TATLONG LINGGO lang ang itinagal ni Nicole sa Mental Hospital. Pinilit niya sa sariling iparating na magaling na siya o hindi talaga siya nababaliw. Naging maganda naman ang huli niyang examination at ibinalita ng doktor sa pamilya at kaibigan niya na mabilis ang recovery process niya.
Tuwang-tuwa naman ang pamilya ni Nicole, nagpahanda pa ito ng selebrasyon nang araw na bumalik siya sa Mansion.
“Iniisip mo sigurong naging rude kami sa iyo, hija. Ginawa lang namin ang tingin naming tama.”
“Huwag po kayong mag-alala, I understand your side, siguro nga masyado na akong nabaliw kay Warren and I realized he’s dead at hindi na siya babalik pa.”
Napangiting ginagap ng kanyang ina ang kamay niya saka mahinang usal na nagpasalamat sa maykapal sa pagbabalik ng kanilang anak na babae.
Mula nang mga sandaling iyon, inayos na ni Nicole ang buhay niya. Siguro nga kakambal na niya ang pagpipinta. Ginamit niya ang savings niya para ma-renovate ang Gallery at ipaayos ang lahat ng mga bagay-bagay. Nang makarating siya sa maliit na kwarto una niyang hinanap ang huling naipinta niya na larawan ng lalaki sa panaginip niya.
“Anong hinahanap mo?” usisa ni Deean na sumama sa kanya para tumulong sa pag-aayos ng shop.
“Na’san na ‘yong pininta ko, iyong nakasabit sa harap ng kama ko?”
“Pinaalis ko na. Baka kasi may maalala ka na naman sa—“
Naputol ang sinasabi ni Deean nang halughugin ni Nicole ang buong kwarto.
“Hindi ko na iyon idi-display but please don’t throw it. I need it. Gusto kong itago iyon.”
Nakaramdam ng habag si Deean sa kaibigan, kaya kinuha niya sa likod ng shop ang painting. Mabuti na lang at hindi pa pala iyon nadadampot ng Garbage Truck, paniguradong malalagot siya sa kaibigan.
“Heto na,” hinihingal na usal nito sa kanya sa pag-abot.
Agad niya iyong kinuha. Pinunasan at saka inilabas para isama sa mga naka-exhibit na paintings.
“Anong balak mo sa painting na ‘yan?” tanong ni Deean nang tuluyang mailagay na ni Nicole ang painting.
“Ibebenta ko na lang, baka may magkagusto. At least kumita na ako.”
“Sige. I’m sure magaling ka na nga. Nga pala Nicole, sa Friday na ang balik ko sa England.”
“Ha? Ang bilis naman,” maang na sabi niya rito. Ni hindi nga sila nakapag-bonding ng maayos at aalis na agad ito. “Tuesday ngayon, ibig sabihin tatlong araw lang ang ilalagi mo rito?”
“Ah eh. Gano’n na nga. Huwag kang mag-alala, susulitin natin ang sandaling nandito pa ako.”
Dahil under renovation pa sa loob ng dalawang araw ang Gallery, ipinasya na lang nilang magbakasyon sa Baguio. Iyon ang malimit nilang puntahan noon at mula nang lumipad pa-England ang Buddy niya, hindi na siya muling nakarating pa ng Baguio. Isa kasi iyon sa iniwasan niyang puntahan noon dahil lagi niyang nami-miss ito.
Nasa loob siya ng Coffee shop, nasa Hotel pa rin kasi ang kaibigan niyang si Deean. Nagpauna na siyang pumunta sa Coffee shop. Hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kanya para lapitan ang lalaking nakatayo at bumubili sa Shop. Hindi siya maaaring magkamali, ito si Warren—ang lalaki sa panaginip niya.
“W-Warren?”
Napatingin din sa kanya ang lalaki. Umabot lang sa baba nito ang height niya, matangkad ito at kayumanggi ang kulay nito na nakadagdag pa ng magandang aura sa mukha nito.
“Sorry Miss, you’re mistaken. Warren is not my name.”
Hinabol niya ito hanggang palabas ng Coffee shop, hindi siya maaaring magkamali. Ito si Warren, ang lalaking nagpapakita sa panaginip niya.
Hinawakan niya ang braso nito nang maabutan niya ito.
“Ako ito si Nicole, nakalimutan mo na ba?”
“Kaklase ba kita before?”
“No. Pero ako ang—“
“Edcel, halika na.”
Napahinto siya nang makitang may babaeng tumawag dito na nasa loob ng sasakyan. Hindi na siya nakapagsalita at pinanood na lang na sumakay ito ng kotse.
“Uy, sino iyong hinabol mo?”
“Para kasing familiar iyong mukha niya.”
“Teka lang.. parang siya si Doktor Carvajal.”
“Doktor Carvajal?”
“Oo. Siya iyong Doktor na gumamot sa asawa ko noon sa Hospital sa England. I thought he's dead. Naaksidente kasi sila sa England at kasama niya ang parents niya. 'Di ko alam na narito na pala siya.”
“Ano pa ang alam mo sa kanya?” urirat na turan niya rito.
“Teka nga lang, ano na namang naiisip mo? Ikaw Nicole ha, ‘wag mo sabihing..type mo siya?”
“May asawa na ba siya? Jowa?”
“Sinasabi na nga ba eh.” Biglang kinilig ang buddy niyang si Deean. “Well, hindi ko naisip ‘yon. Bakit nga hindi mo subukang makipag-date? Malay mo, may mahanap ka ulit na Warren ng buhay mo.”
Imposibleng makahanap ulit siya at mapalitan sa puso niya si Warren. Nag-iisa lang ang Warren sa puso niya. Tama si Warren, babalik nga ito. At ngayong nag-krus na ang landas nila, hindi na niya ito pakakawalan pa.
Abala sa pagtitipa sa harap ng laptop si Nicole. Sinusubukan niya kung may makukuha siyang impormasyon sa Edcel Carvajal na iyon. She was sure it was Warren and that body was Warren use to incarnate. Nagtataka lang siya kung bakit nalimutan siya nito.
“Matulog na tayo, ‘di ka pa ba inaantok?”
“Mauna ka ng matulog.Mamaya na ako matutulog,” sagot niya rito.
Mayamaya pa ay narinig na niya ang mahihinang hilik ni Deean mula sa tinuluyan nilang Four star Hotel.
Inabot na siya ng madaling araw kahahanap ng profile ng Edcel Carvajal na iyon, pati f*******:, tweeter account at i********: ay hinanap na rin niya. She was dying to see him again to make him realize she still loves him.
Nagtaka pa si Deean nang makitang nakaayos na siya at tila may pupuntahan kinaumagahan.
“Hoy Lukaret, saan ang gala mo? ‘Di mo sinabing may gala tayo today.”
“Actually ako lang mag-isa. Sandali lang naman ako, may bibilhin lang ako sa labas.”
Hindi yata ito naniwala sa excuse niya, nakabestida siya at nakakulot pa ang dulo ng buhok niya na hindi naman mukhang bibili lang sa labas. Pero hinayaan na rin siya nito.
KANINA pa pinagmamasdan ni Nicole ang malaking gate sa harapan niya.
“Dito pala nakatira si Warren, I mean si Edcel.”
She pushes the doorbell botton. May narinig siyang boses at itinatanong kung sino siya at ano ang kailangan niya. Malugod naman siyang pinagbuksan ng silbidora.
“Nasa kwarto po si sir Edcel, pahintay na lang po sa salas.”
“Salamat.”
Nilibot niya ang kabuuhan ng bahay, napansin nga niyang maraming painting ang nakasabit sa loob at hindi nakaligtas sa paningin niya ang isang painting na familiar sa kanya.
‘Iyan ang abstract paint ko na binili sa’kin ni ate Lucy. Ibinenta rin kaya ni ate Lucy sa iba?’ pagtataka ng isipan niya.
“Good morning Hija, ano ang kailangan mo sa apo ko?”
Napaayos siya ng tayo nang marinig ang boses ng matandang babae. Napatingin siya rito.
“Good morning din po. Patient po kasi niya ang asawa ng kaibigan ko. And my friend of mine suggests that Doctor Carvajal is one of the best surgeons in the Philippines. So I formally myself finds him here.”
“You’re on the right choice. Have a sit.”
“Madam, mind if I ask something about that paint. Saan n'yo po iyan nabili?"
“Ah iyan ba? Sa kaibigan kong si Lucilla. Iyan ang pinakamagandang paint na nakita ko. Wala siyang balak ibenta sa akin iyan kung hindi ko pa dinoble ang presyo. Maganda ‘di ba?”
Napatango-tango siya.Tama nga ang kanyang pantaha. “Oho, puno ng kalungkutan,”nakapako ang tingin sa paint na sagot niya rito.
Napatingin ang matanda sa kanya. “Paano mo naman nalaman?”
Gusto na niyang ibulalas na siya kasi ang nag-paint niyon ngunit nagkasya na lamang siya sa sagot na “Marunong po kasi akong bumasa ng paint arts.”
“Talaga? Mahilig ka rin sa paintings?”
“Hindi naman po masyado. Painter po kasi ang father ko.”
“Good to hear that. Ano nga pala ang pangalan mo?”
“I’m Nicoleen Zane Laurence.”
“Wait, does Benjie Laurence ring a bell to you?”
“Yes. He is my Dad.”
“Oh goodness! I collected all your Dad’s art paintings.”
“Talaga po? Mabuti naman po at nagustuhan ninyo ang paintings ng Daddy ko.”
“Minsan na nga kaming nagkakwentuhan ni Benjie at nabanggit niyang may anak siyang nagmana sa kanya.”
“Lola!”
Napahinto ang matanda sa pagkukwento nang marinig ang boses ni Edcel.
“Ang tagal mo namang bumaba, Azet. Kanina ka pa hinihintay nitong si..”
“Nicole po, Madam.”
Tumayo ang Lola nito para hayaan silang makapag-usap nang biglang iharang nito ang baston. Naglakad palapit si Edcel at hindi napansin ang hinarang ng pilya niyang Lola dahilan para matisod ito at halos mangudngod sa harapan ni Nicole.
Bumilis ang t***k ni Nicole nang matapat ang mukha nito sa mukha niya. Nagtama pareho ang kanilang mga mata.
“Sige, maiwan ko muna kayo,” patay-malisyang paalam ng matanda habang mahinang humahagikgik.
Mabuti na lang at malakas ang stamina ni Edcel, nakatukod ang dalawang kamay nito sa magkabilang side niya. Kung hindi siguro ito naging alerto, kanina pa may naganap na halik sa pagitan nila dahil kamuntik na talaga itong humalik sa kanya.
“So-sorry.” Agad na iniahon nito ang sarili at tumayo ng maayos. “Bakit ka nga pala naparito? How did you know my home?”
Hindi malaman ni Nicole kung ano ang isasagot at kusa na lang lumabas sa bibig niya ang mga salitang hindi niya inaakalang masasabi niya. “Pwede ba kita ayaing lumabas?”
Inaasahan na ni Edcel na malakas ang karisma niya sa mga kababaihan, hindi na siya nagtaka kung bakit ganoon ang bulalas nito sa kanya.
“Sure. Makapaghihintay ka ba? Magbibihis lang ako.”
Tumango siya bilang tugon.
Naglakad na nga palayo sa kanya si Edcel.
Mahinang hinampas ng baston ng matanda ang puwitan ni Edcel. “Bagay kayo.”
“Lola, tumigil ka na nga. May kasalanan ka sa’kin.” At agad ding umakyat sa kwarto.
Ngumisi ang matanda bago tuluyang nawala sa paningin nito si Edcel.
Kinakabahang hindi mapakali sa kinauupuang passenger seat si Nicole. Lulan siya ng kotse nito.Sa isang Restaurant ang sinabi nitong place para makapag-usap sila. Natuwa naman siya dahil pinagbuksan siya ng pinto at nang makapasok sa Restaurant, pinaghila din siya ng upuan nito.
“Sorry nga pala sa ginawa ko kahapon,” hinging paumanhin ni Nicole na ang tinutukoy ay ang pag-harass niya rito na tinawag na Warren.
“Okay lang, apology accepted.”
Iniabot nito sa kanya ang menu. Nang dumating ang waiter agad din niyang ibinigay ang order niya, ganoon din ito. Tahimik silang kumain at hindi man lang siya nakapag-umpisa sa nais niyang sabihin. Pakiramdam niya umatras ang dila niya para komprontahin ito na siya si Nicole, ang nobya nito. Hindi niya alam kung paano siya mag-uumpisa.