Kabanata 5

2115 Words
NANGANGATOG ang mga tuhod ni Lalyn na napabitaw ditong halos maubusan na ng hangin sa baga sa lalim at tagal ng halik ni Edward dito! Napangisi namang napapisil si Edward sa baba nito na bahagyang yumuko at pinaglapat ang kanilang noo. "Sampalin mo ulit ako. Hindi lang iyan ang aabutin mo sa akin, Lalyn. And one more thing. Stay away. . . from my friend." Madiing pagbabanta nito sa dalaga bago binitawan na lumabas na ng kitchen. Napahawak si Lalyn sa tapat ng dibdib na damang-dama ang lakas ng kabog ng dibdib nito! Hindi pa nga siya nakakabawi sa mapusok na panghahalik nito sa kanya, pero heto at may pabanta pa siyang nalalaman. "Ano bang problema niya sa akin? Ako ba ang lumalapit sa kaibigan niya? Bakit hindi ang kaibigan niya ang pagsabihan niya?" inis na bulong nito na nakasunod ng tingin sa binatang lumabas na. Napapahid ito ng palad sa labi na dama pa nitong namamasa ang kanyang mga labi. Maghapong naging abala si Lalyn sa kitchen at kabilang ang gawa nito sa mga hinahanap ng costumers nila at laging sold out. Halos wala na itong pahinga sa maghapon. Maaga pa lang ay nagbi-bake na ito hanggang gabi. Kaya naman kahit baguhan pa lang ito sa bakeshop ni Tarah, tinaasan na ni Tarah ang sweldo nito at nakikita naman niyang nagsusumikap ang dalaga. Hindi na rin niya pinaalis sa shop ang dalaga. Kaysa mamroblema pa ito ng matutuluyan, sa shop na siya pinatuloy ni Tarah. Kaya kahit pagod ito sa maghapon na pagbi-bake, hindi ito nagrereklamo. Kinagabihan, hindi makatulog si Lalyn na may bumabagabag sa loob niya. Bigla itong kinakabahan sa hindi malamang dahilan. Palakad-lakad ito sa loob ng silid. Maya-maya ay hihiga ito pero kahit anong posisyon ang gawin sa kama ay hindi siya dalawin ng antok. Bumangon ito ng kama na inabot ang cellphone sa bedside table nang mag-ring iyon. Napalunok ito na binalot ng kakaibang takot at kaba ang dibdib na mabasang ang nakababatang kapatid nito ang tumatawag. "Hello, Lando?" bungad nito. "Ate! Mabuti naman sumagot ka!" bulalas ng binata mula sa kabilang linya na tila balisa at natataranta! Natigilan si Lalyn na parang binuhusan ng nagyeyelong tubig sa narinig! "B-bakit, anong problema, Lando?" kabadong tanong nito na napapalapat ng labi. Pigil ang paghinga nito na hinihintay ang sagot ng nakababatang kapatid. Dinig nitong maingay sa paligid ng binata at mukhang. . . nasa hospital ito! "A-ate, may pera ka pa ba d'yan? Isinugod namin ni nanay si tatay dito sa hospital e. Inatake kasi si tatay dahil sa nangyaring gulo kanina sa bahay." Pakiusap nito na halatang umiiyak. "A-ano?" halos pabulong anas ni Lalyn na sunod-sunod tumulo ang butil-butil nitong luha. Nanghihina itong napaupo sa gilid ng kama na sapo ang noo at hindi mapigilang mapahagulhol. "K-kumusta ang tatay? Ano bang nangyari d'yan?" humihikbing tanong nito sa kapatid na dinig niyang umiiyak din sa kabilang linya. "Nasa ICU siya, ate. Hindi pa stable ang lagay niya. Pilit kasi kaming pinapaalis ni mang Hector sa bahay kanina. Dahil lumagpas na ang anim na buwan nilang palugit sa atin para mabayaran ang pagkakasangla ng bahay natin sa kanila. Sinira nila ang ilang gamit sa bahay kaya nagalit si tatay at 'yon na nga. Inatake sa puso si tatay." Pagkukwento ng kapatid nitong ikinahagulhol nitong napayuko. "Diyos ko po. Saan ako kukuha ng pera ngayon? Wala pa akong sweldo at sa alam ko ay nagbakasyon ang amo ko," humihikbing saad ni Lalyn na hindi malaman ang gagawin. "Ate, kailangan kasi namin ng pera. Alam mo namang wala kaming ibang makukunan dito. Nakasangla na ang titulo ng bahay at sakahan natin. Wala naman kaming mahihiraman dito ng pera. Ikaw na lang ang pag-asa namin, Ate. Tulungan mo naman kami." Humihikbing pakiusap ng nakababatang kapatid nito. "Sige. Gagawan ko ng paraan. Tatawag ako kapag may nadiskita na akong pera ha? Ikaw na muna ang bahala sa mga magulang natin, bunso. Alalayan mo si nanay. Tiyak na nag-aalala na rin siya kay tatay." Wika ng dalaga dito bago ibinaba ang linya. Napasabunot ito sa ulo na hindi malaman ang gagawin. Wala naman itong ibang kakilala dito sa syudad na mahihiraman niya ng pera lalo na't malaki ang kakailanganin niya. Tanging si Tarah na amo nito ang maaasahan nitong makatulong sa kanya. Akmang palabas ito ng silid nang dumating si Edward na kitang nakainom. Nagpahid ito ng mukha na nilapitan ang binata kahit salubong ang mga kilay nitong nakatitig dito. "Uhm, sir Edward. Pwede ko bang makuha ang cellphone number ni ma'am Tarah? Importante lang po," pakiusap nito na lalong ikinasalubong ng mga kilay ni Edward. "Why would I?" sarkastikong sagot naman nito. Napalapat ng labi si Lalyn na namumuo ang luhang nakatingala sa binata. Para na itong matatakasan ng bait sa nalamang malubha ang lagay ng kanyang ama at hinaharash na sila ng pinagkakautangan nila sa probinsya! "Sir, nagmamakaawa ako. Kailangan kong makausap ang mommy mo. Importante po ito, nakikiusap ako." Pagmamakaawa nito na sunod-sunod tumulo ang luha. "Hwag mo akong artehan, Lalyn. Nasa bakasyon si mommy at dalawang linggo sila doon. Hindi ko iistorbohin ang mommy ko para sa'yo," masungit nitong turan na balewala kahit umiiyak na ang dalaga sa harapan niya. "Kung gano'n sa'yo na lang ako hihingi ng tulong, sir. Kakapalan ko na ang mukha ko. Pwede po bang pautangin mo ako? Babayaran ko po kayo. Kailangang kailangan ko lang po kasing magpadala ngayon sa pamilya ko." Desperadang pakiusap nito. "What the heck!? Bakit naman kita pahihiraman ng pera? Sinasabi ko na nga ba. May hidden agenda ka sa bait-baitan mo kay mommy at pagsisipag dito. Para perahan siya. Gan'to din ba ang ginawa mo sa mga naunang amo mo, hmm? Siguro totoo ang paratang sa'yo ng dati mong amo noh? Na tinangayan mo sila ng kita sa store at ngayon ay tinataguan mo sila," pang-uuyam nito. "Nasa hospital ang ama ko, sir. Wala na akong pakialam kung anong tingin mo sa akin. Ang mahalaga sa akin ngayon ay makapadala ng pera sa pamilya ko dahil nasa panganib ang buhay ng ama ko. Kung ayaw mong ibigay ang number ni ma'am Tarah at ayaw mo rin akong tulungan? Pwede bang si sir Russel na lang? Ibigay mo lang ang cellphone number niya. Ako nang bahalang makausap sa kanya. Oras ang kalaban ko, sir. Wala akong panahong makipagtalo sa'yo o ipaliwanag ang sarili ko," pakiusap nito na kulang na lang ay lumuhod na sa harapan ni Edward. Napangisi naman si Edward na walang emosyon ang mga matang nakatitig sa dalaga. "Ito ba ang plano mo kaya ka pumasok dito, hmm? Hindi pa ba sapat sa'yo na tinaasan kaagad ni mommy ang sahod mo at pinatira ka niya dito sa shop? This is all your plan, right? Kukunin mo ang loob ng mommy ko saka mo dadramahan para mahiraman siya ng pera. Ngayon naman pati kaibigan ko i-scam-in mo? Pagkatapos mo kaming makuhanan ng pera, anong kasunod, hmm? Maglalaho ka na parang bula? Luma na 'yan, Lalyn. Gamit na gamit na 'yan ng mga scammer katulad mo." Pang-uuyam nito na ikinahikbi ng dalagang dahan-dahang lumuhod sa harapan nito! "Hindi ako masamang tao, sir. Ni minsan ay hindi ako nagnakaw o lamang sa kapwa. Nakikiusap ako, kayo na lang ang pag-asa ko para madugtungan pa ang buhay ng ama ko. Kahit magpadala ka ng tao sa hospital sa amin at icheck nila ang pangalang Danilo Hermosa. Nasa ICU siya ngayon at nanganganib ang buhay niya. Pakiusap, sir. Maawa ka naman sa akin. Pagbubutihan ko pa po ang trabaho ko dito. Babayaran ko ang ipapautang mo sa akin. Tulungan mo lang ako," pagmamakaawa nito sa binata. "No." Matatag nitong sagot na ikinahagulhol ni Lalyn. "Sir, kahit ano gagawin ko. Kahit habang buhay na akong walang sahod dito at manilbihan sa inyo. Tulungan niyo lang po ako. Pakiusap po, kailangan ng ama ko ng tulong. Nakahanda po akong gawin lahat ng iuutos niyo tulungan niyo lang ako," umiiyak nitong pagmamakaawa na nanatiling nakaluhod sa harapan ng binata. Napakuyom ng kamao si Edward na kita nitong nagsasabi ng totoo ang dalaga. Kahit naiinis siya dito sa hindi niya malamang dahilan, may puso pa rin naman ito at naaawa sa dalaga na handang lumuhod at magmakaawa sa ibang tao tulungan lang sila. "Kahit ano? Sigurado ka?" makahulugang tanong nito na ikinatango-tango ni Lalyn. "Opo, sir! Kahit anong kapalit, tulungan mo lang ang ama ko," agarang sagot nito na bakas ang tuwa at pag-asa sa kanyang mga mata. "Siguraduhin mong nagsasabi ka ng totoo. Dahil sa oras na niloloko mo lang ako? Ako na mismo ang kakaladkad sa'yo at magsisilid sa'yo sa kulungan," pagbabanta nito na iniwan ang dalaga at may tinawagan sa labas. Napahagulhol si Lalyn na napayuko. Kahit paano ay naibsan ang bigat at kaba sa dibdib nito na tutulungan din siya ni Edward! Wala na itong pakialam kung anong hihinging kapalit ni Edward sa pagtulong sa kanya. Ang mahalaga ay may pera na itong maipapadala sa pamilya niya para sa kanyang ama! Matapos matawagan ni Edward ang private investigator nila at ipinaalam nito sa binata na nagsasabi ng totoo ang dalaga, pumasok na ito ng shop. Naabutan naman nito si Lalyn na naghihintay sa kanya na mugtong-mugto na ang mga mata kakaiyak. Marahil ay kanina pa ito umiiyak at hindi malaman kung saan uutang ng pera. Kaya gan'on na lang ang pakiusap nito na makahiram ng pera. Napabuntong hininga ng malalim si Edward na napakamot sa kilay. Kung pera lang naman, wala namang problema sa kanya. May pera siya na maaaring ipahiram sa dalaga. Pero sa laki ng kakailanganin nitong halaga? Paano siya makakabayad kung maliit lang naman ang sahod nito sa shop? Aabutin pa ng taon bago siya makabayad sa kanya. Napangisi ito na may sumagi sa isipan. Actually, uminom ito ngayon kasi tumawag ang lolo niya at kinukulit na naman siya sa pag-aasawa nito. Isang linggo na lang at tapos na ang palugit nitong ibinigay ng matanda. At kapag hindi siya nagpakasal sa loob ng isang linggo? Tiyak na gagawa na ng action ang matanda para maalis siya sa ranggo niya. Nilapitan nito ang dalagang nakatayo sa gilid na nakamata sa kanya. "Follow me." Walang emosyong saad nito na pumasok sa opisina ng kanyang ina. Sumunod naman si Lalyn dito. Wala na itong pakialam kung anong hihinging kapalit ni Edward sa halagang ipapahiram niya sa kanya. Ang mahalaga na lang dito ngayon ay ang makaligtas ang ama nito at makabayad sila sa hospital. Naupo si Edward sa swivel chair ng kanyang ina na sinenyasang umupo si Lalyn sa harapan niya. Sumunod naman ang dalaga sa takot na magbago ang isipan nito lalo na't mainitin ang ulo nito. "Fine. Let's say you're not lying to me this time. Pero. . . ano namang maibibigay mong kapalit ng pagtulong ko sa'yo? Wala kang pera na maipambabayad sa akin. Hindi rin biro ang perang kakailanganin mo sa pagpapagamot sa ama mo. Kung ang sweldo mo lang dito sa shop ang aasahan mo para makabayad sa akin? Aabutin ka pa ng mahigit isang taon para makaipon ng pambayad. Hindi gano'n kahaba ang pasensiya ko, Lalyn." Seryosong saad ni Edward dito na hindi kaagad nakaimik. "You said. . . you're willing to do everything for me, right?" tanong pa nito. Napalunok si Lalyn na nahihirapang tumango. Mahirap nang magbago ang isip ng binata at hindi na siya tulungan! "O-opo, sir." Sagot nito. "Lahat?" makahulugang tanong nito. "Opo." Napanguso naman si Edward na matiim na nakatitig dito at pinag-iisipan kung ito ba ang aalukin niyang magpanggap na asawa. . . o hahanap ng ibang babae. Kung panlabas na itsura, napakaganda naman ng dalaga kahit hindi ito nag-aayos. Hindi niya lang sigurado kung balingkinitan ang katawan nito dahil palaging maluwag ang suot nitong shirt. Pero kung hinaharap lang naman at pang-upo nito ay may ibubuga ang dalaga. At kitang natural ang lahat dito. Hindi katulad sa mga sikat na models, beauty queen at iba pang anak mayaman na naghahabol dito na nagparetoke sa mukha at katawan. Napabuntong hininga ito ng malalim na napahilamos ng palad sa mukha. Pagod ang mga matang tumitig sa dalaga. "I'll pay you one million pesos. Be. . . my contract wife." Wika ni Edward ditong napaawang ang labi na bakas ang kalituhan sa mukha. "P-po?" "Bobo ka ba? Ang sabi ko, babayaran kita ng isang milyong piso. Kapalit no'n. . . maging contract wife kita. Magpanggap kang asawa ko." Madiing saad ni Edward na bakas ang iritasyon sa mukha at tono. "Hanggang kailan naman po, sir?" kabadong tanong ni Lalyn dito na nag-igting ang panga. "Hangga't gusto ko." "Pero-- " "Kung ayaw mo, e 'di hwag. Iba na lang ang kukunin kong magpanggap na asawa--" "Pumapayag na po ako, sir! Ako na lang. Ako na lang po!" "Good."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD