Day 32
Matapos ang araw kahapon at hindi siya tinigilan ni Dave kakatanong kung ano ang pinagusapan nila ni Harold hindi talaga totoo kapag sinabi nitong hahayaan siya nito at hihintayin nalang siyang magkwento because Dave is Dave at ang pagiging seloso nito ang inuuna nito pero bakit ganon pa rin ito hangang ngayon bakit kinukukit pa rin siya nito. Why Dave? I want to ask him about his feelings for me but how? Takot akong sumbatan nya ko. Takot akong sabihin nya sa akin lahat ng katangahang ginawa ko. Takot akong magalit sakin si Dave .....
France
***********
" Tita Matilda " masayang tawag niya sa ina ni Dave. Busy itong nagaayos ng mga bulaklak sa sala.
" Why France gutom ka na ba?" Nagaalalang tanong nito sa kanya.
" Nasan po si Dave?" Tanong niya rito habang iniikot ang buong paningin sa sala.
Napadako naman ang tingin niya kay Triton na naglalaro sa sahig ng sala. Mag-isa lang ito habang napapalibutan ng maraming unan at laruan.
" Pupuntahan nya daw si Harold, do you remember him? Yung pasaway nyong kaybigan na gusto ko ng ipakulong dahil lagi kayong sinasama sa g**o " nanggigil na paalala nito sa kanya.
Napangiti nalang siya ng maalala niya kung paanong kulang nalang ay ipabugbog nito si Harold noon dahil sa kalokohan nitong naisip na gawin na ang ending nauwi silang lahat sa prisinto.
" That's one of a good memory for me Tita Matilda " masayang sambit nya pa rito.
Napabuntong hininga naman ito at nilapag ang vase na hawak nito sa lamesang naroroon. Humarap ito sa kanya at pagkatapos ay binalingan ng tingin ang batang naglalaro sa sahig ng sala.
" What if ituloy nyo ang naudlot noon France, walang asawa si Dave at walang ina si Triton pwede kang maging asawa at ina sa kanila " ramdam niya ang lungkot sa bawat salitang binitiwan ni Tita Matilda.
Naglakad siya palapit kay Triton at tumabi rito. Gumapang naman ang bata pakandong sa kanya.
Napangiti siya at hinalikan ang pisngi nito. Kung pwede lang gustong gusto niya dahil iyon ang pangarap niya.
Tumingala siya at tinitigan si Tita Matilda na nagpunas na ng luha habang nakatitig sa kanya.
" Bakit ang sakit France?" Umiiyak na sambit na nito.
Napangiti naman siya at pinipilit na pakalmahin ang sarili. Sa tagal na niyang kasama ang sakit na ito kaya na niyang kontrolin ang sariling emosyon.
" Gusto ko ring gawin yon Tita Matilda, gusto kong maging makasarili at magmakaawa kay Dave na balikan nya ko pero lagi akong sinasampal ng katotohanan, I can't stay with him forever dahil hindi ko po alam kung hanggang saan ang buhay ko "
Napatingala ito at pilit na pinapakalma ang sarili. Alam niyang nasasaktan ito sa nalaman nito dahil anak na rin ang turing nito sa kanya.
" France miracle can happen ay ilang beses na namin iyong napatunayan ng mommy mo have fate in him "
Ngumiti siya at tumango rito. Binuhat niya si Triton at naglakad palapit rito.
Kinuha niya ang kamay ng bata at hinaplos sa pisngi ng Lola nito.
" Don't cry granny " nakangiting sambit niya habang hinahaplos ang kamay ng bata sa pisngi nito.
" Dave is for you France "
" Hindi po tita dahil may choice si Dave kung sino ang gusto nyang makasama "
Ngumiti ito at kinuha sa kanya ang batang dala dala niya.
" Nang dumating ang batang ito tuwang tuwa ako France dahil nagbalik si Dave sa kung sino siya noon pero hindi ko na makita ang saya sa mga mata ng anak ko ibang iba si Dave ngayon France dahil ang Dave na kilala ko ay ang Dave na pag-aari mo "
Napangiti naman siya at napatingin sa paligid. Sinusubukan niyang kalmahin ang sarili niya dahil iyon ang kinakaylangan. Napahinto siya sa family picture ng buong pamilya.
Nakangiti si Dave habang buhat buhat ang anak nito. Tinitigan niya ang mga mata ni Dave kitang kita niya ang saya mula roon pero parang may kulang.
Bakit iba ang nakikita niya sa mga mata ngayon ni Dave? Bakit lahat ng tao sinasabing kaylangan siya ng binata pero iba ang nakikita niya.
Dave doesn't need her dahil nagawa na nitong mabuhay ng wala siya. Nakahanap ito ng babaeng mamahalin nito ng higit pa sa pagmamahal nito sa kanya.
" Tita iba ang nakikita ko Dave is happy at masaya siya sa asawa at anak na meron siya ngayon "
Lumingon siya kay Tita Matilda na nakatitig na rin sa family picture na tinitigan niya.
" Did you ask him? Pinakilala na ba niya sayo ang babaeng pinakasalan niya? Ask him France? "
Kunot noong binalingan niya ng tingin si Tita Matilda pagkatapos ay bumaba ang tingin niya sa batang nakangiting nakatingin din sa kanya.
" I don't have the courage to ask "
" Ask him France dahil ang babaeng iyon ang magiging sagot sa lahat ng katanungan mo but believe me France walang ibang minahal ang anak ko kagaya ng pagmamahal na binigay niya sayo "
Kitang kita niya ang muling pagpatak ng luha mula sa mga mata ni Tita Matilda.
" At ayaw ko man isipin paano kung hindi maging successful ang operation mo? Paano si Dave? Mababaliw ang anak ko France dahil ikaw ang lahat lahat para sa kanya so please makinig ka sa pakiusap ko tell him everything France at hayaan mo siyang samahan ka "
Napahinga siya ng malalim at napangiti rito. Gustong gusto niyang tanggapin ng buong puso ang sinasabi ni Tita Matilda pero hindi niya magawa paano kung hindi pala ganon ang nararamdaman ni Dave paano kung magalit ito sa kanya dahil naging makasarili siya. Ang pinakainiiwasan nya ngayon ay ang kamuhian siya ni Dave dahil kahit na kaybigan nalang ang matirang posisyon niya sa buhay nito ay tatanggapin niya.
Day 32
Umiyak si Tita Matilda sa harapan niya at nagmakaawa itong sabihin niya ang lahat kay Dave pero natatakot siya. Natatakot siyang malaman ang katotohanan na wala na talagang pagmamahal sa kanya ang binata. Natatakot siyang magalit ito sa kanya dahil sa kababawan ng tingin niya rito. Ang importante sa kanya ngayon na tinuturing siya ni Dave na kagaya ng dati kahit na magkaybigan na lang sila. Tatanggapin niya ang lahat at susulitin niya ang mga araw na kasama niya ito dahil hanggang sa huli hinding hindi niya pagsisihan ang naging disisyon niya.
France