CHAPTER 1

1288 Words
CALLIEYAH POV'S: "What!? No way Calib Ayaw ko!" kaagad kong tanggi sa sinabi ng aking kambal. "Kambal naman, alam mo namang subrang delicado ang buhay natin eh. Ayaw kong mangyare sa atin ang nangyare sa familya ni Dexter," wika ni Calib na ikinairap ko. "Duh! He failed even to protect his family! Sa akin pa kaya! No Calib, Ayaw ko period!" mariin kong tanggi at mag walk out na sana when he grab my arm. Nilingon ko at pinandilatan ito ng mata. "Calib naman eh! I can take care of myself!" muling tanggi ko. "No since sayo siya nagkasala, kaya sa iyo dapat siya mag silbi! Yan ang rule ng organization!" ma awtoridad at ginamit na niya talaga ang kanyang pagka kuya. Yes mas matanda siya ng isang minuto sa akin, duh it doesn't matter. "Ako ang pagsilbihan niya? What way? Sa pagbabantay? Tsk I'd rather to be alone, alam ko namang hindi niya ako ma protectahan eh!" sarcastico kong sabi. "Kambal it's not like what you think? You know it's a sudden accident, subrang bilis ang pangyayareng ni kahit pagbunot man lang ng armas to cover his family is hindi man lang siya nabigyan ng chance," paliwanag ni Calib sa akin. "What ever Calib! basta ayaw kong bumuntot siya sa akin!" mariin kong wika at kaagad ng pumunta sa aking silid. Nang makarating ako ay dumeritso ako sa banyo upang maglinis ng aking katawan. Habang kinukoskos ko ng scrubber ang katawan ko ay napadiin ko iyon ng biglang lumitaw ang galit na galit na imahe ni Dexter sa aking utak. Lalo na nong sinakal niya ako at balak niya talagang patayin ako. "No way, hindi talaga pwedeng maging bodyguard ko siya, paano nalang baka meron parin siya'ng planong patayin ako? Nako? Meron nga akong alam sa martial arts pero lalaki paren siya," napailing-iling kong sabi at mariing pinikit ang aking mata to dismiss the negative thoughts. Hindi ko talaga maitanggi sa aking sarili na subrang na takot ako sa kanya, yong matalim niya'ng titig na tila lamunin ang buo kong katawan. "Callieyah! Matagal ka pa dyan sa banyo? Nako naman naka bihis na kami!" napalingon ako ng marinig ang boses ng aking kambal galing sa labas ng banyo. "Bakit? Saan ba tayo pupunta?!" pabalik kong tanong dito. "Malamang kambal makilamay tayo!" sagot ni Calib at napairap na lamang ako sa kawalan. Since tapos na naman akong maligo kaya kaagad kong tinuplis ang tuwalya sa hubog kong katawan. "Calib lumabas kana! Magbihis na ako!" sigaw ko at narinig ko namang sumirado ang pinto. Lumabas na ako habang tinuyo ng tuwalya ang aking buhok. Napahikab pa ako while doing it, gusto ko na talagang magpahinga, pero hindi Pwede dahil kilala ko si Dad. "Hayss!" napabuga nalang ako ng malakas na hangin at kaagad ng nagbihis at ni lagyan ng light make up ang aking mukha. Pagkatapos ko ay lumabas na ako at nakita kong nasa living room na sila at ako na lamang ang hinintay. "Callieyah dear, what kind of clothes is that?" naningkit ang matang tanong ni mommy at wala sa sariling napa outfit check naman ako. "Mommy naman I'm just wearing a simple Jeans at white croptop meron naman akong blazer eh," casual kong sagot. "Hija, we're going to the lamay," halatang na stress na wika ni mommy. "Mommy naman what's wrong with my outfit?" napabuga kong tanong. "Don't you see us hija? We're wearing all black," wika ni mommy at gets ko na ang ibig niya'ng sabihin pero duh, bahala sila my body my rule. Hindi ko na pinansin si mommy at naunang naglakad patungo sa kotse. Tila na pagod narin silang sawayin ako kaya hinayaan nalang nila ako. Nakahinga ako ng maluwag at sinandal ang aking ulo sa may bintana upang umidlip. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako, nagising na lang ako ng merong kumiliti sa aking kilikili. Inis kong iminulat ang aking mata at bumungad sa aking paningin ang nang-aasar na ngiti ni Calib. "Hello sleeping beauty, Nandito napo tayo," imporma niya sa akin at inirapan ko lamang. Padabog akong bumaba sa kotse at bumungad sa akin ang malaking mansion, sa labas nito ay Maraming puting bulaklak na naka display. Tahimik at napahalukipkip akong sumunod Kila mom at dad, at ng makarating kami sa maaliwalas na living room ay nakita ko ang limang ataol. Kahit medyo maldita ako, meron pa naman akong puso para makaramdam ng awa sa nangyare Kila tita at tito. Inilipat ko ang aking tingin sa maliit na kabaong. Nagdalawang isip pa akong lumapit ngunit sa huli ay nilapitan ko rin dahil gusto kong tingnan ang naging patiente kong hindi ko nailigtas. Nang tuluyan kong makita ang maamong mukha ng bata ay parang sinakal ang aking puso. "Nananadya ka ba?" bahagya pa akong napaigtad sa baritonong boses na iyan. Luminga ako sa gilid at nagtama ang mata naming dalawa. "Anong ibig mong sabihin!?" mataray kong tanong, si Dexter pala ang lumapit sa akin at subrang tamlay ang mukha nito, na halatang walang tulog. "Hindi mo ba alam ang proper clothes for lamay?" malamig at sarcastic ang tuno ng kanyang boses. "I hate black color," ma tipid kong sagot at akmang tatalikod ng bigla niya'ng hinawakan ang aking braso. "Hindi ako papayag na merong mangbastos sa lamay ng aking family!" mahina ngunit diin niya'ng sabi, at ayon na naman ang matalim niya'ng tingin na tila lamunin ako. "Hala siya bastos agad," natatawa kong sambit, ngunit napangiwi ako ng humigpit ang pagkahawak niya sa aking braso at ramdam kong parang mabalian na ako ng buto. "Baliw ka ba? Bitawan mo nga ako," mahina kong utos. "Dude!" nang marinig namin ang boses na iyan ay mabilis niya'ng binitawan ang aking kamay. Napalingon ako at nakita si Alexis. Kaagad namang bumilis ng t***k ang aking puso at hindi mapigilang mapalunok ng makita kung gaano siya ka gwapo sa kanyang outfit. "Callieyah hai," "Dyosko! Ang tamis niya'ng ngumiti at super expensive magsalita" kaagad kong tinikom ang aking bibig at ngumiti ng tipid dito. "Tanga ka talaga Callieyah! nakakahiya ka!" sermon ko sa aking sarili at tumabi ng upo ni mommy. Napansin kong halos mga malalaking tao ang nakilamay at siguro ay mga kasamahan lang rin nila ni Daddy sa organization. Lahat sila ay naka all black formal suit, ako lang talaga ang nag iba. Sa mga dumarating na bisita ay tinapunan rin nila ako ng tingin seguro nagtataka kung bakit naka white ako. Bahala na sila eh sa Ayaw ko sa black ehh. Nakaramdam na ako ng antok dahil na bored ako sa loob, panay tingin ko sa aking wrist watch dahil gusto ko ng umuwi. Hindi ko na talaga kayang labanan ang aking antok kaya alam ko naman ang room ni Tita ehh. Nakakahiya namang umalis ako at ano namang sasakyan ko? isang kotse Lang ang dala namin. "Mom inaantok na talaga ako, Pwede bang gisingin mo nalang ako sa room ni tita Kapag uuwi na tayo," paalam ko ni mommy, nag-alanganin pa siya'ng tumango pero ginawa niya rin. Panay na ang hikab ko habang naglalakad patungo sa silid ni tita. Habang papaakyat ako sa hagdan ay halos mabuwal na ako dahil maslalong bumigat ang talokap ng aking mata. Nang makarating ako ay kaagad na akong pumasok hindi ko na inalam kong nasa tama ba akong silid. Pagbukas ko ay sumulubong sa akin ang mabahong amoy ng alak sa buong silid. "Gurabe naman umiinom ba si tita, baka naman Callieyah sa tagal mong nawala eh," inaantok kong reklamo dahil matagal na kasi noong huling bisita ko rito sa bahay at birthday iyon ni tita. Hindi ko na pinansin ang mabahong amoy ng alak at humilata na sa malambot na kama. Tuluyan ng nilamon ng antok ang aking sistema at nakatulog kaagad. TO BE CONTINUED.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD