chapter 8

805 Words
"Claire buntis ka?" Salubong na tanong sa akin ni Drake nang magising ako. Mabigat ang aking katawan kaya hindi ko magawang makatayo. Gusto kong humilata nalang sa kama kaso parang naduduwal ako. "Hindi ko alam." Naguguluhang sagot ko habang nakahawak sa aking ulo. Magmula kasi nang mawalan ako ng malay ay parang binibiyak na ang ulo ko. Mabilis naman itong napansin ni Drake kaya tinawag niya na ang kaniyang ina. "Ma ayos lang ba siya?" Tanong ni Drake sa kaniyang ina. "Normal lang yan sa mga buntis anak." Sabi naman ito kaya makahinga din siya ng maluwag. "Ako? Buntis?"Gulat na tanong ko ng mapagtantong buntis nga ako. Mabilis naman silang tumango sa akin kaya napatakip na lamang ako ng aking bibig. Hindi pwede 'to! "Hindi ako naniniwala." Maluha-luhang sasd ko habang nakatingin sa kanila. Mabilis namang lumapit sa akin si Drake habang hinahawakan ang aking kamay. "Magiging nanay kana ng magiging anak natin." Nakangiting saad niya. Kita sa kaniyang mga mata kung gaano siya kasaya pero kabaliktaran iyon ng nararamdaman ko. "Hindi! Hindi pwede drake! Hindi ko pa kaya!" Sigaw ko habang hinahagis ang lahat ng bagay na aking makita. "Claire, kumalma ka please!" Galit na sigaw nito pero umiling lang ako sa kaniya. Hindi ko parin matanggap na magiging nanay ako. "Tumigil nga kayo!" Sigaw ng mama ni Drake kaya napakatahimik kami ni Drake. Parang may maitim na aura na nakapaligid sa kaniya habang nakasara ang kaniyang kamao. "Huwag kayong matakot hindi naman ako nangangagat." Pagbibiro ng mama ni Drake pero nanginginig parin ako habang nakatingin kay tita. Para kasing anytime kaya niya kaming saktan o baka kaya niya rin kaming patayin gamit ang kaniyang mga kamay. "Ma ano ba! Tinatakot mo si Claire!" Galit na sigaw ni Drake sa kaniyang ina pero tumawa lang si tita. "Wala naman akong ginagawa." Nakangiting saad ng kaniyang ina habang nakatingin sa akin kaya napalunok nalang ako. "Diba Claire?" Tanong nito sa akin kaya tumango nalang ako. Gusto kong umalis sa kwarto pero nakaramdam ako ng pagkahilo kaya humiga nalang ako sa kama. "Drake pwede ba kitang makausap? Iyong tayong dalawa lang?" Tanong ko sa kaniya kaya mabilis nitong tinignan ang kaniyang ina. Mabilis namang tumango si tita at tumungo na sa may pinto. Hindi naman nakawala sa aking mga mata ang pagkindat nito sa kaniyang anak. "Drake pwede bang umalis na tayo dito? Para kasing hindi tayo ligtas dito." Bulong ko sa kaniya. Baka kasi may makarinig sa amin kaya pinili ko nalang na bumulong. "Saan naman tayo pupunta?" Tanong nito sa akin kaya napaisip naman ako. "Kahit saan Drake. Basta gusto ko lang na makalayo." Sabi ko naman dito kaya mabilis siyang tumango. "Bukas na bukas aalis na tayo." Sabi naman nito kaya ngumiti ako rito. "Basta ingatan mo ang magiging anak natin ah." Dagdag pa nito habang hinahalikan ang aking noo kaya napapikit ako hanggang sa tuluyan na siyang nakaalis pero ilang sandali pa lamang ang nakakalipas ng biglang. "Drake!" Sigaw ko nang mamilipit ako sa sakit. Hinang hina na ako para ilakad ang aking mga paa pero wala si Drake sa aking tabi kaya gumapang na lamang ako sa sahig habang humihingi ng tulong. "Tulungan niyo ako!" Sigaw ko nang makita ang isang nakamaskarang lalaking papalapit sa akin pero hinila na nito ang aking mga paa. Pinilit kong kumapit sa paanan ng kama pero wala na akong nagawa dahil hinang hina narin ako. At ang nagawa ko na lamang ay ang umiyak habang binibigkas ang pangalan ng taong mahal ko. "Drake." Bulong ko habang nakatingin sa maliwanag na buwan pero sandali ko lamang itong nakita dahil tinakpan na nila ang aking mga mata gamit ang isang panyo. "Ano bang kailangan niyo sa akin?" Galit na sigaw ko nang sumalubong sa akin ang kadiliman. Hindi ko na alam kung nasaan kami pero isa lang ang nasisigurado ko. Na isang maling galaw ko lang ay maari akong mapahamak. "Takpan mo nga ang bunganga ng babaeng yan!" Galit na sigaw ng isa pang lalaki kaya nilagyan narin ng panyo ang aking bibig. Lalo naman akong napahagulgol dahil sa mga nararanasaan ko sa lugar na ito. "Parang awa niyo na palayain niyo ako." Pagmamakaawa ko sa kanila pero sarado na ang kanilang isip . Tanging ingay ng kanilang mga halakhak ang maririnig sa paligid. "Pinatay mo si papa!" Sigaw ng isang batang babae habang umiiyak. Tila namanhid ako ng marinig ang bawat salitang binibitawan niya. Hindi ko ikakaila na may napatay ako pero hindi ko iyon sinasadya. "Mas malala ka pa pala kay Madam Saavedra." Sabi naman ng isang lalaki kaya mabilis na nangunot ang aking noo. "Sinong Madam Saavedra?" Tanong ko sa kanila. "Ang babaeng pinakamakapangyarihan sa lugar na ito." Sabi naman ng lalaki kaya mabilis akong napatango. Kaya siguro maraming natatakot sa kaniya kasi kaya niyang manipulahin lahat ng tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD