CHAPTER 10

1046 Words
Day 30           Buong gabi ay hindi mawala sa isipan niya and itsura ni Mrs. Crisanta ng mabanggit ang tungkol sa pagkamatay ni Elise. Ganon din ba ang mararamdaman ng mommy niya? Kitang kita niya ang sakit sa mga mata nito kahit na banggitin lang ang pangalan ni Elise at ayaw niyang magkaganon ang mommy niya.  Ayaw niyang masaktan ang mommy niya. France *************** " France nagdala ako ng fruits para sayo " napalingon siya sa direksyon ng pinto. Sumalubong sa kanya ang nakangiting mukha ni Tita Matilda. May dala dala itong isang tray na may lamang prutas at isang basong juice. " Thank you Tita Matilda " sinara niya ang diary niya at bumaling siya rito. Tumayo siya at kinuha rito ang tray na dala dala nito. " Your writing " Nilapag niya sa table niya ang tray. " Diary " maikling sambit niya. " France your mother talk to me sinabi niyang malapit na daw ang operation mo?" Ngumiti siya at tumango rito. " Ayaw mo pa rin bang sabihin sa kanya " " Tita Matilda alam ko pong nagaala kayo but I can't " Umupo siya sa upuan at humarap rito. Binigyan siya nito ng isang malungkot na ngiti pagkatapos ay inikot nito ang paningin sa paligid ng kwarto niya wariy may inaalala itong isang malungkot na pangyayari sa buhay nito. " Nothing change France " mayamaya ay sambit nito sa kanya. Huminto ang paningin nito sa picture nila ni Dave na nakasabit sa dingding ng kwarto niya. " Everything change Tita Matilda " Ngumiti ito ay humarap sa kanya. " Look at your room walang pinagbago, naalala ko pa ang araw na umiiyak si Dave at ayaw ipagalaw ang kwarto na ito, madalas siya rito, sa loob ng isang taon France dito binuhos ni Dave ang mga araw niya " ramdam niya ang lungkot sa boses ni Tita Matilda. " Pero nakabangon na po siya ayaw ko na pong guluhin si Dave hindi na po ako ang pinakamahalagang babae sa buhay niya at ayaw ko na rin po siyang masaktan at umasa dahil hindi ko po hawak ang buhay ko hindi ko po alam kung hanggang kaylan pa ko " ramdam niya ang bigat ng bawat salitang binibitawan niya. Huminga siya ng malalim para pigilan ang sariling emosyon. " Paano kung ang gusto lang no Dave ay alagaan ka, nasaktan sya ng mawala ka France at siguradong lalo siyang masasaktan kapag nawala ka nanaman, anak ko si Dave France kilala ko ang anak ko at sa nakalipas na taon alam ko kung sinong babae ang inaasam niyang makasama " Hindi na niya napigilan ang sariling luha, kusa nalang itong pumatak at ramdam na rin niya ang kakapusan ng hininga. Napahawak na siya sa sariling dibdib at pinipilit na habulin ang hangin na wariy pinagkakait sa kanya. " France " " T...Tita s..sa ba.bag " hirap na hirap na banggitin niya rito. Nagmamadali naman nitong kinuha ang tinuturo niya. Wala pang isang minuto ay inabot na nito sa kanya ang isang tablet ng gamot. Ito na mismo ang nagpainom sa kanya ay nagbigay ng tubig. " France ija ayos ka lang ba?" Nagaalalang tanong nito sa kanya. Hinahabol pa rin niya ang hininga niya at pinipilit na pakalmahin ang sarili. Kahit na anong sabihin niya sa sarili niya hindi pa rin niya magawang rendahan ang sariling emosyon. " A..yos na k..ko tita " Akmang tatayo siya ng lumapit uli ito sa kanya at inalalayan siya hanggang sa paghiga sa kama niya. " I'm sorry France " naiiyak na hinging paumanhin nito. " Ayos na po ako " mahinang sambit niya rito. Nagawa na niyang pakalmahin ang sarili at nakatulong rin sa kanya ang gamot na ininom niya. Nawala ang sakit sa dibdib niya. " France pagpasensyahan mo na ang tita mo nagaalala lang naman ako sa inyong dalawa " " Ayos na po tita gusto ko nalang pong magpahinga " Tumango naman ito at hinalikan muna siya nito sa noo bago nito lisanin ang silid niya. Napadako naman ang tingin niya sa picture na tinitignan ni Tita Matilda kanina. Kitang kita ito mula sa hinihigaan niya. Picture nila ni Dave iyon nuong 18th birthday niya. Nakasuot siya ng white na gown at nakasuot naman ng white na suit si Dave. Niloloko pa nga sila noon na baka kasalan daw ang magaganap sa halip na kaarawan. Pero iyon ang pinakamasayang birthday niya. Si Dave ang nagayos ng lahat simula sa lahat ng gusto niyang pagkain hanggang sa mga damit na susuutin niya. At lahat ng oras ng araw na iyon ay mahalaga para sa kanya. Kitang kita niya ang saya at pagmamahal sa mga mata ni Dave. Na ngayon alam niyang wala na because Dave stop loving her. Wala na ang pagmamahal sa mata nito. Walang wala na at hindi nya na mababalik ang bagay na iyon dahil ibang babae na ang inaasam nitong makasama. " Dave your happy right? " Mahinang bulong niya. Alam niyang oo ang sagot sa tanong niya. Masaya si Dave sa buhay nito ngayon at hindi na siya kabilang sa mga pangarap nito. " Dave for the second time susubukan kong sumugal uli and I hope after the operation I can see your eyes and smile again " dahil iyon lang ang hiling niya. Ang maging masaya si Dave at kuntento sa buhay nito. Day 30 Kinausap siya ni Tita Matilda at alam niyang gusto lamang nitong pumasok muli siya sa buhay ni Dave pero alam niyang hindi na siya ang kaylangan nito. Dave is not hers anymore. Pagaari na ito ng iba at isa nalang siyang bahagi ng nakaraan nito. Alam niyang natakot niya si Tita Matilda kanina pero hindi na niya kinaya. Masakit para sa kanya na marami siyang nasasaktan. Iniiwasan niyang masaktan si Dave pero ang dami na niyang sinasaktan. Hindi lang and mga magulang niya. Pati na rin si Tita Matilda at alam niyang nag-aalala rin sa kanya si Dr. Simon. Madalas niya itong nakikita noon na puno ng lungkot ang mga mata sa tuwing dumarating siya sa hospital and she know why dahil ang girlfriend nito noon ay namatay sa kaparehong sakit na meron siya at ayaw nitong mangyari sa kanya ang bagay na iyon pero hindi niya hawak ang buhay niya.. France
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD