Chapter 33 JOHAN ZYRIL TORRES POV: Napatigil ako sa pagtetext ng makarinig ako ng katok sa labas ng kwarto ko, si Zanie ba 'to? tsk. Binuksan ko ang pintuan, at nagsalita. "Wag mo muna akong is---" napatigil ako ng makita ko si dad sa labas ng kwarto ko. "D-Dad?" naka-cross ang braso nito at nakasalubong ang kilay nito sa akin. "We need to talk, young boy" seryosong ani niya, yumuko naman ako at pinapasok ko siya sa kwarto. Binulsa ko muna ang phone ko at umupo kaming dalawa sa kama. "Anong p-pag-uusapan natin, dad?" ngayon ko lang nakitang naging seryoso si dad ng ganito. Ewan ko ba pero kinakabahan ako ngayon sa sasabihin ni dad. All these years, nakita ko na ngayon kung gaano kaseryoso ang mukha ni dad. Parehong-pareho sila ni mom. "Bakit ka nagkukulong sa kwarto mo?" napakunot

