""I'm sorry Claire, hindi kita naipagtanggol sa kanila." bulong nito sa akin habang yakap ako. Mabilis naman akong bumitaw sa pagkakayakap at muli siyang tinignan habang nakakunot ang aking noo.
"Kilala mo ako?" tanong ko sa kaniya pero mabilis siyang tumango habang nakatitig sa aking mga mata kaya napatakip na lamang ako ng bibig habang tahimik na umiiyak.
"Pero binaboy mo ako!" galit na sigaw ko sa kaniya kapa napayuko naman ito.
"Nagawa ko lang naman iyon sayo dahil matagal na kitang gusto!" maluha-luhang saad nito kaya mabilis naman akong napailing.
"Pero hindi kita kilala!" Sigaw ko habang litong-lito sa mga nangyayari.
"Kapatid ko si Drake." maiksing tugon nito na naging dahilan ng aking panghihina.
"Prank lang 'to diba? tanong ko sa kaniya habang pilit na ngumingiti sa kaniya pero umiling lamang siya habang humihingi ng tawad.
"Claire pwede bang ako nalang?" tanong nito sa akin habang nakaluhod sa aking harapan. Gulong-gulo na ang isip ko sa mga nangyayare habang ang mga tao ay patuloy na nagpapatayan at nag-aagawan ng kapangyarihan.
"Pero iba ang mahal ko." maiksing tugon ko na ikinalungkot niya.
"Alam ko naman iyon eh, pero sana bigyan mo ako ng pagkakataon para patunayan ang sarili ko." sabi naman nito habang hawak ang aking mga kamay. Nakatitig lang ito sa akin habang kumikinang ang kaniyang mga mata. Gusto ko siyang tanggihan pero alam ko kung paano siya magalit. Baka mapatay niya ako kapag tinanggihan ko siya kaya kahit na labag sa aking kalooban ay ngumiti ako sa kaniya habang paulet-ulet na tumatango.
"Wala ng bawian ah!" nakangiting saad niya at muling niyakap ako ng mahigpit.At habang niyayakap niya ako ay doon na bumagsak ang mga luhang naipon sa aking mga mata.
"Claire umiiyak kaba?" tanong niya sa akin kaya mabilis kong pinunasan ang luha sa aking mga mata. Mabilis naman akong umiling sa kaniya habang pilit na ngumingiti sa kaniya kahit na mababakas sa aking mga mata kung gaano ako nasasaktan.
"May naalala lang ako." pagpapalusot ko kaya naniwala naman ito.
"Itatakas na kita dito Claire." bulong niya sa akin habang iginagala ang tingin sa paligid. Mabilis naman akong nabuhayan dahil sa sinabi niya. Ang akala ko kasi katapusan ko na.
"Paano kung mapahamak ka nang dahil sa akin?" tanong ko sa kaniya pero mapait lamang itong ngumiti sa akin. Agad naman akong nakaramdam ng kirot sa aking dibdib dahil hindi ko ninanais na may magsakripisyo para lang sa akin.
"Gagawin ko ang lahat para sayo Claire." sabi naman nito at muli akong niyakap ng mahigpit. Ramdam ko ang pagbuntong hininga niya kaya niyakap ko rin siya pabalik. Iyon lang kasi iyong kaya kong gawin upang pagaanin ang kaniyang loob.
"Pero—"
"May nilagay akong pampatulog sa pagkain nila kaya maya-maya lamang ay makakatulog na silang lahat." bulong niya sa akin pero agad din naman itong napatigil nang may sumigaw sa aming likuran.
"Taksil ka!" Sigaw ng isa niyang kasamahan pero agad din naman itong nanghina at natumba sa sahig.
"Tara na? baka matunugan nila ang pagtakas natin." pag-aaya niya sa akin kaya mabilis akong tumango. Ramdam ko ang nanginginig ng aking mga kamay kaya mabilis niya itong hinawakan at mabilis naming tinungo ang masukal na daan kahit na madilim ang paligid at wala kaming sapat na gamit.
"Teka lang may naapakan ata ako." nakangiwing saad ko habang paika-ikang naglalakad kaya napatingin ito sa aking paanan na ngayon ay nababahiran na ng dugo.
"Sh*t! singhal nito kaya binuhat niya na ako. Mabilis naman itong tumakbo sa kagubatan dahil may iilang tao nang humahabol sa amin.
"Saan na tayo pupunta ngayon?" tanong ko sa kaniya pero bigla niya nalang tinakpan ang bibig ko dahil may lalaki palang nasa likuran ko.
"Mahahanap din namin kayo!" Sigaw nito habang lumilinga sa paligid. May dala itong baril na nakaipit sa kaniyang pantalon habang may iilang kasamang lalaki na mayroon ding mga sandata.
"Huwag kang maingay!" galit na sigaw nito dahil muntik na kaming mahuli kanina kaya bigla nalang akong napayuko dahil hindi ko alam kung may mukha pa akong ihaharap sa kaniya. Nang dahil sa akin muntik na kaming malagay sa kapahamakan.
"Sorry." bulong ko habang nakayuko sa kaniya. Mabilis namang bumagsak ng aking mga luha habang tahimik akong humihikbi.
"Claire tumingin ka sa akin." utos niya sa akin pero nanatili akong nakayuko. Ayoko kasing makita niya akong umiiyak dahil lang sa sinigawan niya ako.
"Claire." bulong nito habang inaangat ang aking mukha kaya tuluyan niya ng nakita ang aking lumuluhang mata.
"I'm sorry." paghingi nito ng paumahin kaya tumango nalang ako. Mabilis niya naman akong niyakap habang ako ay patuloy na lumuluha. Hindi ko kasi mapigilang umiyak kaya patuloy niya lang akong inaalo habang sa tumigil na ako sa pagluha.
"Hindi ka pa naikwento sa akin ni Drake." Saad ko ng maghari ang katahimikan sa aming pagitan. Mabilis naman itong ngumiti sa akin habang ginugulo ang aking buhok.
"Itinakwil kasi ako." Pagkukuwento nito habang nakatingin sa kalangitan habang pinipigilan pumatak ang luha sa kaniyang mga mata.
"Walang awa nilang pinatay ang mama ko! Kung alam ko lang na ganon ang nangyayari ay hndi ko na sana hiniling na makita si papa." Dagdag pa nito. Ngayon ay nakayuko na ito habang patuloy na umiiyak.
"Pero hanggang ngayon, tandang tanda ko parin ang mukha ng taong pumatay sa aking ina."
"Ang mama ng lalaking minamahal mo