Veronica's POV
It's already 6:00 pm nang magising ko. Lumabas ako ng kwarto at nakita kong kumakain na sila Ate nd Adam.
"Oh, good evening, Vivian. Hindi na kita ginising dahil parang ang sarap ng tulog mo." tinaasan ko na lang ng kilay ang nang-iinis na si Ate Shan.
"T-tita eat ka na," wika naman ng pamangkin kong si Adam. Kaya pinuntahan ko ito at agad na hinalikan sa ulo.
"Oh, paano kung nakabuo?"
Naguluhan naman ako sa tanong ni Ate Shan. Ano nanaman kayang pinagsasabi nito?
Until I realize what she meant.
What the f**k.
What if.. Paano nga?
"Does he spurt it in.." Before she finishes what she's saying, I shut her up.
"Stop it, Shannon."
I know na alam niyang naiinis na ako dahil sa oras na banggitin ko ng buo ang pangalan niya ay titigil na siya sa sinasabi niya sa ayaw at sa gusto niya.
"Fine, HAHAHA."
After eating, I do my evening routine. I wash my face so I can maintain my smooth and flawless skin. Kailangan kong I-maintain itong balat ko. Gumagastos ako ng malaki para lang mapanatili ang ganitong kutis, at para sabihin ko sa inyo, hindi madali ang buhay ng mga taong gustong makamit ang pangarap nila. You need to strive hard to pursue what you want.
But just like what I've said before, everything can be learned. So, don't stop pursuing your dreams lalo na kapag naiisip mong hindi mo kaya. Lahat napag-aaralan, lahat natutunan kaya don't settle down there. Pursue what you want.
..
Veronica's POV
Nagising ako sa sinag ng araw, binuksan ata ni Ate ang kurtina ko dito sa kwarto. Napagdesisyunan kong huwag na munang bumangon at magmuni-muni muna. Hindi naman ako nagmamadali ngayong araw dahil hindi naman hectic ang schedule ko. I'll just have my taping at 12:00 pm, and that's all. No more guesting for now.
Naalala ko nanaman ang nangyari sa akin, hindi ako makapaniwala na sa isang gabi lang, nawala agad yung virginity ko. Alam ko namang hindi na issue kung virgin ka o hindi sa panahon ngayon, pero s**t! Binigay ko yun sa isang taong hindi ko man lang kilala.
I don't even know his name. Ni hindi ko nga alam kung may putok 'yon, o wala. Pero, I can still remember the smell of his breath. I can still remember that it smells like mint.
Oh s**t! Why am I f*****g thinking of that?
Napasabunot naman ako sa sarili ko nang dahil sa mga iniisip ko.
Paano kung mukha pala yung unggoy? Hindi naman sa judgemental ako pero hindi ko maimagine ang reaksyon ng masa kapag mukhang unggoy ang magiging ama ng anak ko..
No.
I'm just exaggerating.
Hindi ako mabubuntis. Panigurado namang nag-isip yung lalaking gumalaw sakin, hindi niya gugustuhin na magkaroon ng
responsibilidad.
I hurriedly get up so I can't think of this again. But, patayo pa lang ako nang maramdaman ko nanaman yung sakit.
Shit it really hurts, huh.
..
Nakarating ako sa venue ng taping namin, and 11:30 pa lang. Hindi pa man lang ako nagla-lunch.
I want to divert my attention. I decided to go for shopping habang hindi pa naman oras ng taping. So, pagdating ko sa mall ay dumiretso muna ako sa isang botique. Naalala ko na malapit na ang screening ng pelikula kong, the affairs, kaya naman kailangan kong makahanap ng isusuot.
Nag ikot-ikot muna ako sa botique and wala akong mahanap, kaya I ask for help sa mga sales lady. I ask someone kung meron ba sila ditong mga formal dresses na pwedeng gamitin sa screening. And as usual, maraming nagpapicture, and kasama na dun ang sales lady na kasama ko.
"Ito po, Ma'am."
She hand me a dress, and ugh hindi na nakakatuwa. Nagmamarunong na siya sa akin.
"Excuse me, but you may leave because I can handle myself."
Hindi ko naman napigilang magmataray dahil naiinis na talaga ako. Sinundan ko ng tingin ang papaalis na sales lady bago tiningnan isa-isa lahat ng formal attire dito.
Yeah, they are beautiful pero wala pa akong nakikitang babagay sa akin. Wala pang nakakakuha ng interest ko.
Until I saw this black sleeveless dress, na mayroong pa shinning shimmering effect. I get it and try fitting it in the fitting room.
Bakit parang medyo sikip? Tumaba ba ako? Naisuot ko nga pero pinahirapan naman ako. I look at myself at the mirror. It looks really good in me, it is so fitted.
I look so amazing right now. Is this really the Vivian they used to bully before?
I don't think so. Because this girl in front is Veronica Santillian, the VRILLIANT.
Hinubad ko ang damit na suot ko, kumuha din ako ng iba pang damit na medyo pumasa sa panlasa ko, bago ako umalis at magbayad sa counter.
I wear my shades nang palabas na ako sa botique, para iwas sa mga tao. Baka pagkaguluhan pa ako dito, and hindi ko kasama yung personal assistant ko na pipigil sa kanila. Pumasok ako sa isang mamahaling restaurant, I took off my shades. Kakaunti lang ang tao dito kaya alam kong hindi ako pagkakaguluhan.
I ordered something to eat, and I walk towards the vacant table when someone caught my attention.
"Is that Tiffany?" I ask myself
And when she looks in my direction, she waves at me, while gesturing to go in her.
"Hi!" masayang bati ko sa kaniya.
"I miss my daughter," she said before kissing me on my forehead.
As I've said before, I treat her as my second mom.
"What are you doing here?" tanong ko sa kaniya.
"Well I'm with my son, and we're dating." ramdam ko ang saya sa boses niya, she really love her son, a lot.
I know her story, her husband keep her son away from her for a long time. So she did her best to pursue her career and look, she's a manager now. I can't help but to idolize her, feeling ko parehas kami ng gusto. Magkaiba man ang sakit na pinagdaanan namin pero parehas naman namin yung ginawang motibasyon para marating namin kung ano kami ngayon.
"Hey! Natutulala ka na naman," she said while laughing.
"You really look so happy," I told her directly into her eyes.
"Of course, I am, Vivian. I love him very much, and now that I am with him, after almost 8 years? It feels so great."
Yes, she knows who am I. She knows everything about my past because just like what I've said, I treat her as my mom and I trust her that much.
Tumingin naman ako sa mga mata niya at nakita kong nagtutubig na ito. So, I segway the topic.
"So, where is he? I want to meet him," I told her, and that makes her smile.
But before she can say something, her phone beeps.
"Oh, he texted me na dumiretso na raw siya sa company niya dahil mayroon siyang ime-meet na client." malungkot na wika ng Ginang sa harapan ko.
"It's okay, marami pa namang pagkakataon, and I'm hoping to meet him soon."
Dumating na ang waiter na dala ang order ko, kaya nagsimula na akong kumain dito sa table ni Tiffany.
"Oh, wait. Makakalimutan ko pa, I want you to know na gusto kong makapartner mo ang anak ko sa darating na screening ng 'the affairs', kung okay lang sa'yo?" at nagpacute pa nga sa harapan ko.
"Oo naman, ayos lang. It's my pleasure. Ito nga at nakabili na ako ng isusuot ko, dahil I'm very much excited." nakangiti kong wika sa kaniya.
Nang matapos kaming kumain ay sabay na kaming pumunta ni Tiffany sa taping ko.
-
VERSATILE
ms.engineering