Chapter 4: Dramatic Scene

1665 Words
BAGO PA tumulo ang luha niya ay mabilis ng humakbang papanhik. Kailangan niyang magpahinga muna gawa ng malayo-layong biyahe. Bukas na bukas din ay aakyat na siya ng Baguio para sa unang misyon. Kinakailangan niyang patayin ang sariling katauhan para sa mapait na kahapon. Dahil sa pagod ay agad siyang nakatulog. Pasado alas otso na ng gabi ng magising siya dahil kumalam na rin ang kaniyang sikmura. Alas dose kinse noong nag-lunch siya sa isang fast food at burger at fries lang ang kinain niya. Nag-iinat-inat pa siya ng aktong papasukin na siya ni manang Lakring. "Sinasabi ko na nga bang nakatulog ka hija. Kanina pa ako kumakatok diyan sa labas. Nakapagpahinga ka naman ba?" Ang tanong nito. "Opo manang," magalang na tugon. "Sige na at nakahanda na ang gabihan. Baka hindi na mainit sa tagal kong nakatok.." tawang wik nito. Napangiti siya rito. Tila napansin nito ang pagkabalisa niya at ang lungkot sa kaniyang mata. "Naalala mo ba ang pamilya mo." Bungad nito. Sila lang kasi ang nakakaalam sa kanilang lihim na pamilya. Isang tipid na ngiti ang tinugon rito. "Huwag kang mag-alala buwan-buwan kami nagpupunta roon ni Celia. Maayos naman sila.." "Hindi po ba sila nagtatanong kung ganino galing ang binibigay niyo.." tanong rito. "Aba'y magaling lumusot iyang pamangkin ko. Sabi ay may pilantropo na gusto silang tulungan. Noong pinatayo iyong bungalow eh ayaw pa pero noong sinabi na ganoon nitong si Celia ay puamyag rin." Natatawang balita nito sa kaniya. "Salamat po.." "Hay naku, baka mas lalonv lumamig ang pagkain natin hija." Paalala nito dahilan upang sumunod na siya. Matapos silang kumain ay dumeretso siya sa balkonahe. Tutal ay kagigising niya lamang. Hindi siya agad dadalawin ng antok kaya sa balkonahe muna siya. Naroroon lamang siya at nakatanaw sa malayo ng maramdaman niya ang presensiya sa likuran niya. "Ate.." tawag ni Celia sa kaniya. Mas matanda siya rito ng limang taon. Sa totoo lang ay ito ang kaibigan ni Wendy. Nilingon niya ito at nginitian. Ngumiti rin ito bilang ganti. "Kumusta ka ate?" Tanong nito na tinatantiya ang sasabihin nito. "Okay lang ako," tipid na turan. "Mabuti naman kung ganoon ate," tipid din nitong sagot. "Handa ka..." "Handa na ako.." Sabayang sambit nila saka sabay ding natigil sabay tawanan. "Ay ano ba iyan.." aniya ng makabawi. "Handa na ako, ito siguro ang kapalaran ko. Ang mabuhay sa katauhan ng iba para maipaghigante ang aming kaapihan," malungkot na saad. Naramdaman niya ang paggagap nito sa kaniyang kamay. "Pero hindi naman siguro masama kung mas nanaisin mo na lamang hayaan ang lahat. Hayaan mong ang Diyos na ang gumanti para sa inyo," anito na hindi niya alam kung bakit nito nasasabi iyon. Tumingin siya rito. "Desidido na ako Celia," aniya saka muling humarap sa kawalan. "Alam kong mabait ka ate, inaalipin ka lamang ng labis mong pagkamuhi." Anito na kinatulo ng luha niya. "Naaawa lamang ako sa mga magulang mo. Mababait sila ate at nakatitiyak akong maging sila ay hindi sang-ayon rito," dagdag pa nito. Yumugyog ang kaniyang balikat. Nangako rin siya sa mga taong nagligtas sa kaniya. Ipaghihigante niya ang kaapihan ng mga ito. Siguro nga ay hindi na nito maibabalik ang kanilang anak pero kahit sa ganitong paraan ay maigante nila ito. "Salamat Celia pero kung naranasan mo ang aking naranasan siguro hindi mo rin iyan masasabi," aniya kasabay ng mga luhang nag-uunahang maghulagpos sa kaniyang mga mata. "Siguro nga ate pero iniisip lamang kita. Oo kaibigan ko si ate Wendy pero tiyak kung hindi rin siya papayag sa ganito.." giit pa nito pero hindi na siya nakinig pa. "Salamat Celia. Magpapahinga na ako.." aniya saka pumanaog na. KINAUMAGAHAN ay nagtungo na siya sa Baguio. Nagpaalam siya sa mag-anak. "Mga ilang araw ka ba doon hija?" Tanong pa ni manang Lakring. "Hindi ko pa po alam manang. Depende kung gaano katagal ang gagawin ko roon. Kayo na pong bahala sa bahay mang Tonyo, Celia. Mauuna na po ako sa inyo." Aniya saka kumaway sa mga ito. Habang nasa daan ay iniisip na niya kung papaano makakapasok sa buhay ng isang Mr. Delfin Delos Reyes. Napakagat labi pa siya ng may magandang ideyang pumasok sa isipan niya. Since undergraduate siya ng business management major in marketing. Bakit hindi niya ituloy kuno at sa SLU siya papasok. Tiyak magku-kruz ang landas nila ng lalaki. Maya-maya ay sumingit sa isipan ang huling usapan nila ni Lira. Muli siyang napangisi. "Mag-enjoy ka lang habang nasa'yo pa si Vince.." aniya. Saka tinuon ang tingin sa daan. Nang makarating ay agad siyang tumuloy sa isang fully furnish apartment. Maganda ang ambiance ng lugar kaya mas magugustuhan niyang tumira doon. Natatanaw din kasi doon ang building na kaniyang prospect. Matapos iayos ang gamit ay lumabas siya at gumala sa mga sikat na pasyalan roon. Simple lang ang suot at hindi naka-make up para hindi siya makilala at pagkaguhan. Ngunit tila nagsisi siya ng magawi siya sa pamusong Burnham Park. Naalala ang mga masasayang sandali kapiling ang lalaking minahal niya ng labis. Pagmamahalang pinaglaban ngunit sa isang trahedya nagtapos ang lahat. Ang masaklap pa ay nawala ang bunga ng kanilang pagmamahalan. Napahaplos pa siya sa tiyan ng sandaling iyon kaya bago pa siya tuluyang muling mapaiyak ay umiwas na siya sa lugar na iyon. Mabilis na tinungo ang SM upang mamili ng ilang kakailanganin niya sa kaniyang pansamantalang pagtira roon. Nasa SM siya ng isang pamilya na mukha ang nakitang naglalakad papalapit sa kinaroroonan niya. 'Kung sinusuwerte nga naman," aniya ng makita kung sino ang lalaking papalapit sa kaniya. Ang fiance ni Monique si Lyndon. Nang saktong nasa tapat niya ito ay bigla siyang lumiko para tuluyang bumangga rito. "Oppss Miss, sorry...did I hurt you?" Alalang turan nito. Nakasalampak siya sa sahig dahil sa lakas ng impak nila. Bigla pa nga ay nagsisi siya dahil masakit ang pang-upo niya. "Oachhh.." arteng hinaing. Umupo na ito at inalalayan siya. "If you want, I'll gonna bring you to the hospital?" Yaya pa nito. Nakita niyang pagkakataon iyon para makasama ito ng matagal at makakuwentuhan. "Thats better.." sang-ayon niya. Mas lalo siyang napangiti ng matamis ng pangkuin siya nito. "My car was on the parking, a bit far." Anito habang buhat buhat siya nito. The guy is hot and handsome. Not bad for Monique, ganoon naman ang tipo nito. Gaya ng ginawang pang-aagaw nito kay Brix. "Hey Miss," untag ng lalaking nakatitig na pala sa kaniyang mukha. "Yes!" Gilalas na tugon. Natawa ito. "I'm asking you. Whats your name?" Anito sabay ngiti sa kaniya. "Oh...see...I'm Wendy." Malambing na tugon. "Okay, ipapaupo na kita sa sasakyan ko. In fifteen minutes ay nasa ospital na tayo.." anito. Kasabay ng pagtunog ng cellphone nito. Umilaw iyon at nakita kung sino ang tumatawag si Wendy. Palihim siyang napangiti ng ayaw sagutin iyon ng lalaki. "Sino iyong natawag? Girlfriend mo?" Pagtatanong niya. "Hindi.." anito na kinangiti niya ngunit agad na napalis ng muling magsalita ito. "Fiancee ko, si Monique. We'll getting married soon.." masayang wika nito. 'Iyon ay kung may kasalan pang mangyayari.' Kampanteng wika sabay dantay ng palad sa hita ng lalaki. Halos mawala sa linya ang sasakyang minamaneho nito sa kaniyang ginawa. Napangiti siya sa reaksyon ng lalaki. "Oh..na-tense ka naman masyado.." aniya saka ngumiti. Napapantastikuhang napaliingon ito sa kaniya. Ngumiti siya ng matamis. Nang alalayan siya ng nurse ay nagpaalam na siya sa lalaki. "Thanks for driving me here. Pwede ka nang umuwi baka hinahanap ka na ng fiancee mo.." matamis pa ring ngiti rito. "Pero—." "I'm fine. No worries.." aniya saka kumaway rito. Akala niya ay tatalikod na ito at babalik sa sasakyan nito ngunit humakbang ito papalapit sa kaniya. "Can I have your number?" Dinig na wika nito. Isang matamis na ngiti ang binigay. "Sure.." aniya sabay abot sa tarhetang binunot sa bag. 'Lalaki nga naman,' aniya sa isipan. 's**t! Nabalian pa yata ako ng tadyang..' aniya ng makirot talaga ang beywang niya sanhi ng pagkakabagsak sa sahig. Agad siyang nag-undergo ng X-ray upang malaman kung may nabaling buto. Mabuti na lamang at walang anumang masamang nangyari. Nabugbog lang daw ang laman sa bandang pang-upo gawa ng malakas na pagkakabagsak. SAMANTALA, masayang-masaya si Lira dahil natupad na rin ang matagal na pinapangarap. Ang makasama ang asawa sa Europa. Nasa cruise ship sila at naglalayag mula Barcelona hanggang Madrid. Matapos ang Spain adventure nila ay tutungo na sila sa Paris kung saan niregalo pa iyon ng magulang nila. "Masaya ka ba hon," masayang tanong kay Vince. "Oo naman hon," ngiting tugon ni Vince sa asawa sabay yakap rito. Nasa deck sila ng barko at nakapaganda ng mga lugar na nadadaanan. "I love you hon." Ang malambing pang saad. Nang kumalas siya sa asawa ay bahagyang nalula si Vince kasabay ng tila pagtindi ng kirot sa ulo niya. "A—aray..." hiyaw niya habang hawak ng magkabilang palad ang ulo nito. "Hon, anong nangyayari?" Nahihintakutang tanong ni Lira. "Nasaan ang gamot mo honey," aniya saka mabilis na hinanap sa dala nilanv back ang gamot nito. Buti na lamang at mabilis iyong nakita kaya napainom niya ito agad. Kakaiba ang naramdaman ni Vince sa sandaling iyon. Nang lingunin ang babaeng kasama ay iba ang mukha nito. Hindi ito ang asawa niya. Hanggang sa sumidhi ang sakit na nararamdaman. Mabatapos ipainom sa kaniya ng babae ang ilang pirasong tabletas ay kumalma na siya. Naibsan na rin ang matinding sakit sa ulo niya. "Honey, are you okay.." ang nag-aalalang mukha ng asawang si Lira. Doon ay nabagabag siya sa nakita kanina. Namamalikmata lamang ba siya. Bakit ibang babae ang tila nakita sa balintataw kanina. "Hey honey. I'm asking you? Are you alright?" Untag nito. Doon ay ngumiti na siya ay niyakap ito. "Thanks honey. I'm fine now.." aniya saka kinintalan ng halik sa noo ito. Ngumiti rin si Lira bilang ganti saka niyakap ng mahigpit ang asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD