Kyla POV Tatlong buwan na ang nakakalipas at nandito kami sa park. Kasama ko si Uno at syempre ang dalawang bata. Sa loob ng tatlong buwan na iyon ay naging komportable na sa amin si Astrid to the point na nakikipag lokohan na rin siya kay Uno. "Andrei, laro tayo." sabi ni Astrid habang inaayos ko ang panlatag na dala namin kasi mag pipicnic kami. Tinulungan naman ako ni Uno habang nag uusap ang dalawang mga bata. "Anong laro?" "Pamela one. Tutal doon ka naman magaling diba?" Tsaka tumawa nang tumawa si Astrid. Dahil sa ginawang pagbibiro na iyon ni Astrid ay nakabusangot ang anak ko at naka crossed arms pa. "Hindi ako magaling sa larong iyon pero magaling ako sa larong boxing. Gusto mo, laro tayo?" Tsaka naman ngumisi ang anak ko. Napailing na lamang ako sa kanilang dalawa. "Naka

