Kabanata 7

2334 Words
MATAPOS ang kasal, tumuloy na ang mga ito sa airport. Wala sa plano ang honeymoon ng dalawa. Pero dahil iyon ang regalo ng grandparents ni Edward sa kanilang mag-asawa, napilitang magbakasyon na muna ang mga ito. Naiiling naman si Tarah na sumakay lang sa anak nito. Hindi pa malinaw sa kanya kung bakit nagpakasal ang dalawa nang biglaan. Pero sa maikling panahon na nakasama niya si Lalyn, masasabi nitong mabait ang dalaga at magaan ang loob niya dito. Kaya hindi na lamang siya umalma sa pagpapakasal ng dalawa. Habang nasa byahe patungong Japan, tahimik lang si Lalyn na nakamata sa labas ng bintana. Kahit sinabi ng kapatid niyang stable na ang ama nila, hindi pa rin ito mapalagay. Gusto sana niyang dumalaw sa probinsya para makita ang ama nitong nagpapalakas sa hospital. Pero nag-aalangan ito at nahihiya kay Edward kaya hindi na lamang siya umimik. Baka mamaya ay isipin nitong abusado siya. Kaya kahit gustong-gusto niyang dalawin ang pamilya, hindi na nito sinabi kay Edward. Maging ang pagpapakasal niya dito ay walang alam ang pamilya niya. Ayaw niyang maging dagdag alalahanin sa kanyang mga magulang. Kaya kahit nahihirapan siya dito sa Manila sa pagtatrabaho at tipid sa sarili, hindi nito pinapaalam ang kalagayan sa pamilya niya. Sa tuwing kausap niya ang mga ito sa cellphone, palagi nitong sinasabi na maayos siya at maraming kaibigan dito sa syudad kahit wala naman talaga. Iniiwasan nitong mapabarkada para makaiwas din sa mga gastos. Palaging ang masasayang ganap lang sa buhay niya ang ikinukwento niya sa pamilya. Kahit halos araw-araw na siyang mag-ulam ng instant noodles at itlog dito sa Manila ay tinitiis nito. Para makatipid at mas malaki-laki ang maipadala sa pamilya niya. Ngayong nagtrabaho siya kay Tarah ay mas nakaluwag-luwag ito. Dahil libre ang lahat sa kanya. Pagkain, tirahan, kuryente at tubig. Pero ngayong mag-asawa na sila ni Edward at lilipat na siya sa poder nito, mas malaki-laki ang maipapadala niya. Dahil bukod sa wala na itong ibang iintindihin, sigurado na rin ang buwanang padala nito sa pamilya. Napababa ito ng tingin sa kamay kung saan nakasuot ang wedding ring nito. Kahit simple lang ang disenyo no'n ay kitang mamahalin at tunay ang diamante nito. Napahaplos ito sa kanyang singsing na namuo ang luha. "Kasal na ako." Usal nito na mapait na napangiti. "Tunay 'yan, Lalyn. Subukan mong ibenta o isangla sa pawnshop. Sisingilin ko 'yan sa'yo. Ingatan mo 'yan dahil babawiin ko rin 'yan sa'yo pagdating ng araw. Kahit ibenta mo pa ang dalawang kidney at ibang organs mo. . . hindi mo 'yan mababayaran ng buo." Pabulong pagbabanta ni Edward ditong napaismid. "E 'di kunin mo na lang. Hindi ko naman hiningi sa'yo na mamahaling singsing ang ibigay mo sa akin," ingos ni Lalyn na naiinis dito at tila pinapamukha na naman kasi nito kung gaano siya kaliit. "Galit agad? Pinapaalalahan lang kita para alam mo kung magkano ang suot mong singsing. Kaya ingatan mo iyan. Dahil mas mahal pa 'yan. . . sa buhay mo." Sagot ni Edward ditong napaikot ng mga mata sa inis. Napaismid itong humalukipkip na bumaling na lamang sa bintana. Hindi tuloy siya makadama ng excitement at saya kahit papunta sila sa Japan para magbakasyon. Mas gugustuhin pa niyang sa probinsya nila ito umuwi para makasama ang pamilya lalo na ang ama nitong nasa hospital. Pero wala naman siyang karapatang umangal at mas kailangan niya ni Edward kaysa kailangan siya nito. Ilang minutong natahimik ang dalawa. Hanggang sa makadama ng inip at antok si Lalyn. Sumandal ito sa upuan nito na ipinikit na ang mga mata at nagpatangay sa antok. Mas gugustuhin na lamang niyang matulog kaysa makipag bangayan kay Edward na hindi rin naman nagpapatalo sa kanya. Mahinang natawa at iling si Edward na tuluyang nakaidlip si Lalyn. Bahagyang nakaawang pa ang mga labi nito na mahinang humihilik. Ngayong nahihimbing na ito, saka lang niya malayang napagmamasdan ang dalaga. Kung gaano ito kaganda at kinis sa mukha sa malapitan. "Damn. She's my wife." Usal nito na hindi makapaniwalang may asawa na siya. Hindi niya alam pero. . . may konting kilig itong nadarama habang nakatitig kay Lalyn na nahihimbing at naiisip na asawa na niya ang dalaga. Wala sa sariling napaangat ito ng kamay na marahang hinaplos sa pisngi ang dalaga. Alam naman niyang hindi sila magkasundo. Na hindi siya type ni Lalyn. Kaya ito ang kinuhang maging contract wife niya dahil nakatitiyak siyang hindi mahuhulog sa kanya ang dalaga at gano'n din siya. Madali na lamang niyang mapalusutan ang lolo niya kapag inabot na sila ng ilang buwan ni Lalyn pero hindi niya pa ito nabubuntis. Pwede niyang idahilan na walang kakayanang magbuntis o kaya ay nahihirapan itong mabuntis kaya wala silang mabuo-buo. Kahit na ang totoo ay wala itong planong anakan ang napangasawa. "Damn, Edward." Kastigo nito sa sarili. Pero kahit anong awat nito sa sarili ay namalayan na lamang nitong maingat niyang sinisipsip ang mga labi ni Lalyn habang nahihimbing ang asawa! Napapaungol pa ito na nanggigigil kagatin at palalimin ang pang-aangkin sa mga labi nito. Pero dahil tulog ito ay pinipigilan nito ang sariling maghangad ng higit! "Uhmm." "Fvck!" Napatuwid ng upo si Edward na napamura nang hindi niya napigilang marahang kagatin ang ibabang labi ni Lalyn na mahinang napaungol! Parang lulukso palabas ng ribcage nito ang puso sa lakas ng kabog na nagtutulug-tulugan dahil tuluyang nagising si Lalyn na dama niyang tila may humahalik sa kanya kanina! Napahaplos pa ito sa labi na dama niyang namasa iyon. Napalingon ito sa katabi na nagsalubong ang mga kilay. Nahihimbing din kasi si Edward at imposibleng ito ang magnanakaw sa kanya ng halik! "Panaginip lang ba iyon?" piping usal nito na napapilig ng ulo. "Imposible namang halikan niya ako." Dagdag pa nito. Napabuga ito ng hangin na umayos ng upo at muling natulog na lamang. Napangisi naman si Edward na ilang minuto lang ay nakaidlip na ulit ang asawa niya. Pasimple itong sumandal sa balikat ni Lalyn at napangiting tagumpay na hindi umangal ang asawa bagkus ay napasandal din sa kanya! PAGDATING nila sa airport, parang batang hinahabol ni Lalyn si Edward. Siya kasi ang may dala sa luggage nila habang ang magaling niyang asawa? Hayon at parang modelong rumarampa ng broadway. Naiinis ito dahil malalaki ang hakbang ni Edward at hindi manlang dinala ang luggage nila. Mataas pa naman ang takong ng sandal nito kaya para siyang matatapilok habang mabilis na naglalakad at hinahabol ang asawa. "What took you so long?" iritadong tanong nito pagkasakay ni Lalyn sa kotseng sumundo sa kanila dito sa airport. Sinamaan niya ng tingin si Edward na napataas kilay sa dalaga. "E kung binitbit mo kaya 'yong luggage nating kay bigat? E 'di sana hindi ako nahirapan. Isa pa, mataas ang sandal ko. Hindi ka manlang naawa sa akin e ang bigat ng dalawang luggage natin. Ngayon magtatanong ka kung bakit ang tagal ko? Bwisit ka," inis na sagot ni Lalyn ditong napakurap-kurap. "Teka nga--minura mo ba ako?" paninita ni Edward ditong napalapat ng labi na nag-init ang mukha. "Sorry po, sir. Hindi ko sinasadya. Uminit lang ang ulo ko," paumanhin nito na marealize ang nasabi. Kahit asawa na niya si Edward, wala pa rin siya sa lugar para murahin ito. Pwede siyang mainis dito at isumpa sa isipan. Pero ang murahin ito at bastusin ay kalabisan na. Dahil kung tutuusin, amo niya pa rin ito at siya ang tinutulungan ni Edward sa financial problem nito. "Tsk. Let me just remind you, Lalyn. You are nothing to me. Hwag mo akong sinusungitan dahil ikaw ang may kailangan sa akin. You needed me. . . more than I needed you. Keep that on your pretty head, honey." Nakangising saad nito na ikinabusangot ng dalaga. Walang imikan ang dalawa na dumating sa hotel kung saan sila naka-booked. Hindi na rin umapila si Lalyn na siya ulit ang nagdala sa mga luggage nila pagdating sa hotel. Hanggang sa pag-aayos ng mga gamit nila sa closet ay ito ang gumawa. Nauna namang naligo si Edward na basta na lang ikinalat sa sahig ang mga maruming damit nito. Naiiling namang isa-isang pinulot ni Lalyn ang mga gamit nito na isinilid sa laundry basket. Kahit sa banyo ay nagkalat ang mga ginamit nitong towel, shaver, shampoo at body wash. Napabuntong hininga ito ng malalim na mabilis naligo at nanlalagkit na ang katawan nito. Paglabas nito ng silid, wala na si Edward. "Saan na naman kaya siya nagpunta? Gutom na ako e. Bwisit siya," bubulong-bulong ismid nito na nagbihis ng pagtulog at naglagay ng moisturizer sa katawan. Matapos nitong matuyo ang buhok, lumabas na muna ito ng balcony na napagala ng paningin sa paligid. Tanaw mula sa kinaroroonan nito ang Tokyo tower na isa ring dinarayo dito sa Japan. Mabuti na lang at nagkataon na kapanahunan ng mga cherry blossom kaya napakagandang pagmasdan ang mga puno ng cherry blossom sa paligid na napupuno ng bulaklak. Napayakap ito sa sarili na umihip ang malamig na simoy ng hangin. Ang sarap damhin ng malamig na klima dito lalo na't napakagandang pagmasdan ng mga cherry blossom. Halos isang oras din itong tumambay sa balcony bago bumalik sa silid nila. Napabusangot na lamang ito na wala pa si Edward. Pasado alasnueve na rin kasi ng gabi at kumakalam na ang sikmura nito sa gutom. Hindi naman siya makalabas ng hotel para bumili ng makakain. Dahil bukod sa natatakot itong maligaw siya, wala itong dalang pera. Hindi naman nag-iwan ng pera si Edward na magagamit niya kaya nagpasya na lamang itong matulog kahit kumakalam ang sikmura. SAMANTALA, nakaliktaan ni Edward na naiwan niya sa hotel si Lalyn. Lumabas ito kanina para sana bumili ng makakain nila. Aksidente kasing nagkita sila ng kaibigan nitong si Audrey, ang ex girlfriend ng best friend nitong si Russel Smith. Napasarap ang kwentuhan ng dalawa na kumain sa malapit na restaurant at tumuloy sa bar! "Kailan mo balak bumalik ng bansa niya'n?" tanong ni Edward habang magkatabi silang umiinom ng beer at pinapanood sa gawi nila ang mga sumasayaw sa dance floor. "Wala pa sa plano e." Sagot ng dalaga dito. "You mean. . . wala ka pang planong balikan si Russel, hmm?" tudyo nitong ikinaubo ng dalaga na napailing. "Bakit ko naman babalikan ang mokong at babaerong 'yon? Masaya na ako sa buhay ko kahit wala siya, Edward." Ismid nitong sagot. Hatinggabi na nang lumabas ang dalawa ng bar. Isang kilalang model si Audrey. Mabait naman ang dalaga. Sadyang maloko lang si Russel kaya sila nagkahiwalay. Naaktuhan lang naman ng dalaga ang nobyo nito na may ibang babaeng binabayo sa araw mismo ng anniversary nila. Kaya nakaliktaan nito ang araw na iyon dahil abala ito sa ibang babae. Kaya naman sa araw ding iyon, hiniwalayan siya ni Audrey at umalis na ito ng bansa. "Ms Audrey, siya po ba ang bagong kasintahan niyo ngayon!?" Nagulat ang mga ito na sa paglabas nila ng bar, marami na palang reporter ang nag-aabang sa kanila. Kaliwa't kanan ang kislap ng mga camera na kinukunan sila ng photos at videos! "Fvck!" Napamura na lamang si Edward na hinawakan ito sa kamay at hinila patungo sa kotse. Kinukubli naman ng dalaga ang mukha sa mga itong sinusundan sila na pilit ini-interview. Mabilis kumalat sa internet ang mga kuha sa dalawa na magkasamang lumabas ng bar at ang usap-usapan, bagong magkarelasyon ang dalawa! Dahil sa nangyari, tuluyang nawala sa isipan ni Edward si Lalyn na walang kasama sa hotel room nila. Inihatid kasi nito si Audrey sa tinutuluyan nitong unit at doon na rin nagpalipas ng gabi. Mataas na ang sikat ng araw nang magising si Lalyn na kumakalam ang sikmura. Nanghihina ito lalo na't kagabi pa siya walang kain. Napalinga ito sa paligid at nanlumo na makitang wala si Edward sa silid. Ibig sabihin, magdamag itong hindi umuwi kagabi. Nanghihina itong nagtungo sa banyo na naghilamos at sepilyo. Sobrang gutom na gutom na ito at nanlalata ang itsura. "Ang sama mo talaga. Sana manlang nag-iwan ka ng magagamit kong pera pambili ng pagkain ko," nagngingitngit ang mga ngiping bulong nito na iniisip si Edward. Nabuhayan ito ng loob nang may mag-doorbell sa pintuan. Kahit galit ito ay pinagbuksan niya ito sa pag-aakalang si Edward ang dumating. "Umuwi ka pa--" Natigilan ito sa akmang pagtatalak na ibang lalake ang nasa tapat ng pintuan nila. Nangunotnoo ito na makilala ang binatang salubong ang mga kilay na bakas ang galit sa mga mata! "Where's your husband?" madiing tanong nito na basta na lang pumasok sa silid! "Hindi ko po alam, sir. Pagdating namin dito naligo lang siya, nagbihis at iniwan ako basta. Nakakainis nga ang kaibigan mong 'yon e. Alam mo ba? Ni hindi siya nag-iwan ng pera para may pangkain manlang ako. Alam niyang wala akong ibang dala na nagpunta dito. Kagabi pa ako gutom na gutom pero tirik na ang araw, wala pa rin siya!" inis na pagtatalak ni Lalyn. Natigilan naman si Russel na nangunotnoong nilingon itong napalapat ng labi. "What? Basta ka na lang iniwan dito at magdamag siyang wala?" pangungumpirmang tanong nito na ikinatango-tango ni Lalyn. "Gan'on na nga po, sir." Sagot nito na mas mababa na ang boses. "Damn that jerk. Malamang hindi ka niya naaalala. . . dahil nagpapakasasa siya sa piling ng ibang babae. Bakit ka pa niya pinakasalan kung may karelasyon naman na pala siya? Ano 'to, matagal na silang may relasyon at niloloko ako?" nagngingitngit ang mga ngiping saad nito na ikinakunot ng noo ni Lalyn na mapatitig dito. "A-anong ibig mong sabihin, sir? Hindi ko yata kayo maintindihan," naguguluhang tanong nito. Nag-igting ang panga ni Russel na napahawi sa buhok. Napabuntong hininga ito ng malalim na lumamlam ang mga matang bumaling kay Lalyn. "I'm sorry, Lalyn. Pero tingin ko ay kailangan mo ring malaman." Seryosong saad nito na ikinalunok ni Lalyn. "Kagabi kumalat sa internet ang mga kuha ng dating girlfriend ko at si Edward na magkasama mula sa isang bar. Kaya siguro hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik ang magaling mong asawa. Dahil nage-enjoy pa siya. . . sa dating nobya ko." Wika nitong ikinanigas ni Lalyn na namutla sa narinig! "A-ano?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD