Monday araw nang interview ko. Nagsuot ako nang simpleng dress at nakaplat sandals lang ako. Nagtaxi ako papunta sa bahay ni Mr. Dylan Walton. Pagdating namin sa tapat nang bahay niya ay namangha ako sa laki at gara nang bahay ng lalaki sa Forbes Park Makati. Nagbayad ako sa taxi at bumaba na ako. Lumapit ako sa Guard na nasa labas.
"Kuya, ako po iyong pinadala nang agency para sa interview ko po ngayon."
"Id mo miss." tanong ni manong
"Ah, teka lang po, heto po ang aking id." binigay ko kay manong ang id ko.
"Teka lang itatawag ko sa loob." wika ni manong na tinanguan ko lang. Inuobserbahan ko ang kilos ni manong kung may kakaiba sa kanya. Mabilis ko ding inikot ang mata ko sa paligid. Bumalik si manong sa labat at pinapapasok nadaw ako.
"Pumasok kana, yung mayordoma ni Sir Dylan ang mag iinterview sayo dahil wala si Sir." paliwanag sa akin ni manong. Tumango tango lamang ako. Pagkatapos icheck ako at gamit ko ay hinatid na ako nang isang guard na nasa loob. Ganito pala kahigpit dito. Ganito talaga pag sobrang yaman ingat na ingat. Mabuti nalang di ako mayaman. Maganda lang..
Pagkahatid sa akin ay iniwanan na ako ni manong dahil may lalabas daw na susundo sa akin. Bumukas ang pinto at may isang nakauniform na babaeng bumungad para sunduin mukhang kaedad ko lang din.
"Hi, ako si mimi maid dito. Tara hinihintay kana ni nanay luz." nakangiti niyang sabi. nginitian ko lang din siya at sumunod na ako sa kanya. Wow, kung gaano kaganda sa labas ay mas maganda pa pala sa loob.
Pinaupo ako sa sala, hintayin ko daw si nanay luz at siya ang mag iinterview sa akin. Napatingin ako sa babaeng palapit sa akin nasa 50's siguro, eto siguro si nanay luz?. Tumayo ako para magbigay galang.
⁰"Ikaw yung nag aapply na maid? tanong niya
"Opo ma'am." ngumiti lang sya
"Nanay luz nalang iha." nakatingin siya sa akin at parang pinag aralan ang aking itsura.
"Sigurado ka bang mag mimaid ka sa ganda mong yan?" tanong sa akin.
"Opo nanay luz, masipag po ako lahat nang gawaing bahay alam ko po." sabi ko. Pero totoo yun marunong ako sa gawaing bahay. Hindi naman ako lumaking mayaman kaya sakto lang ang pamumuhay namin sa probinsya.
"Ok sige iha, tanggap kana pwede ka nang magsimula ngayon. Stay in lahat nang kasambahay dito, ikaw magsabi kong anong araw ang gusto mong pahinga. Sa sahod mo naman ay si Senyorito Dylan na ang magsasabi sayo." aww tanggap na ako. Sa puso kaya ni senyorito dylan papasa kaya ako. Naloloka na naman ako. tsk!
"Salamat po nanay luz, wag po kayong mag alala, aayusin ko po ang trabaho ko dito." masayang sabi ko.
Umuwi lang ako para kumuha nang gamit ko, hindi ko alam kung kilan ko matatapos ang misyon ko pero pinakamatagal na ang isang buwan sa aming mga SAA. Bumalik din ako agad sa mansyon ni senyorito dylan.
Pag sapit nang hapon dumating si senyorito dylan. Pinatatawag daw ako sa office niya. Anu to final interview?
Kumatok ako. "Come in." sabi niya. kinakabahan ako...
Binuksan ko ang pinto. May hawak siyang folder, kita ko ang mga papel ko, istrikto pala ang senyorito.
"Magandang gabi po, s-enyorito." nautal pa ako. Pagtingin ko sa kanya, nagulat ako dahil nakatingin siya sa akin. Kita ko kung paano niya ako tignan,. Pinag aralan ko ang mukha ni Senyorito ang perfect sa personal, mas pogi pala eto sa malapitan. Ang pogi na sa tv mas pogi pa pala pag napersonal mo. Akala ko noon paghanga lang nararamdaman ko sa kanya dahil ang pogi pogi niya, ngayong nakita ko sa malapitan my god ang perfect nang magkakadrawing nang mga magulang niya sa kanya. Bagay kami! natawa ako sa naisip ko. Natatawa akong tumingin sa mata niya. Nakakunot ang noo niya.
"Are you listening to me?" naiinis nyang tanong.
Huh! kinakausap ba ako? hala! patay badshot na agad ako kay senyorito. Sayang ang ganda ko.
"Sorry po, senyorito anu po ulit sinabi po ninyo?" nahihiya kong sabi.
"You're not listening what I said? Next time, I don't want a stupid maid in my house." anu daw stupid? tinitigan ko lang siya nagtimpi ako baka masagot ko siya tumango na lang ako.
"Is it clear?" naiinis niyang sabi sa akin. Ewan ko sayo barilin ko kaya yang puso mo este bibig mo hmp!
"Yes, kamahalan.."mahina at pabulong kong sagot.
"What did you say?" galit niyang sabi.
"A-m, sabi ko po senyorito pasensya na po kayo." tumungo ako para di makita ang mukha kong napapatawa, Kung hindi ka lang gwapo baka na nasuntok na kita, pasalamat ka ang pogi mo.
"Leave." he said in baritone voice.
Pagkatapos kung nagpaalam, mabilis akong umalis sa harapan niya. Matatakot ka sa kanya kung mahinang nilalang ka, pero ako? bakit ako matatakot sa Dylan na yun halikan ko pa siya eh.
May bisita daw si senyorito dylan ngayong gabi dito daw mag didinner ang napapabalitang girlfriend niya kaya aligaga ang mga kasama ko sa kusina. Lagi lang akong nag oobserve sa mga labas pasok sa bahay ni dylan minamanmanan ko ang bawat galaw at kilos nang bawat isa, wala pa kasing lead kung sinong may gawa sa pagbabanta sa buhay niya. Base sa nasagap nang kanang kamay ko, relatives ni dylan umano ang may pakana pero wala pang matibay na ibedensya. Malakas ang kutob ko may kasabwat dito sa loob nang bahay niya at yun ang dapat kung alamin. Nakaready na lahat sa mesa nang dumating ang bisita. Sabi ni nanay luz ang mga bisita ay, tito at tita ni dylan, ang girlfriend niya at ang mga magulang nito . Lumabas si aling maring nanay ni mimi.
"Desyang, pwede bang samahan mo di mimi dun baka may iutos ang mga bisita." tumango ako at pumunta sa dinning area.
"Magandang gabi po." naagaw ko ang atensyon nila, isa isa silang tumingin sa akin. Napatingin ako kay senyorito at biglang bumilis ang t***k nang puso ko, nakatingin lang naman siya sa akin. Ganda ka girl.. Kinilig ako. Pagtingin ko sa girlfriend ay parang galit na nakatitig sa akin problema mo girl.
Lumapit ako sa mesa para lagyan nang tubig ang mga baso nila. Una kung nilagyan ang baso ni senyorito siya kasi ang malapit sa akin. Pag tapat ko sa girlfriend ay biglang siniko ang kamay ko, pusang gala! what the hell! bumuhos ang tubig sa pantalon ni senyorito dylan.
"What the f**k!" galit na baling ni senyorito sa akin. Aaww! Galit na nakatingin sa akin si senyorito. Nilingon ko ang girlfriend, kita ko ang saya sa mukha niya. Okay, anong laro kaya ang trip nito.. Maglalaro kami. Binalingan ko si senyorito.
"Sorry po senyorito. Hindi ko po sinasadya." paumanhin ko. Narinig kong ng tsk! ang girlfriend pero hindi ko na pinansin mamaya ka sa akin chaka!
Tumayo si dylan at tinitigan ako na may galit sa mata.
"Follow me to my office." galit na wika niya,. Tumalikod siya at sumunod naman ako. Pag pasok namin nilock niya ang pinto. Nagtaka ako. Bakit niya nilock?
"What did I tell you? Do I need to repeat it?" galit niyang sabi. Patay na!
"Senyorito, sorry po pero siniko ako nang girlfriend nyong... chaka." mahinang sambit ko.
"What? what did you say? who's chaka?" Kunot noo niyang tanong.
"Sorry po senyorito. Hindi ko po talaga sinasadya."
"I'm sorry. Makakaalis kana sa bahay ko." nakatingin siya sa akin.
"Senyorito,. wag naman po. Dose po ang pinapakain ko, ang anim dun mga anak ko, ang asawa ko lasenggo. Please maawa na lang kayo sa mga anak ko, wag na sa akin." diko alam kung maniniwala siya sa kalukuhang pinagsasabi ko pero hindi ako pwedeng mapalayas sa bahay niya sayang ang tatlong milyon ko. Napahilot siya sa sintido niya. Kita sa mukha niya ang inis at galit sa akin. Bahala kang sumakit ang ulo. Basta hindi ako pwedeng umalis sa mansyon mo.
" What? You think I believe what you say?" iritang irita na siya sa akin.
Lumuhod ako para sa tatlong milyon..
" What the f**k are you doing?" kalmado na niyang sabi..
"Sorry na senyorito, last na to pag nagkamali ulit ako, ako na mismo ang aalis pramis po." pagsusumamo ko.
"Okay, get out. I got a headache from you." he said in a deep voice.
"Hindi mo na ako pinapalayas sa mansyon mo senyorito?" natutuwang tanong ko.
"Oo na, get out. Just stay away from me." he said calm.. Sa tuwa ko niyakap ko sya nang mahigpit. Nagulat din ako sa ginawa ko, kaya dahan dahan akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya. Nakatitig lang sya sa akin. Namula ang mukha ko sa hiya, pero tuwang tuwa ako naka tsansing ako sa aking senyorito. Ganda yarn...