalata nila ito mamaya. Tsk! Akala niya masisindak niya ako? No way and never! Pagpasok ko sa cafeteria, tahimik akong umupo at kumuha ng juice. Nauhaw ako. "Sis? What happen to your face?" tanong ni Shaira. Tiningnan pa niya ito ng maigi. "Who did that to you?" tanong ni Ken. "Hayaan niyo na, nakabawi naman ako," sagot ko at kumain ng sandwich. "Si Althea ba?" seryosong tanong ni Sandy. "Hayaan niyo na siya. Wala lang siyang magawa kaya, napagtripan niya ako," sagot ko. "Ano ba ang problema niya sa iyo, Amari? Bakit parang lagi ka na lang niyang binabantayan?" Bumuntong hininga ako. "Naiinggit siya sa akin, kasi... Maganda ako," sagot ko. Natampal naman ni Sandy ang noo niya. "Amari, iwasan mo na lang siya. Sinasaktan ka niya, oh. Hayaan mo sa susunod pagsasabihan ko," singit ni Ken. "Magkakagulo lang, Ken. Isa pa, I can handle myself. Hindi naman ako magpapatalo. If sasaktan niya ako, sasaktan ko rin siya," sabi ko sa kanilang lahat. Natahimik na sila at 'di na nagtanong pa. Tahimik rin akong kumain at uminom ng juice. Mayamaya ay sabay-sabay kaming naglabasan ng school at umuwi na. Pagdating ko sa bahay, wala pa ang kotse ni Daddy. Pumasok ako sa loob at umakyat sa taas. Nagpalit ako ng damit at nahiga sa kama. Ramdam ko pa ang hapdi sa mukha ko. Kapag nakita ito ni Mommy iisipin niya na nakipag-away na naman ako. Hays! Ang sama ng ugali mo, Althea. Siguro masama rin ang ugali ng nanay mo. Ipinikit ko muna ang mga mata ko. Gusto kong matulog. Bukas, gagawa na naman ng eksena ang babaeng iyon. Ang half-sister kong, insecure...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD