Hi Future self,
Kumusta ka?...
Ako? Hindi ko alam kung masaya ba ako sa buhay na mayroon tayo o hindi e. Basta ang alam ko okay naman ako kahit sobra na akong nasasaktan.
Hindi ako pwedeng magalit sa nanakit sa akin kaya nandito ako sa loob ng c.r. umiiyak nang tahimik. Bawal kasi marinig ng iba ang pag-iyak mo, alam mo yan.
Kung sakaling mabasa mo ito dapat sanay ka nang masaktan a?
Nakarinig na naman kasi ako ng mga masasakit na salita mula sa mahal nating mga magulang e. Hindi na tuloy ako naniniwala sa sinasabi ng iba na 'walang magulang ang hindi kayang saktan ang kanilang anak'. Oo, sabihin na nating hindi nga nila ako sinasaktan physically pero emotionally? Wagas na wagas ang pandudurog na ginagawa nila e.
Alam ko ang pagkakamali ko, hindi ko kasi namalayang nadukutan na pala ako ng pitaka no'ng pauwi na ako galing sa eskwelahan. Malay ko bang mangyayari iyon sa tanghaling tapat. Naglalaman kasi ng limang daang piso na-allowance ko para sa dalawang linggo at ilang piraso ng one dollar na galing kay tita na galing sa ibang bansa. Wala naman kaso sa akin na sermunan nila ako ng malala o ipamukha nila na napaka-burara at pababaya akong tao pero ang hindi kinaya ng damdamin ko ay ang murang natanggap ko mula kay papa at pagsasampal muli ni mama sa akin nang lahat na kamaliang nagawa ko no'ng bata pa ako.
Gano'n ba talaga? Kailangan mong pang balikan lahat ng pagkakamaling nagawa ng isang tao at isusumbat mo muli ito sa kanya.
Napaka-layo nang ipinapakita nila mama at papa kapag nakaharap sa ibang tao at kapag ako na ang nakaharap nila. Minsan napaka-buti nila sa akin pero madalas halos i-tattoo na nila ang salitang 'tanga-tanga' sa noo ko. Halimbawa na lang kapag may bisita sa bahay tapos makikita ang mga certificate of achievement at medals ko na naka-display sa sala, halos gawin nila akong dyosa sa kung anu-anong papuri ang naririnig kong sinasabi nila sa bisita. Pero kapag walang bisita o ibang taong nakakakita sa amin tapos nakagawa ako ng simpleng pagkakamali, kulang na lang sahihin nilang anak ako ng kapit-bahay kaya di nila ako mahal.
Hindi ko alam kung kanino ako kakapit at kukuha ng lakas para magpatuloy pa.
Kung sakaling kayanin ko ang sakit na ito ngayon dapat mas kayanin mo future self a.
***
"Charlotte! Ala-syete na. Gumising ka na, maglalaba ka pa!" panggigising sa akin ni mama.
Kung inaakala niyong napaka-maalalahanin ng nanay ko, nagkakamali kayo. Siguro no'ng first day of school nagsabi siyang ihahatid ako sa labasan, pero alam kong labas lang iyon sa ilong niya.
Simula grade three ako, natuto na akong asikasuhin ang sarili ko bago pumasok kasi lagi na lang akong pinagsasabihan ni mama na, 'alam mo no'ng kaedad mo kami, maaga kaming nagigising para asikasuhin ang mga sarili namin. Hindi na kami umaasa sa mga magulang namin.' kaya simula no'n natuto na akong hindi aasa sa kanila pagdating sa pag-aasikaso sa akin. Natatandaan ko nga no'n na madalas akong naiinggit sa mga kaklase ko kasi hinahatid sila ng mga magulang nila tapos ginagawan sila ng baon, ako kasi nagigising na may pera na sa lamesa pambili ng almusal at baon ko na dalawang biscuit at isang zesto pack tapos may service akong padyak kung tawagin na taga-hatid ko sa school.
Tumayo na ako mula sa pagkakahiga pero parang mali ata ang bangong ginawa ko. Bigla kasing umikot ang paningin ko. Tae! Hindi pwede to! Katakot-takot na sermunan na naman ang mangyayari kapag nalaman ni mama na masama ang pakiramdam ko.
"Oh? Bakit ganyan na naman ang itsura mo? Umayos ka nga! Para kang pagod na pagod e wala ka namang ibang ginawa kundi ang kumain, mag-aral at matulog. Alam mo no'ng kabataan namin kapag sabado maaga kami gigising para maglaba at maglinis ng bahay. Hindi ko man lang makita sa inyo 'yun " see? Ganyan lagi ang mukhang bibig ni mama.
"No'ng panahon niyo 'yun, iba na ngayon tsaka marami kayo nila tito at tita kaya malamang maraming gawain si lola." sabi ko sa isipan ko.
Hindi na lang ako umimik, alam ko kasi na sa kultura natin kapag sumagot ka sa magulang mo ay wala kang modo na bata kahit pa nasa tama pa ang isasagot mo.
Nahihilo na talaga ako. Mukhang malapit na naman akong datnan ng dalaw. Ganito kasi ang nangyayari sa akin sa tuwing malapit ang dalaw. Lagi akong nahihilo tapos kapag may dalaw naman dysmenorrhea ang nararanasan ko.
"Ano na Charlotte? Galaw-galaw na!"
"Ma nahihilo po ako." sabi ko.
"Sa katamaran mo yan. Gumalaw galaw ka kasi. Ang tao kasi na hindi kumikilos dapuin lagi ng sakit." sermon niya sa akin.
Sa totoo lang napapaisip ako e, anak ba nila ako o katulong? Halos oras-oras kasi may utos sila keyso gawin mo ang ganito, gawin mo yan. Kaya I hate weekends kasi nandito lang naman ako sa bahay kaya madalas pagod na pagod na ako sa mga ipinipagawa nila tapos kapag nakita nilang nakaupo lang ako saglit sasabihan agad ako na ang tamad-tamad kong tao. Bakit kasi ako nagkaroon nang weak na katawan e? Edi sana hindi ako napapagod, nagagawa ko lahat ng utos nila para naman makarinig ako ng mabubuting bagay at maaaring iparamdam nila kung gaano nila ako kamahal.
♢
Natapos ang buong araw na nasa kwarto lang ako. Syempre walang pag-aasikasong naganap kasi sa pamilyang 'to bawal ang magkasakit at magpahinga.
"Ano ba self? Tama na ang kakaiyak. Akala ko ba last na 'yung six years ago?"
"Masisisi mo ba ako kung walang pagmamahal akong nararamdaman? Self alam mo kung gaano ako kauhaw sa pagmamahal ng mga magulag ko. Halos manlimos na nga ako ng pagmamahal sa kanila. Kahit simpleng pag-aalaga sana sa akin kapag may sakit ako. Pero walang nangyayari puro masasakit na salita at pagkukumpara lang ang naririnig ko."
“Pero 'di ba nangako ka na sa sarili mo na masasanay ka na sa sakit?"
"Oo self. Sanay na ako pero kahit gaano na ako kasanay kung masakit pa rin, masakit pa rin."
"Sige self. Iiyak mo lang 'yang sakit pero dapat pagkatapos mong umiyak, ngingiti ka na a! Dapat magiging masaya ka ulit."
"Pangako self..."