Kyla POV Matapos naming kumain ay nandito na kami sa may sofa nang bigla namang dumating ang order ni Uno na kama para kay Astrid. Nakakatuwa dahil color pink ito at may mga designs na barbie. Pumunta si Uno sa may pinto at tsaka siya may pinirmahan. Nagpatulong naman siya kay Nikolas at sa iba pa para maipasok sa kuwarto ni Andrei. Maigi na lamang at malaki ang kwarto. Kasya sa dalawang tao. "Astrid, halika dito." tawag sa kaniya ni Uno na kaagad namang sinunod ni Astrid. "Here. Sumampa ka at humiga. Tell me if you are comfortable. If not, papapalitan ko." Humiga si Astrid sa kama at nagulat siya nang medyo lumubog siya dahilan siguro sa lambot ng kama. "N-Nagulat ako." nanlalaki ang mga mata na wika nito. "Sir, okay na po sa akin iyan. Ang lambot po sobra" sabi ni Astrid at natuwa

