Chapter 31 JOHAN ZYRIL TORRES POV: "Bakit ka nandito Sean?" pagtatanong ko sakanya, napakamot siya ng batok. "Nandito ba si Jordan?" napakunot ang nuo ko. Bakit niya hinahanap ang kapatid ko. Wait hindi naman 'yun ang inisip ko ngayon, right? "ohh, iba na ang iniisip mo bro. Wala akong interes sa kapatid mo. Gusto ko lang naman siya tanungin ko nasaan si Gemini" depensa naman nito, pero bakit naman niya hinahanap si Gemini? Napakunot naman ang noo ko, bakit kailangan pa niya tanungin si Zanie? ‘E pwede naman niya puntahan si Gemini sa bahay nila. "Gemini? Bakit mo naman siya hinahanap sa kapatid ko?" pagtataka ko, "Alam mo naman na bff silang dalawa diba? Kaya nagbabaka sakali ako na alam ni Jordan kung nasaan siya" napailing nalang ako. “Bakit hindi mo puntahan sa bahay nila?” na

