1 - Freedom

3292 Words
            “KEE, nagawa mo na ba ang gusto mong gawin?” salubong ni Yvette sa kanya, nakasuot na ito ng itim na leather jacket at leather pants. Her friend is ready and she needs to be ready as well. Napatingin siya sa kanyang mga daliri, wala ni isang palamuti na nandodoon dahil ibinalik na niya sa tunay na may-ari. It wasn’t hers on the first place and she needs to let go of the past for her to move on. And these people, she watches her friends do their jobs, do the right thing, is her future. Kung anuman ang magiging kahihinatnan sa gagawin nila handa na siya.                “Yes.” Tinanggal niya ang suot na black high heels at pinalitan iyon ng rubber shoes. Hinubad niya ang kanyang suot na dress at pinalitan ng leather jacket at pants katulad ng suot ni Yvette. “Nasaan na si Sydney?”             “Kasama ng mga pulis, they need Sydney there for surveillance.”             Tumango siya sa kakayahan ng kaibigan niya siguradong magiging asset ito ng mga pulis. “Uly?” Malungkot na umiling ito sa kanya, alam niya ang ibig sabihin ng iling na iyon. “We need to trust Ulysses, Vette. I know we can trust him I put all my trust to him.”             Bumuntong-hininga lamang si Yvette sa kanyang sinabi pero hindi na nagsalita laban sa kapatid nila. Alam niyang may rason kung bakit nagawa ni Uly ang bagay na ito naniniwala siya. Nakakatawang kung sino ang pinaka-unang nanghusga sa lalaking kinikilala nilang kapatid ay siya pa ang naniniwala pa rin dito hanggang ngayon.             “Here.” Ibinigay nito sa kanya ang isang maliit na baril, she knew the gun she made it. It’s a small gun where they can hide in any part of their bodies, hindi iyon nasesense ng kung anumang metal detectors dahil iba ang ginamit niya doon. Hindi pa niya naibibigay sa big boss nila ang design sa kanya lang talaga iyon at balak nga niya iyong sirain kaya lang nagbago ang isip niya. Magagamit pala niya iyon ngayon at hindi rin iyon pwedeng mapunta sa kamay ng mga masasam ang loob dahil siguradong gagamitin lang iyon sa masasamang balak nila. The power of the gun is comparable to machine guns. Kahit daplis lang ng baril ay pwedeng ikamatay dahil may nababalutan ng poisonous powder ang buong katawan ng bala ng baril. Tatlong bala lang ang meron doon dahil sa liit ng kaha pero pwede na iyon in-case of emergency.             Mula sa kahon na itinago niya sa ilalim ng kanyang kama ay binuksan niya iyon at kumuha ng isang normal na baril para at isinuksok sa likod ng kanyang suot na leather pants. “Get one.” Utos niya kay Yvette na napapangisi habang nakatingin sa koleksyon niya ng mga baril.             “Wow, bakit hindi mo idinisplay?”             “Walang lisensya ang mga iyan gusto mong makulong nga tayo?”             Malakas na tumawa si Yvette pero bakas sa mga mata nito ang lungkot at takot na pilit nitong nilalabanan. “Bakit sa tingin mo ba anong mangyayari sa atin pagkatapos nito?” baling nito sa kanya. “It’s either we die or we’ll be rotten in jail.”             Tama si Yvette, alam nila kung ano ang kahihinatnan nila kaya nga naghahanda na siya. Inaalala niya ang mukha ng lalaking iyon ng makita siya gusto niyang matawa dahil mukhang hindi nito inaasahan na makita siya kanina. Nandoon pa rin ang galit niya sa ginawa nito she will never forgive him for ruining her life and for ruining her everything. Dapat ay wala siya ngayon dito kung hindi lang nito sinira ang lahat at may gana pa talaga itong titigan siya ng ganoon? Mabuti nalang at hindi na magkukrus muli ang landas nila because she already gave up her past.             “How about these bombs?”             “Si Clime na ang bahala sa mga explosives it’s her expertise.”             Ngumiwi lang ito. “Kapag sinabi mong explosive niya may balak ka bang mawala ang isang isla sa Pilipinas?”             “We don’t have any choice at all if only Uly was here he will tell us what to do.”             Yvette snorted, “If he was here but he chooses to leave us and her.” Tukoy nito sa babaeng iyon.             “Let’s not talk about this we need to go now we need to save ‘her’ right? Walang sibilyan na dapat madamay sa buhay natin this should be us.”             “Si Gette is she well protected?”             Tumango siya. “Nakausap ko na si Ashton, they are safe with their kids. Gette doesn’t know si Ashton lang ang may alam nito and he promised not to tell Gette until this is over.” Yvette grabbed her phone and answered whoever call it was.             “Tara na tayo na lang ang hinihintay.” Napatingin siya kay Yvette ng hindi ito sumunod sa kanya sa halip ay napatingin ito sa maliit na vial na hawak nito. Mabilis niyang nilapitan ang kasama at inagaw ang vial na iyon. “No.”             “It can help.”             “This won’t help us. Marami ang pwedeng mapahamak kapag—kapag nakawala ang mga ito sa hangin.” Hindi umimik si Yvette. Yvette’s expertise is more on developing microorganisms. Kasali na ang pagdedevelop ng mga viral infection sa hangin o kaya ay sa tubig at ito lang din ang may alam kung paano gawin ang antidote.             “Damay-damay lang ito--.” Isang malakas na sampal ang pinakawalan niya upang matauhan ito.             “Napasali tayo sa sindikato hindi dahil gusto natin kundi napilitan tayo, wala tayong pera pangtubos ng sarili natin kaya natin ito ginagawa. Marami ang hindi nakakaintin sa sitwasyon natin. Most of them condemned us for our sins but we shouldn’t do something that would hurt other people.”             Yvette sighed. “I have the antidote.”             “Kapag tayo namatay paano mo pa maibibigay ang antidote?”             “You win.” Kinuha nito sa kanya ang vial. “But this is mine so I will keep this and if there is a need to use them I will use them.” Seryosong ani nito. Sisiguraduhin niyang hindi nito magagamit ang bagay na iyon.             Sabay silang lumabas at sinuot ang helmet ng kanyang motorsiklo, sumampa siya at sumunod ito at mabilis iyong pinaandar.             “West Keegan, ninety-nine degrees.” Yvette shouted at her. Habang umaandar ang motor ay ganoon din ang bawat himaymay ng kanyang katawan. Kinakabahan siya sobrang kaba ang nararamdaman niya. Natatakot siya sa pwedeng kalabasan nitong gagawin niya pero para din ito sa kanya at sa kanyang mga kasama. Kung walang kikilos walang magbabago.             “We are here.” Huminto sila sa pinakasulok na bahagi ng lumang compound. Sa unang tingin akala mo ay pangkaraniwang compound lang iyon pero kapag nalaman mo ang sekreto na nakapalibot sa bawat bahagi ng compound malalaman mong hindi karapat-dapat na mag-exist ang ganoong lugar. “Isuot mo ito Kee.” Isinuot niya ang ibinigay ni Yvette na maliit at wireless na earphone sa likod ng kanyang teynga.  “Hear me?”             “Loud and clear.” This is Ulysses creation, a micro earphone if only he is here with them things would be easier. Kung saan man ito ngayon alam niyang binabantayan sila nito kahit hindi sila magkadugo ay alam nilang magkaugnay ang kanilang buhay.             “Vette, Kee, can you hear me?” she adjusted it a little upang pagtakpan ang gulat ng marinig ang boses ni Syd sa kabilang linya.             “Yes.” Sabay na sagot nila ni Yvette.             “Good, guys, trust me okay. I know you know the way but I want you to follow my lead.”             Kahit na anong sabihin ni Syd ay susundin nila they don’t have any choice at all. “Ang mga pulis na iyan pwede ba naming pagkatiwalaan?” isang malakas na tikhim ang narinig nila dahil sa tanong niya.             “Yes Ms. Keegan you can trust us.” Hindi siya nagsalita ng marinig ang boses ni General Anderson.             “We are doing this because you promised us something General. I hope you’ll do your end of the bargain after this.”             “Trust me and the police Keegan.” Isang malakas na tawa ang pinakawalan niya sa sinabi nito.             “May dalawang tao akong hindi pinagkakatiwalaan general at isa na doon ang mga pulis.” Tumingin sa kanya si Yvette na nakakunot ang noo. “We are risking our lives here not because you wanted this to end, we want this to end and earn what we year ever since. Sana pagkatapos nito huwag niyong ipagkait ang bagay na gusto naming lahat na makuha.”             “Just this once Miss, trust us.” She sighed loudly.             “Lead the way Syd.” Naglakad na sila papunta sa gate ng compound. Bawal ang kotse sa loob, bawal ang camera, bawal ang mga armas na walang barcode ng GS, bawal ang cellphone o anumang transmitting devices.             “Please enter your identification number.” Nagkatinginan sila ni Gette ng marinig ang pambungad na bati ng main security system nila. Bawat isa sa kanila ay may special identification number.             “Me first.” Yvette encoded her passcode, composed of rumbled words and letters in different cases.             “Identification validated, please enter your thumb pattern.” Yvette pressed her left thumb, right middle thumb and left pinky thumb on the screen. “Thumb pattern is correct. Face the screen for facial validation.”             “Nakakaasar talaga itong validation pwede namang sabihin na huwag kang pumasok ang dami pang kaartehan sa katawan.” Reklamo ni Yvette. Pasimple niya itong siniko dahil baka marecord ng system ang sinabi nito.             “Y.T.E 739 you may enter now.”             “Sa wakas!” nakapasok na si Yvette at dahil hindi siya pwedeng magtail tagging kaya agad siyang sumunod sa mga ginawa nito.             “K.E.G 737 you may enter now.”             Bumukas ang gate para sa kanya at saka siya pumasok, kapag hindi nafeel ng sensor ang presence niya sa loob ng limang Segundo ay muling sasara iyon at hindi na siya pwedeng pumasok pa ng mga tatlong oras. Kailangan nilang maging alisto.             “I.D po ma’am.” Pigil sa kanila ng guard.             “Kaasar talaga dito sa compound hindi pa ba sapat iyong dami-daming steps sa may gate tapos hihingan pa tayo ng I.D?” Inis na bulong ni Yvette pero nakangiti naman sa guard. She gave her a silent signal telling her to do the next step.             “Here.” She showed the guard her identification card, the guard needs to tap their I.D’s in a validating sensor. Tumango si Yvette at sumunod sa guard na may bitbit ng ID niya.             “Here’s my I.D—arrayyy!” gusto niyang matawa ng makita ang over acting nitong pagkakadapa sa paanan ng guard. “Help me sir guard ang sakit ng binti ko.” Instinct na rin siguro ng mga guards na saklolohan ang magagandang babae kaya agad itong yumuko habang siya ay kunwari mabilis na lumapit sa kaibigan upang tulungan din ito.             “Yvette are you--.” Pero siya naman ang natapilok at natumba sa mismong likod ng guard. “Sorry.” Nakangiting bulong niya kasabay ng pagdikit ng kanyang palad sa likod ng leeg ng guard. Isang mahinang ungol ang pinakawalan nito bago ito tuluyang napapikit at nawalan ng malay. Tiningnan niya ang maliit na karayom na nasa harap ng kanyang palad. “Effective.”             “Hahalikan ko talaga si Gette dahil sa inventions niya pero hindi na muna ngayon.” Ibinalik niya ang takip ng karayom upang hindi siya matusok. May lamang pampatulog ang karayom na iyon nakatago sa suot niyang singsing. Naging madali sa kanila ang pagpasok, wala ni sinuman sa loob ng compound lalo na at wala naman silang kahina-hinalang ginagawa. Sila ang pinakahuling papasok ng compound o head quarters sa kanila.             Nahack na ni Syd ang surveillance system ng kanilang HQ ay hindi na mapapansin mula sa main system na may mga nakaantabay na pulis sa labas at naghihintay lamang ng kanilang go signal. Siya ang unang nagpunch ng kanyang credentials dahil nilagyan niya ng fake chip ang internal server ng device, kapag may gustong pumasok ay credentials niya ang mababasa ng computer at kahit na hindi niya mukha ang haharap sa camera ay mukha pa rin niya ang kikilalanin. Iyon ang gagamitin ng mga pulis pagpasok ng compound sa itinakdang oras.             “737.” Isang may edad na nakaputing laboratory gown at may dalang clip board ang bumati sa kanya. “Toka mo ba ngayon?”             “Yes 528 kasama ko si 739.”             Turo niya kay Yvette na abala sa pagtingin-tingin sa mga nakasabit na mga pictures ng best ‘employees’ nila. Napansin niya ang pag-iling ng kaharap.             “Hanggang ngayon ay isip bata pa rin si 739.”             Tumawa siya sa sinabi nito dahil Nakita niya ang pagkakadiin ni Yvette sa kung anumang inilagay nito sa gilid ng mga frames dahil sa komento ng kausap niya.             “It’s part of growing up sabi ni big boss menopausal baby si 739.”             “Mabuti at napagtatiyagaan niyo.”             “Wala kaming choice. By the way saan ka ba pupunta?” kunwari ay interested na tanong niya pero hindi talaga, naiinis siya sa presensya nito.             “Sa insolation room.”             “Sino ang nasa insolation room?” taking-tanong niya, kapag sinasabing insolation room ibig sabihin ay may isa sa kanila ang nadapuan ng  viral and bacterial infection o kaya naman ay masyadong na-overdose sa drugs na kailangang itest sa katawan nila ay agad na dinadala doon.             “Nagkaroon ng matinding sakit si big boss kahit kami ay nagulat sa nangyari.” May narinig siyang nag-‘yes’ sa kabilang linya nakalimutan niyang connected sa kanya si Sydney.             “Anong klaseng sakit? May gamut na ba? Hindi siya pwedeng mapahamak.” Gusto niyang palakpakan ang sarili dahil sa concern na makikita sa kanyang mukha pero taliwas iyon sa tunay niyang nararamdaman.             “May naformulate na gamut sa viral infection pero kailangan pa rin na obserbahan.”             “Gusto kong makita si big boss.” Umiling ito. “Bakit? Ganoon ba kalala?”             “Hahanapin ko ang surveillance sa Insolation room.” Boses iyon ni Sydney.             “Mas mabuting makapagpahinga muna si big boss, mauna na ako sa iyo.”             “Sige, ingat.” Hinawakan niya ang sleeve ng suot nitong laboratory gown. Tumango lamang ito at habang naglalakad ito palayo sa kanya ay napapangiti siya habang nakikitang nakakabit na sa suot nito ang isang maliit na surveillance camera. Dapat ay hindi niya iyon gagamitin pero hindi niya napigilan ang sarili niya. She wanted to know how that old man looks like.             “Hindi ko mahanap ang surveillance ng isolation room.”             “Don’t worry Syd, connect to camera 1011, nakakabit sa sleeve ni 528.”             “Ang galing mo talaga.”             Lumapit sa kanya si Yvette. “Let’s go.”             “Tapos na ba?”             “The bombs were planted on the right spot.” Yvette planted a sleeping  bomb, a smokeless type of bomb, no one will take notice of its explosion. Parang putok ng bubble gum ang maririnig mo at hindi masyadong pansinin. Ang gas na lalabas mula doon ay odorless at colorless, sasabay lang iyon sa hangin and it only take two minutes for anyone who will inhale it to fell asleep.             Hindi ang pagpatay ang habol nila sa misyon na iyon, the police wanted them alive, and they are the traitors of this syndicate. At kapag nalaman ng big boss nila ang ginawa nila mamamatay sila. They will be killed in the most brutal way no one can ever imagine because she had seen one.   --- Thirty minutes later…             “NABABALIW ka na ba Sydney? Bakit ka pa pumasok dito?” galit na tanong niya sa kasama niyang tumatakbo paikot-ikot sa malaking maze na iyon. “Nasaan si Clime? Si Yvette?” nagkahiwa-hiwalay sila kanina dahil sa mga humahabol sa kanila.             “Hindi ako makakapayag na kayo lang ang humarap sa gulong ito, magkasama tayo.” Napapangiwi ito habang paika-ikang tumatakbo. Alam niyang hirap na hirap na ito pero patuloy pa rin ito sa pagsunod sa pacing niya. Hindi siya pwedeng magslow down dahil maabutan sila at impossible na silang makalabas sa headquarters.             “Ang dalawa?”             “Papalabas na sila pero hindi rin ako sure kailangan nating magmadali Kee, mahahabol na nila tayo.” Suddenly Syd stopped. “Mauna ka na susunod na ako alam kong mas matatagalan kang makalabas kapag kasama ako.”             “NO!” mariin na sagot niya. “I can’t leave you here.”             “Kee, mas matatagalan tayo dahil sa tama ko sa binti.”             “I said no.” pagod na pagod na siya sa katatakbo pero may lakas pa siya. “SUmampa ka sa likod ko kakargahin kita.”             Umiling ito sa sinabi niya. “Ayoko mas mahihirapan ka.”             “Mas nahihirapan ka sa sitwaasyon mo Syd at ayokong iwanan ka dito. Magkasama tayo dito kaya kahit na anong mangyari hindi kita iiwanan dito. Bubuhatin kita.”             “Mapapagod ka lang.”             “I don’t care!” narinig na niya ang papalapit na yabag ng mga sumusunod sa kanila kaya agad itong sumampa sa likod niya. Medyo mabigat ito pero kaya pa niyang dalhin ito, ngayon niya napatunayan na totoo ang adrenaline rush. Tumakbo siya ng mabilis upang makalayo sa mga taong iyon.             “Kapag nabuhay ako Kee magiging mabuting tao na ako.” Biglang nag-init ang mga mata niya sa sinabi ni Sydney.             “Hindi ka naman masama Syd, nagkataon lang na lumaki tayo na akala natin Mabuti ang ginagawa natin pero hindi pala.”             “Natatakot ako na may mawala kahit isa sa atin. Mas gugustuhin kong ako nalang ang mawala keysa makita ko kayo na…” tuluyan ng tumulo ang luha sa mga mata nito.             “Walang mapapahamak sa atin. Hindi ba sinabi ni general Anderson kapag naging successful ito makakalaya na rin tayo.”             Tuluyan ng umiyak si Sydney sa sinabi niya. “Pinanghahawakan ko ang sinabi nila pero sa tingin ko hindi na ako aabot.”             “Huwag ka ngang magsalita ng ganyan magkakasama pa tayo ng matagal.”             She heard Sydney giggling, “Kapag nagkaroon ka ng anak Kee ipangalan mo siya sa akin. Gusto kong magkaroon naman ng magandang saysay ang pangalan ko.” Nanlalabo na ang kanyang paningin sa sinabi nito.             “You are crazy mahaba pa ang buhay mo.” May narinig silang malakas na pagsabog mula sa kung saan. “Ano iyon?”             “It’s time.”             “Time for what?”             “To awake the dead Kee.” Unti-unting pumasok sa isip niya ang sinabi nito. Huminto siya sa mabilis na pagtakbo dahil alam niya ang lugar na tinatakbuhan nila. Bakit kailangan pa nilang tumakbo kung wala na silang matatakbuhan pa. “I am sorry Kee this is all my fault, I failed.”             “No one failed Syd, siguro iba lang ang kalayaan na nakalaan sa atin.” Mahinang usal niya. “Maybe we are not destined to have that kind of freedom this is all we can have. It’s a dead end.” Aniya habang nakatingin sa puting dingding na nasa kanyang harapan.             “We can still go back.”             Pumikit siya upang mag-isip pero ng marinig niya ang mga yabag na iyon alam niyang checkmate na sila. This is it, their end… their own freedom.             Isang malakas na pagsabog ang bumulabog sa kanila kasabay ng malakas na pagkayanig ng buong lugar, napatingin sila sa kisame na unti-unting nahahati at ang mga piraso ay dahan-dahang bumabagsak sa kanila.             This must be it… their freedom… in a place where they can no longer feel the pain their own paradise.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD