Chapter 5

1060 Words
Ano bang nangyayari sayo Claire?" tanong sa akin ni Drake nang magising ako. Naiwan nalang kaming dalawa sa kwarto kaya muli akong umiyak sa kaniyang harapan. Palagi nalang akong pinangungunahan ng takot dahil sa mga nasaksihan ko kanina. Gusto kong sabihin sa kaniya na hindi ko na kayang manatili sa lugar na ito pero hindi ko alam kung papayag ba siya sa kagustuhan ko kaya idinaan ko nalang ang lahat sa paghikbi. "Claire, magsalita ka naman! Huwag iyong ganito." naiinis na saad nito pero umiling lang ako sa kaniya habang nanginginig na nakatingin sa kaniyang ina. Kakapasok lang nito sa kwarto nang hindi manlang kumakatok sa pinto. "Oh ma! nandito ka pala."Masayang bati nito sa kaniyang ina. Agad namang nanlaki ang aking mga mata nang makitang nanlilisik ang mga mata nito ng tumingin ito sa akin. Nakakatakot pero nanatili akong kalmado habang nakakapit sa kamay ni Drake. "Drake umalis na tayo rito." Bulong ko sa kaniya pero nangungot lamang ang kaniyang nga noo. "Kakarating niyo nga lang tapos aalis na kayo?" Tanong ng mama ni Drake kaya napatingin kaming dalawa rito. Mabilis namang napakamot ng kaniyang ulo si Drake pero ako ay nanatiling tahimik sa kaniyang tabi. "Ma si Claire kasi gusto ata akong masolo, alam mo na kung bakit." Pagbibiro nito kaya malakas na tumawa ang kaniyang ina. Mahina ko naman itong hinampas dahil sa mga kalokohang sinasabi niya. "Loko ka talaga!"Nakabusangot na saad ko dahil sa kahihiyan. "Mahal mo naman!"Sabi naman nito na ikinangiti ko. "Hala nakakaistorbo ata ako sa inyo."Sabi naman ng mama ni Drake at tumungo na sa may pinto. Mabilis namang kumaway si Drake sa kaniyang ina pero pag-alis nito ay bigla niya nalang akong tinitigan. "Alam mo ba na gustong-gusto ka ni mama?" Pagkukwento nito sa akin na ikinagulat ko. Kanina kasi ay nakita ko pang nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin sa akin kaya paanong magugustuhan ako nito para sa anak niya. "Kaya gusto niya na magstay tayo rito ng matagal." Dagdag pa nito na ikinaguho ng mundo ko. Gusto kong manlumo dahil wala pang isang araw na nananatili kami rito ay kakaibang karanasan na ang aming nasaksihan pero para kay Drake ay normal lamang ang mga ito. "Ayos lang naman sayo iyon diba?" Tanong nito kaya mabilis akong tumango. Kahit naman sabihin ko na ayaw kong manatili rito ay siya parin ang masusunod. "Mabuti naman kung ganon." Nakangiting saad nito habang naglalakad papunta sa aming bagong kwarto. May iilang tao kaming nakitang humahagulgol pero agad na nakapukaw ng aking atensiyon ang matandang lalaking yakap ang kaniyang walang buhay na anak. "Anak ko!"Sigaw nito. Hindi niya alintana ang mga taong nakatingin sa kaniya. Nababahiran narin siya ng dugo ng kaniyang anak pero nakita korin na may sugat siya sa kaniyang noo. Gusto ko siyang lapitan pero ito na ang kusang lumapit sa amin. "Parang awa niyo na, iligtas niyo ang anak ko."Sabi nito habang nakaluhod sa aming harapan pero hindi siya pinapansin ni Drake. Gusto ko siyang tulungan pero alam mong hindi ko magagawa iyon dahil sa lugar na ito ang angkan nila Drake ang pinakapangyarihan sa lahat. "Bitawan niyo ako!" sigaw nito habang nagpupumiglas sa mga tauhan ng nanay ni Drake pero wala rin siyang nagawa. Hindi ko alam kung saan siya dadalhin kaya sinundan ko na lamang sila ng tingin. "Huwag mo nalang silang pansinin." Biglang saad ni Drake na ikinagulat ko. Nakapamulsa ito habang nakatingin sa aming dinaraanan. "Matagal nabang ganito sa lugar na ito?" tanong ko sa kaniya habang iginagala ang tingin sa paligid. Gabi na pero marami paring tao ang nakakalat sa paligid. May iilang hindi makatingin sa lalaking kasama ko ngayon. Dahil siguro sa takot. "What do you mean?" naguguluhang taong nito kaya napatigil ito sa paglalakad. "Hmm kasi napapansin ko na madalas may kaguluhan at pagpatay dito sa lugar niyo." bulong ko sa kaniya. "Nagsimula lang naman lumaganap ang pagpatay sa lugar namin nang mamatay si papa or should I say pinatay at hanggang ngayon hindi parin namin natutunton ang pumatay sa kaniya." Pagkukwento nito habang nakatingin sa madilim na kalangitan pero hindi nakawala sa aking mga mata ang pagpatak ng kaniyang luha. "Sorry namiss ko lang kasi si papa." Nakangiting saad nito habang pinupunasan ang kaniyang luha. Mabilis ko naman itong tinapik sa kaniyang balikat. Kaya siguro nagkaganon mama niya kasi nangungulila parin ito sa kaniyang asawa pero mali parin ang pumatay ng mga inosenteng tao. Nalulungkot ako para sa kanila pero nalulungkot din ako sa mga naulila ng mga pinapatay nila. Hindi ko alam kung kailan magiging payapa ang lugar na ito pero isa lang ang nasisigurado ko. Na matagal pa ang panahon ang guguhulin ng taong magtatangkang palayain ang lugar na ito. "Tara na? Malamig na rito sa labas baka magkasakit ka."Pag-aaya niya sa akin kaya tumungo na kami sa bago naming kwarto. Hindi ko na inabalang igala ang aking paningin sa paligid dahil hinihila na ako ng kama dahil sa dami ng pinagdaanan ko buong maghapon. Gusto ko nalang humilata sa kama nang bigla nalang siyang may isinigaw. "Claire may multo!" Sigaw niya kaya napabangon ako sa kama habang hinahanap ang multo. Mabilis naman akong napatingin sa kaniya nang marinig ko ang pagpipigil nito ng tawa habang hinahampas nito ang katabi niyang lamesa. "Grabe ang epic ng mukha mo Claire! Sana napicturan kita." tatawa-tawang saad nito kaya agad ko siyang kinutusan. "Alam mo nakakainis kana talaga!" Sigaw ko habang napapapadyak. Mabilis naman itong napatitig sa aking labi kaya nagtalukbong na ako ng kumot. "Goodnight!" Nakangiting saad ko habang nakapikit pero mabilis niyang tinanggal ang kumot sa akin. "Wala bang Goodnight kiss diyan?" tanong nito habang nakangiti sa akin kaya hinalikan sa kaniyang labi pero nabitin ata siya kaya mabilis itong umibabaw sa akin. Mabilis namang kumalat ang init sa aking katawan habang nakatitig ako sa mga mata ni Drake. Gusto kong sumagap ng hangin dahil kinakapos na ako ng hininga pero patuloy parin nitong inaangkin ang aking mga labi habang patuloy na naglalaro ang dila nito sa aking bibig pero hinayaan ko nalang siya hanggang sa magsimula na namang lakbayin ng kaniyang kamay ang aking katawa. "Drake matulog na tayo." bulong ko sa kaniya nang maghiwalay ang aming mga labi. Mabilis naman itong ngumiti sa akin dahil muntik na naman siyang makaisa sa akin
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD