Chapter 17

1703 Words

Chapter 17 - Heart "SALAMAT po," ngumiti si Heart pagkasabi nun at tumango naman ito, saka tiningnan ang mga meters sa may manibela. Nasa mismong tapat sila ng New Era, dun siya nito itinigil. Natutuwa siya sa kabaitan nito sa kanya pero bakit kay Paz ay ang sungit nito kanina? "Sir," aniya rito. He hummed. "Talaga pong hindi niyo pasasahurin ng isang buwan si Paz? Y-Yun pong nakabangga niyo kanina?" Tumingin ito sa kanya kaya halos manlaki ang mga mata niya. Ano ba ang sinabi niya? Totoo naman kasi na ito ang bumangga kay Paz. Kitang-kita niya mula sa kinatatayuan niya kanina sa restaurant ang nangyari. Malawak ang daan sa pagitan ng mga mesa roon. Bawat hilera ng mga mesa at upuan ay may kanya-kanyang daan. Iyon naman talaga ang daan ng mga waitresses, at sa kaliwang parte naman a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD