Mayumi PoV
"Heneral sandali lang po!" wika ni Santiago ang Guwardiya-Sibil na nagbabantay sa Kuwartel.
Kasalukuyan siyang nakasakay sa isang kabayo't hinahabol niya ang karwahe na sinasakyan ng Heneral at ng anak nito na si Mayumi.
"Sandali itigil mo ang karwahe!" utos naman ng Heneral sa manigkarwaheng lalaki. Agad naman na itinigil ng lalaki ang karwahe nito at naabutan na nga sila ni Santiago. Pahingal-hingal pa itong lumapit sa karwaheng kanilang sinasakyan.
"Santiago ikaw pala," ani pa nito. "Tila may sasabihin ka? Ano bang sad'ya mo?"
"Ang kumandante po kasi'y tinuturaang gumamit ng gulok ang tulisang nadakip natin," pautal-utal na tugon ni Santiago.
"Totoo ba ang sinasabi mo?"
"Opo Heneral. Ginamot pa nga niya ang tulisang iyon," pagpapaliwanag pa ni Santiago. "Kasalukuyan pa rin po silang nasa likod ng kuwartel at nag-iinsayo."
"Nagpapatawa talaga ang hangal na kumandanteng iyon. Isang tulisan ang kaniyang tinuturuan? Hangal!" inis na wika ng ama ni Mayumi.
"Itang ano po ba iyon?" nagtatakang tanong ni Mayumi sa kaniyang ama.
Napatingin na lamang si Santiago kay Mayumi.
"Señorita kayo pala. Magandang umaga po." Napayuko si Santiago kay Mayumi bilang paggalang sa anak ng mataas na Heneral.
"Magandang umaga naman. Si-sino pala ang sinasabi mong tulisan?" nagtatakang tanong pa niya kay Santiago.
Napatingin na lamang si Santiago sa mga mata rin ng Heneral na kasalukuyang nakatingin sa kaniya.
"Iyon po ba? Wala po 'yon señorita. Huwag n'yo na pong alalahanin," tugon pa nito. "Heneral saan po pala kayo magagawin ngayon?"
Napatingin muli ang kaniyang ama kay Santiago.
"Tutungo lang kami sa Santa Mesa. Ipapasyal ko lamang si Mayumi sa bahay ng kaniyang lolo," tugon nito.
"Ganoon po ba?"
"Humayo ka muna Santiago sa kuwartel. Bantayan mo ng mabuti ang tulisang iyon," utos pa ng kaniyang ama kay Santiago.
"Opo ako na hong bahala Heneral. Mag-iingat po kayo sa inyong paruruunan."
Tumalikod na si Santiago at mabilis na nitong pinatakbo ang kabayo pabalik sa kuwartel kung saan nakabilanggo ang tulisan.
Tumuloy na rin sa paglalakbay ang Heneral kasama si Mayumi.
"Itang nasasabik na po ako na makitang muli si lolo Goryo." Napatingin na lamang si Mayumi sa mukha ng kaniyang ama. "Matagal-tagal na rin no'ng huli ko siyang makita. Kamusta na po kaya ang kalagayan niya?"
Tumingin naman sa kaniya ang kaniyang ama. "Ang lolo Goryo mo ba? Baldado na siya ngayon." Muli nitong ibinalin ang tingin sa kanilang nadaraanan.
"Hindi na rin siya nakapagsasalita ng maayos. Marami na kaming nalapitan ng manggagamot ngunit ni-isa wala man lang may nakapagpagaling sa kaniya," ani pa nito.
"Sobra na po akong nag-aalala sa kalagayan niya. Maari naman po nating lapitan ang mahuhusay na manggagamot na nakapag-aral sa Europa. Yaong mga nagtapos ng medisina?"
Napahinga na lamang ng malalim ang kaniyang ama bago siya nitong tapunan ng tingin.
"Ipagpaumanhin mo anak ang sasabihin ko sa'yo."
"Bakit ano po ba iyon?"
"Malala na ang kalagayan ng lolo Goryo mo ngayon. Tiyak kung ipagagamot natin siya gagasta lamang tayo ng napakaraming salapi," tugon naman ng kaniyang ama. Hiwakan nito ang kaniyang ulo at ipinasandal siya sa balikat nito.
Nangilid ang mga luha niya sa mata at mabilis itong gumuhit sa kaniyang mukha.
"Ngu-ngunit itang akala ko ba'y mahal mo ang lolo? Bakit tila natatakot kayo na baka maubos ang ating kayamanan? Isa pa't para naman iyon sa kagalingan niya."
"Hindi sa ganoon anak." Hinimas-himas ng kaniyang ama ang mahahaba niyang buhok. "Ngunit malaki na rin ang nagagasta nating salapi. Wala ring katiyakan kung gagaling siya sapagkat mga mangmang ang manggagamot dito sa Pilipinas." Napatingin muli ang kaniyang ama sa paligid na kanilang nadaraanan.
"Narito na pala tayo," wika pa ng kaniyang ama. Mabilis din nitong ipinahinto sa manigkarwahe ang kanilang sinsakyan.
Narating na nila ang bayan ng Santa Mesa. Hindi ito gaanong kalayuan sa bayan ng San Sebastian kung saan sila nakatira. Maliit lamang ang bayan ng Santa Mesa kaya maliit din ang pupulasyon ng mga tao sa bayang ito. Pagsasaka ang pinakamainam na hanap-buhay ng mga tao sa bayang ito dahil na rin sa patag nitong lukasyon at natural na taba ng lupa.
Nakahinto na ang karwaheng kanilang sinasakyan sa tapat ng bakod ng Hascienda. May isang Guwardiya ang nagbabantay sa bakod na iyon. Nakatulog ito sa sobrang kalasingan dahil sa pag-inom ng tuba. Hindi muna nila napansin ang Guwardiyang iyon dahil abala sila sa pag-aayos ng kanilang mga kargamentong dala-dala.
Naunang bumaba sa karwahe ang kaniyang ama upang maalalayan siya nito.
"Bumaba ka na riyan Mayumi." Wika ng kaniyang ama at dali-dali na siya nitong inalalayan pababa ng karwahe.
Maya-maya pa'y napatingin naman ang kaniyang ama sa manigkarwaheng Indio.
"Kadalasa'y magkano ang binabayad sa iyo papunta rito?"
"Tatlong Realis po senyor," tugon ng lalaki.
"Ta-tatlong realis?" Bimilog bigla ang mata ng kaniyang ama sa narinig nito. "Nagpapatawa ka ba? Bakit tila ang laki? Sa katulad mong Indio tama na ang isang Realis."
"Ta-talong realis po talaga ang binabayad sa akin senyor." Napayuko na lamang ang lalaki sa sobra nitong pagkatakot sa Heneral.
"Niloloko mo ba ako?" Humakbang na ang kaniyang ama papalapit sa kinatatayuan ng manigkarwaheng Indio. Napahawak na ito sa rebolber nito at akmang bubunutin na ang rebolber nang bigla hawakan ni Mayumi ang balikat ng kaniyang ama.
"Huwag itang," wika niya. "Ito po ang tatlong realis." Mabilis niyang iniabot ang pera sa lalaking Indio iyon.
Napalunok na lamang ng laway ang lalaki. "Sa-salamat po señorita," wika nito at mabilis din itong sumakay sa karwahe at umalis na sa lugar na iyon dahil sa sobrang takot sa ama ni Mayumi.
"Bakit mo naman binigyan 'yon ng tatlong realis? Nakita mo bang niloloko lang niya tayo?"
"Itangggg hayaan mo na. Batid kong may pamilya rin iyong kailangang pakainin. Maliit lamang ang tatlong realis," wika pa ni Mayumi.
"Bahala ka! Tara na humayo na tayo sa loob." Agad na silang lumapit sa bakod ng Hascienda nang bigla nilang makita ang Guwardiyang mahimbing na natutulog. Ang Guwarding ito ay ang taong nagbabantay sa labas ng Hascienda.
Kilalang-kilala ang Hascienda de Salvador sa bayan ng Santa Mesa dahil sa natatangi nitong lokasyon at dahil din sa karangyaan ng pamilya Salvador. Limang libong ektaryang lupa ang mayroon ang pamilyang ito sa mismong bayan. Sa loob ng Hasciendang iyon ay napaliligiran ito ng mga tanim na mais na sumusuplay sa buong bayan ng Santa Mesa. Samot-saring mga bulaklak din ang makikita sa paligid ng hascienda kaya ito ang madalas puntahan ng mga dayuhan na napapasyal sa lugar. Para makapasok naman sa loob ng Hascienda kabayo ang pinakamainam na sakyan dahil ito lamang ang pinapayagang sasakyang pumasok sa loob patungo sa bahay ni Goryo ang lolo ni Mayumi.